Kabanata 2

5.7K 165 11
                                    

Kabanata 2
Enemy

The night that we've been waiting for has finally come. Right now, we're here on the backstage preparing for our performance later. Sampung grupo kaming nagsisiksikan dito at naghihintay. Ang init-init, hindi pa nagsisimula ang battle ay pinagpapawisan na ako ng matindi.

"Bakit ba hindi pa nagsisimula?" nagtatanong kong reklamo kay Haydee.

"Kasi nga kulang pa yata ng judge. Limang upuan ang naroon pero apat pa lang sila."

"Paka-VIP naman ng isang 'yon."

Humalukipkip ako at pinunasan ko ng kamay ko ang aking noong may iilang butil na ng pawis. Pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko sa mga grupong kasama namin ngayon. Hindi ko makita kahit isa man lang sa member ng Satellite group na kinabibilangan ni Genesis. Hindi magiging exciting ang pagsali namin dito kung wala ang grupo nila.

Gusto kong makalaban ang mayabang na si Genesis, gusto ko siyang talunin at baliin ang kayabangang meron siya.

"Hindi ko makita ang Satellite. Hindi sila sumali, kainis!" himutok ko sa mga kaibigan ko.

"Okay lang 'yan. Sabi mo nga, diba? Mas malaki ang chance na manalo tayo kung wala sila." sabi ni Haydee.

"Pero mas exciting pa rin kung kasali sila. Bakit kasi kung kailan kasama niyo ako, 'tsaka naman sila wala!"

"Just relax, okay? Tignan mo na lang ang pa-tarpaulin ni Faye para sa atin. At saka, nandyan naman ang parents natin para panoorin ang performance natin. Hindi ba mas exciting 'yon? Let's make them proud. Let's show them what we got." ani Ravina.

Napabuga ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Okay, fine."

"Magandang gabi mga taga Sul Medra!"

"Ayan na!" ani Haydee nang marinig naming nagsalita na ang host ng contest ngayong gabi.

Ang mga manonood na mukhang naiinip na rin kanina ay nabuhayan tulad ko.

"GENESIS! I LOVE YOU!"

"ANG GWAPO-GWAPO MO GENESIS!"

"I MISS YOU FAFA GENESIS!"

Why are they keep shouting that guy's name? Hindi naman contestant ang grupo nila ngayon, huh?

Muli kong inilibot ang paningin ko sa mga kalaban naming banda. Wala talaga roon si Genesis at ang banda niya.

"Oh. My. God, Mabel! He's one of the judges."

Judge? who?

Napalingon ako kay Haydee dahil sa paulit-ulit niyang pangangalabit sa akin. Nang lingunin ko siya ay hindi naman siya sa akin nakatingin. Sinundan ko ng tingin ang direksyon ng kanyang mga matang bakas ang pagkabigla at nang masilayan ko ang nakikita ni Haydee. Maging ako ay nagulat.

Nakita ko si Genesis na nakaupo sa panel of judges. Naroon siya sa left side sa may dulo at kumakaway sa mga audience na tumitili sa kanya.

Matagal akong napatitig kay Genesis mula rito sa kinauupuan ko. I can only see his side view, pero masasabi ko ng mas lalo siyang naging magandang lalaki ngayon, kahit na sa ganoong angle ko lang siya natatanaw.

He's hair is on messy bun. Mahaba na rin ang kanyang sideburns, pero bumagay iyon sa kanya. His jawline is screaming perfection at sa angulo niya ngayon ay kitang-kita rin kung gaano kataas at katangos ang kanyang ilong, ang manipis niyang labi sa ibabaw at katamtamang lapad sa ibaba, even his curly long eye lashes and his high cheekbone.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now