Kabanata 37

3.7K 99 20
                                    

Kabanata 37
Audition

Alas-nuebe na ng umalis dito sa apartment si Genesis para makipagkita sa mga kabanda niya at sa posibleng maging manager nila. Sinasama nga niya ako pero tumanggi ako kasi baka ma-op lang ako sa kanila, at saka hindi pa kasi naaayos ang iba naming gamit dito sa apartment kaya naisip kong maglinis na lang dito. Mamaya ay balik training na naman ako at baka mawalan na ako ng oras para mag linis, kaya gagawin ko na ngayon.

Nagtitiklop ako ng mga damit namin ni mommy habang nanonood ako ng tv nang ipatalastas ang singing contest na gusto kong salihan.

Napatigil ako sa panonood at napatutok ako sa tv nang mga sandaling iyon.

Ang sabi sa patalastas ay sa sabado na pala ang simula ng audition. Nag flash sa screen ang lugar at oras ng audition at tinandaan ko naman iyon.

Sa tuwing naaalala ko ang mga premyong maaaring mapanalunan ay lalo akong nasasabik na sumali.

Kailangan ko ng makaisip ng magandang idadahilan ko kay mommy at Genesis kapag umalis ako para mag audition. Sa ngayon ay wala pa akong maisip na idadahilan ko sa kanila.

Nang magtanghalian ay hindi pa rin dumarating si Genesis kaya mag-isa akong kumain ng niluto kong adobo. Marami naman itong niluto ko kaya makakatikim pa nito si Genesis at si mommy, pagdating nila.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko at naghugas ng pinggan at saka ako pumunta sa kwarto para matulog.

Ganito naman ako noon pa man. Kapag hapon ay dinadapuan talaga ako ng antok kaya natutulog ako.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may pumulupot sa baywang ko at may mainit na hininga ang dumampi sa balikat ko.

Pikit mata akong napasinghot at naamoy ko ang pamilyar na panlalaking pabango ng taong nasa likod ko.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nang lumingon ako sa may kaliwa ko ay ang gwapong mukha ni Genesis ang sumambulat sa akin.

Nakapikit ang mga mata niyang may makapal at mahabang lashes at nang dumilat siya at magtama ang paningin naming dalawa ay parang biglang bumigat ang paghinga ko.

Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya at marahan kong hinaplos ang kanyang makinis na pisngi.

"Sorry for waking you up." aniya at saka niya mas ipinulupot pa ang braso niya sa baywang ko at hinilig niya ang kanyang ulo sa may dibdib ko.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya habang sinusuklay ko ang mahaba at nakalugay niyang buhok.

"May manager na kami at may talent agent na rin." sagot niya.

"Wow! Congratulation."

"Thank you. Actually, kinakabahan nga ako kasi sa saturday, gusto ng talent agent namin na itry daw namin na mag audition sa isang bagong singing contest na mapapanood sa tv. Good start daw iyon para makilala ang banda namin at sang-ayon doon ang manager namin at sina Georg."

Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Genesis at bigla akong kinabahan.

"A-Anong singing contest?"

"The sound of a champion yata ang title. Bago lang daw 'yon at ang pinakamagandang premyo na makukuha namin doon bukod sa fame, magkakaroon kami agad ng contract sa isang sikat na recording company. We will be having our own album."

"M-Maganda ngang start ang contest na 'yon." sabi ko na lang kahit ang totoo ay ang gulo na ng isip ko ngayon.

"Exactly. Kaya nga kinakabahan ako kasi mas maraming makakapanood ng performance namin, kaya dapat galingan talaga namin. Kailangan naming lampasan 'yong performance na pinapakita namin kapag sumasali kami sa battle of the band."

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon