Kabanata 44

3.7K 109 12
                                    

Kabanata 44
Club

"May date ba kayo ni Genesis at bihis na bihis ka?" tanong sa akin ni mommy habang nakatingin siya sa akin.

Kanina pa kasi ako nakaharap dito sa full body mirror namin sa kwarto. Hindi kasi ako mapakali rito sa suot kong wrap dress na dark violet ang kulay at may mga sparkling sequins. V-neck ang neckline nito at hindi bababa ng dalawang pulgada sa tuhod ko ang haba nito.

"Susunduin po kasi ako ng kaibigan ko rito, may party lang pong pupuntahan?"

I'm talking about Manoah, susunduin niya talaga ako ngayon pero hindi party ang pupuntahan namin, we will just go to a nightclub to start his plan on getting back his ex-girlfriend.

"Babae o lalaki?" tanong na naman ni mommy sa akin.

"Lalaki po."

"Lalaki?" Gulat niyang tanong, bahagya pa nga siyang napabalikwas sa pagkakasandal niya sa headboard ng kama. "Siguro naman bakla 'yan?"

Hinarap ko si mommy habang sinusuklay ko ang straight at nakalugay kong buhok.

"He's straight, Mi."

Kumunot naman ang noo niya.

"Magpaparty ka kasama ang kaibigan mong lalaki at straight pa?" Naningkit ang kanyang mga mata at mapanghusga akong tinitigan. "Amybelle Margot, alam ba ni Genesis 'yan? May boyfriend ka pero paparty ka kasama ang isang kaibigang lalaki, hindi ba magseselos si Genesis n'yan?"

Hindi pa rin alam ni mommy ang pakikipag cool-off ko kay Genesis, but now. I have no choice but to tell her the truth. Para mabawasan na rin ang mga inililihim ko sa kanya.

"Nakipag cool-off po ako kay Genesis, Mi. Siguro magdadalawang linggo na rin."

"Ano? Bakit?" Gulat na naman niyang tanong.

Bigla ay naramdaman ko naman na nag vibrate ang cellphone ko na nasa loob ng itim kong quilted shoulder bag. Kinuha ko 'yon at nang makita ko na nagtext si Manoah ay agad ko iyong binasa.

[Nasa tapat na ako ng gate - Manoah]

"Mahabang kwento po, Mi. Mamaya na lang siguro ako magkukwento pagbalik ko."

"Teka, dahil ba 'yan dyan sa kaibigan mong sasamahan mo ngayon, kaya ka nakipag cool-off kay, Genesis?"

"Hindi po, Mi. Walang kinalaman ang kaibigan kong 'yon. Basta po, magkukwento na lang ako mamaya. Kailangan ko na po umalis, nasa labas na raw kasi siya."

Nilapitan ko si mommy na nasa kama at hawak ang isang libro na kanina niya pa binabasa.

Hinalikan ko siya sa noo niya at nagmamadaling lumabas na ako ng kwarto.

"Anong oras ka uuwi?" Pahabol pang tanong ni mommy sa akin.

"Hindi ko po alam kung anong oras matatapos ang party, text na lang ako."

Nakakahiya namang paghintayin si Manoah kaya madaling-madali akong bumaba ng tenement. Ilang ulit nga akong natapilok sa suot kong high heels, hindi naman kasi ako sanay na nagsusuot nito.

Paglabas ko sa gate ng tenement ay agad kong natanaw si Manoah na nakasandal sa sasakyan niya. Nakaitim siyang longsleeve na naka-tack in, nakatiklop naman hanggang siko ang manggas nito at nakabukas ang dalawang butones, blue jeans naman ang pang ibaba niya at puting sneakers ang suot niyang sapatos. Naalala ko tuloy sa kanya si Genesis.

Nakatingin sa malayo si Manoah at nakapamulsa ang isa niyang kamay, habang ang isa naman ay hawak ang sigarilyong kasalukuyan niyang hinihithit at ibinuga sa ere.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now