Kabanata 33

4.1K 100 10
                                    

Kabanata 33
Kailangang tanggapin

Habang nagbabayad ako ng fee namin ni Genesis para makapag swimming. Pansin ko ang malalagkit na tingin kay Genesis ng babaeng kausap ko ngayon.

"Excuse me, Miss? Are you still with us?" inis kong tanong dito.

"Y-Yes, ma'am."

"Tinatanong ko kung magkano ang cottage niyo rito?"

Sa wakas ay nawala rin ang atensyon ng babae kay Genesis at ipinaliwanag niya sa akin kung anu-ano ang cottage na pwede namin rentahan.

Si Genesis na ang pinapili ko dahil siya naman ang magbabayad. After niya makapili ay nagbayad na kami at tinatakan naman ang likod ng palad namin. Ang ibig sabihin 'non ay pwede kaming maglabas-pasok sa pool area, basta ipapakita lang namin sa kanila yung stamp.

Mula rito sa kinaroroonan namin ay dinig na namin ang masasayang naliligo sa pool.

"Okay na?" tanong ko sa babae. Tumango naman ito sa akin.

"Dyan po, ma'am nandyan  po ang mga cottage." turo pa nito sa amin.

Nasa labas ng pool area ang mga cottage at pinili namin ni Genesis iyong cottage na mataas, para hindi rin gaanong naeexpose ang gamit namin sa mga mata ng malilikot ang kamay, though wala naman kaming mga mamahaling gamit na dala ni Genesis bukod sa kanyang camera na balak niyang iwan mamaya doon sa babaeng tumanggap ng bayad namin kanina. 

Habang hinahanap ko ang sunblock ko sa bag namin ay nakita kong hinubad na ni Genesis ang kanyang tank top at ang mga mata ko ay hindi maiwasang tumingin sa kanyang maganda at kahali-halinang katawan.

"Hindi ka mag susunblock?" tanong ko kay Genesis nang makita ko na ang sunblock ko.

"Hindi na. Lagyan na lang kita." Nginitian niya ako at saka kinuha ang sunblock ko.

"Are you wearing your bathing suit already o magpapalit ka pa?" tanong niya sa akin.

"Nakasuot na ako."

Hinubad ko ang floral dress ko at lumantad ang aking purple underwire swimsuit. Ayokong mag panty lang kaya hindi ko na hinubad ang denim shorts ko na kanina ko pa rin suot.

Tumalikod ako kay Genesis habang itinatali ko ang buhok ko. Naramdaman ko naman ang mainit niyang palad na marahang humahaplos sa likod ko.

Napapikit ako dahil ang sarap niyang maglagay ng sunblock. May halong diin ang haplos niya, parang minamasahe niya na tuloy ako.

Pagkatapos niya akong lagyan ng sunblock ay niyakap niya ako mula sa likuran ko at hinalikan niya ang balikat ko.

"Let's go." yaya niya.

Si Genesis nag unang bumaba sa hagdan at inalalayan naman niya ako.

Pagbaba namin ay napahinga ako ng malalim. Ito kasi ang unang beses na nag suot ako ng swimsuit. I'm not so confident on my body. May pagka-conservative nga ako, eh. Pero simula ng may mangyari sa amin ni Genesis at parati niyang sinasabing maganda ang katawan ko, nagkaroon na ako ng self-confident at hindi na ako ganoon ka-body conscious.

Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mailang sa tingin ng ilan sa amin ni Genesis. Laglag pa nga ang panga ng isang grupo ng kababaihan sa malaking cottage na malapit sa amin.

"Tutulo na ang laway ng mga babae sa'yo." mahina kong sabi kay Genesis habang inginunguso ko sa kanya ang mga babae.

"Psh. Sana ikaw din." sabi naman niya at saka niya ako hinila.

Excited na talaga 'tong mag swimming.

Pagbalik namin sa pool area ay parang nagulat ang babaeng kausap ko kanina nang makita niya si Genesis.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now