Kabanata 26

4.6K 138 12
                                    

Kabanata 26
Memories at the rooftop

Pagdating namin sa quadrangle ay hindi lang ang malakas na party music ang sumalubong sa amin kung di pati ang mga makukulay at nagsasayawang ilaw na mas lalong bumubuhay sa espesyal na gabing ito.

Maganda ang set up na ginawa ng mga namahala sa pag-aayos ng prom dahil malaking espasyo ang inilaan nila sa gitna para gawing dance floor ng mga estudyante. Sa kaliwa't kanan naman ay naroon ang mga upuan at mesa.

Sa magkabilang gilid ay may mahabang mesa kung saan naroon ang pagkain at sa gitna, sa maynpinakaunahan ay naroon ang malaking entablado na napapalamutian ng mga bulaklak at kung anu-ano pang mga kumikinang na art materials. Mababasa sa gitna ang "Senior Prom" kasama ang taon ngayon.

Dahil tutugtog mamaya ang Satellite. Makikita sa gilid ng stage ang musical instruments na gagamitin nila. Nakadisplay din sa stage ang korona ng mga magiging king and queen.

Everything look so nice and perfect. Nagliliwanag ang buong paligid sa mga mumunting ilaw na pati ang mga puno ay pinalibutan. Iisa lang ang kulay ng mga ito, it's all yellowish. Puro puti naman ang upuan at ang mga mesa na nasasapinan ng puti at pulang table cloth. Bawat mesa ay may mga flower base at magandang table setting.

Bago kami tuluyang makaupo ay lumakad muna kami sa isang maikling red carpet at huminto sa tapat ng malaking arch na nakatayo sa gitna. Napapalibutan ito ng halaman, bulaklak at maliliit na ilaw.

Pares-pares ang mga humihinto rito, pero kung wala ka namang kapareha ay okay lang din kung solo kang magpopose.

"Smile." sabi ng school photographer sa aming dalawa ni Genesis.

Ngumiti naman ako. Naramdaman ko pa nga ang pagpulupot ng kamay ni Genesis sa baywang ko, kasunod ng pag flash ng malaking camera ng photographer.

Sa left side kami naupo nila Genesis. Anim sa bawat mesa. Magkakasama kami dito sa mesa nina, Georg, Darwin, Jace, Faye at Genesis. Brando wasn't here yet but he will come, sinundo lang daw nito ang date niya.

Dahil hindi pa naman nagsisimula ang prom. Panay ang kwentuhan at tawanan nila Genesis, minsan nga ay natatawa rin ako sa mga biro nila.

"Psh. Kahit wala akong date. Gwapo ako." mahanging sabi ni Georg.

"Boo!" Sabay-sabay namang asar sa kanya nila Genesis. Naka thumbs down pa nga si Genesis.

Gwapo naman talaga si Georg Salvacion. His false blonde hair suits him well, he also had a humorous personality that lots of girls looking for, pero minsan ay sumosobra ang pagkakengkoy ni Georg, nagiging isip bata siya kaya siguro natuturn off sa kanya ang iba at nababaling na lang ang atensyon sa isa pang gwapo at single member ng Satellite, si Jace.

Si Jace Delgado na moreno, matangkad at pinakamabait sa lahat, well...hindi ko pa naman talaga lubos na kilala ang mga kabanda ni Genesis, pero nasa mukha kasi ni Jace na ang bait-bait niya. Tahimik siya at napaka expressive ng kanyang mga mata. Habang ang dalawa pang member na sina Darwin at Brando, they both have a girlfriend. Schoolmate namin ang girlfriend ni Brando at katulad namin ay nasa senior high na rin ito and she is his partner tonight, while Darwin's girlfriend are in manila. Long distance relationship ang dalawa, pero bilib ako kay Darwin dahil stick to one 'yan at lagi pang pinagmamalaki ang girlfriend niya.

Muling naglibot-libot ang paningin ko sa paligid. Karamihan sa mga kaklase ko ay nakaupo sa right side. Gusto ko sanang tawagin sila Carousel, kaya lang ay nahihiya naman akong sumigaw at mukhang hindi rin naman nila ako maririnig.

"Hi boys!"

Tumaas ang isang kilay ko nang biglang sumulpot si Shey. Nasa likuran siya ni Genesis at nakahawak ang malilikot niyang kamay sa broad shoulders ng boyfriend ko.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now