Kabanata 21

4.9K 136 16
                                    

Kabanata 21
Stopover

"Genesis, wag mo na ako buhatin. Kaya ko naman."

Ilang ulit kong pinigilan si Genesis na buhatin ako, tinapik-tapik ko siya para ibaba ako, pero hindi niya ako pinapansin. Tuloy pa rin siya sa pagbuhat sa akin hanggang sa makarating na kami school infirmary.

Pagbukas pa lang ni Genesis ng pinto ay sinalubong na kami ng bagong doktora.

"What happened to her?" May pag-aalalang tanong nito kay Genesis.

"Nasiko po kanina sa basketball game." sagot naman ni Genesis.

"Ihiga mo siya rito."

Hinawi ng doktora ang nakatabing na kurtina sa isa sa mga kama na narito sa infirmary at marahan akong ibinaba ni Genesis sa kama.

"Tissue."

Inabot ni Genesis sa doktora ang tissue na inaalok nito at ng akmang ipupunas na sa akin ni Genesis iyon ay pinigilan ko siya.

"Ako na."

Pinaningkitan ako ni Genesis ng kanyang mga mata at umigting pa nga ang kanyang mga panga. Parang pinagagalitan niya ako kaya hindi ko na siya kinontra at napalabi na lamang.

Marahang idinampi ni Genesis ang tissue sa ilalim ng dumugo kong ilong at pagkatapos ay saglit niya akong tinitigan.

"Let me check her first."

Napaurong si Genesis sa kinatatayuan niya nang lapitan ako ng bagong doktor na nagpakilalang si Doctor Carla Pillarca.

Mukhang bata pa siya. Malaki ang kanyang hinaharap at kitang-kita ang kanyang cleavage. Makinis ang kutis nito at mala-labanos sa kaputian. Her hair is long and straight na may pagkacooper brown ang kulay. Sa tantya ko ay nasa mid twenties pa lang siya kumpara sa naunang doctor namin noon na nasa thirties na yata.

Pagkatapos akong macheck ni Doctor Pillarca ay nakipagkwentuhan ito sa amin. Sa una ay nag e-enjoy pa akong makipag-usap sa kanya pero habang tumatagal ay hindi ko nagugustuhan ang mga galaw at tingin niya habang nakikipag-usap siya kay Genesis. 

Kakaiba ang mga ipinupukol na tingin niya kay Genesis. At napapansin ko pa na ang dami niyang tanong kay Genesis, para bang interesadong-interesado siya sa kanya at ako, parang hindi na nila ako kasama.

"Ilang taon na po kayo, doc?" tanong ko habang nakaupo ako sa kama, katabi si Genesis.

"I'm twenty six."

Sabi ko na nga ba. She's in mid twenties.

Siguradong maraming lalaki ang humahanga kay doctor Pillarca dahil napakaganda niya. Matangos ang kanyang ilong, mapuputi ang kanyang ngipin at kissable lips. Ang pula-pula pa ng labi niya dahil sa lipstick. Mukha siyang spanish descent. Nakakainsecure ang ganda niya.

"Ang laking bulas mo, parang hindi ka na teenager. You look so manly." Ani doctor Pillarca habang nakangiti siya at nangingislap ang mga matang nakatingin kay Genesis.

Nilingon ko naman si Genesis na malapad ang ngiti sa sexing doktora sa harap niya. Ang ganda ng ngiti ng loko.

Pero agad na nawala ang ngiti ni Genesis nang lumingon siya sa akin at magtama ang mga mata namin.

"Okay na ako. Babalik na ako sa classroom."

Bumaba ako sa kama at naglakad na palabas.

"A sige po, doktora. Salamat po. Alis na kami." Dinig ko namang paalam ni Genesis kay doctor Pillarca.

"Mag-iingat kayo."

Paglabas ko ng infirmary ay mas binilisan ko pa ang lakad habang nagkukumahog na humahabol sa akin si Genesis.

Battle with love (Ashralka Heirs #3)Where stories live. Discover now