Kabanata 17

5.5K 130 4
                                    

Kabanata 17
Sayang

Wala kaming imikan ni Genesis pagbaba namin sa parola. Ilang na ilang ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Hindi sumagi sa isip ko na iyon pala ang sasabihin niya sa akin at hindi ko rin naisip na darating kami ni Genesis sa ganitong punto.

We started as an enemy at ngayon magiging manliligaw ko na siya?

Napakatahimik ng daang tinatahak namin ni Genesis pabalik sa bahay nila kuya Marvin. Tanging mga kuliglig, ang ihip ng hangin at ang mga yabag lang namin ang tanging maririnig.

Ako ang nauunang maglakad kay Genesis at habang nasa likod ko siya. Nararamdaman ko ang mga titig niya.

"Mabel, diyos ko! Saan ba kayo nagpunta?"

Bakas sa mukha ni ate Silvia ang pag-aalala nang tumatakbo niya akong nilapitan.

Napatingin pa nga ang ilang bisita sa amin.

"Namasyal lang kami, ate Silvia. Sorry kung hindi na kami nakapagpaalam." ani Genesis na alanganing nakangisi kay ate Silvia.

"Sabi ko naman sa'yo, Silvia. Kasama lang ni Genesis si Amybelle." sabi naman ni tita Nimfa na naglakad palapit sa amin, galing sa likod.

"Genesis, sa susunod na dadalhin mo sa kung saan si Amybelle, magpaalam ka naman. Kanina pa di mapakali 'yang ate Silvia niyo kahahanap kay Amybelle. Ang sabi ko nga ay baka kasama mo dahil hindi rin kita makita kanina."

Hindi ko narinig na umimik si Genesis pero nakangiti siya sa mama niya na para bang nagpapacute siya rito.

"O siya sige, magpaalam na tayo kay lolo Apolonio at uuwi na tayo." ani ate Silvia at saka niya nilingon at bahagyang ngitian si tita Nimfa. "Maiwanan na po muna namin kayo, madam." puno ng paggalang na sabi niya bago siya naglakad.

Sumunod ako kay ate Silvia at nilapitan namin si lolo Apolonio na tahimik na nakaupo sa puting monoblock na nasa pinakaunahan, sa may harap ng kabaong ng lola ni kuya Marvin, nasa tabi naman ni lolo Apolonio si kuya Marvin.

"Okay lang ba talaga sa'yo kung aayain kong lumabas ang ate Silvia mo sa miyerkules? Kung gusto mo naman kasi ay sumama ka na lang sa amin, Mabel." Kanina pa nanghihingi ng permiso ko si kuya Marvin para idate si ate Silvia at ngayon, nagpapaalam na naman siya habang naglalakad kami palabas ng bakuran nila.

Tipid ko siyang nginitian bago ako sumagot.

"Pumapayag naman ako, basta kayo na lang. Date niyo 'yon kaya hindi na ako sisingit. Alam ko naman na namiss niyo ang isat-isa." pambubuyo ko sa kanila ni ate Silvia. Napangiti naman silang dalawa.

Papalabas na kami ng bakuran nang tawagin ako ni Genesis. Sabay-sabay naman kaming napalingon sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Uuwi na kayo, diba?"

"Ah-huh."

"Eh, di...isasabay na namin kayo. Uuwi na rin kasi kami." Malapad na ngumiti si Genesis. Ngiting kitang-kita ang mapuputi at magaganda niyang ngipin.

"Ayos! Makakatipid tayo sa pamasahe, Mabel." sabi naman ni ate Silvia.

"Salamat, sir Genesis." sabi naman ni Kuya Marvin.

"Wala 'yon."

Tinignan ako ni Genesis at kinindatan, pagkatapos ay umangat ang isang sulok ng kanyang labi. Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Genesis, halika na kayo." yaya naman ni tita Nimfa sa amin.

"Madam, salamat po sa pakikiramay." ani kuya Marvin.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon