Kabanata 31

4.6K 111 8
                                    

Kabanata 31
Graduation Party

Nandito kami sa balcony ngayon kung saan tanaw na tanaw ang garden at ang ilan naming schoomates na enjoy na enjoy sa pagsasayawan.  May apat na malalaking speaker na naka-set sa garden kaya dumadagundong ang malakas na music mula roon. Para ngang tinatambol ang dibdib ko sa lakas ng tugtog.

Kung ang marami ay masayang nagsasayawan, naglalaro naman ng beer pong at flip cup ang ilan and they're all look so very happy.

Hindi rin mawala ang ngiti ni tita Nimfa at ni mommy habang nagkukwentuhan sila kasama si ate Silvia. Pinanonood nila ang mga kaeskwela namin sa baba. Kami naman ni Genesis ay may sarili rin kwentuhan habang nakahilig ang ulo ko sa kanyang malapad na balikat at siya naman ay natatawang tinitignan ang mga kuha niya sa kanyang dslr camera.

"Bakit hindi kayo sumasali sa kanila?" tanong ni mommy sa amin ni Genesis.

"Oo nga naman. Bakit nakaupo lang kayo dyan?" tanong pa ni tita Nimfa.

Umalis ako sa pagkakahilig kay Genesis at tinignan ko siya.

"You can go there and have fun." sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya at inakbayan ako. "Okay na ako dito. Basta kasama kita." malapad ang ngiting sabi niya. "But I know a place to go. Wanna come?"

Saan naman kayang place ang sinasabi nito?

Nag-iisip pa lang ako kung sasama ako kay Genesis pero tumayo na agad siya sa upuan niya at hinila ako.

"Let's go." yaya niya sa akin habang malapad siyang nakangiti.

Napatingin sa amin si tita Nimfa, ate Silvia at mommy nang tumayo kami, pero wala hindi naman sila umimik at agad din nilang itinuloy ang kanilang kwentuhan.

Pagbaba nanin ni Genesis ay binabati kami ng ilan, lalo na si Genesis na valedictorian. Nakikipag kamay pa nga sa kanya ang ilan. Para tuloy siyang tumatakbong kandidato.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Genesis habang hawak niya ang kamay ko at hila-hila ako.

"Basta."

Hindi na ako nagtanong pa sa kanya. Nagpatianod na lang ako sa panghihila niya sa akin.

Papalabas na kami ng bahay nang makita naman kami ni Faye. Kasama niya si Jace, Brando at Rica.

"Uy, saan kayo?" tanong ni Jace kay Genesis.

"Dyan lang." Tipid na sagot ni Genesis.

Nagtatanong naman ang mga tingin na ipinukol sa akin ni Faye pero nagkibit balikat lang ako sa kanya at nginitian siya at saka ako nag wave sa kanya.

Paglabas namin ng bahay ay agad hinagilap ni Genesis ang jeep wrangler niya at nang makita niya naman agad iyon ay dali-dali niya akong pinagbuksan ng pinto papasok doon.

"Aalis tayo dito?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Yup. You don't like this kind of party, right?" nginitian niya ako at saka isinara ang pinto sa may side ko.

Umikot si Genesis at pumasok siya sa may driverseat.

Alam niya ngang ayoko ng mga house party pero ayoko namang pati ang social life niya ay maapektuhan dahil sa akin.

"Genesis, you don't need to do this. Okay lang naman ako sa taas kanina. You can have fun with your friends."

Nginitian niya ako. "I'll rather be happy with you."

Binuhay na niya ang makina ng kanyang sasakyan.

"Genesis."

Sinubukan ko pa siyang patigilin pero buo na talaga ang loob niyang umalis sa party nang tuluyan na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now