Chapter 2 - After Six Months

31.5K 920 73
                                    

For almost six months, nawala si Sage sa buhay ko. Nagpaalam siya ng biglaan kay Sir Rusty na pupunta siya sa Northern China para sa isang mission, pero hindi siya nagpaalam sa akin. 

Walang goodbye letter, walang K Tnx Bye, walang GTG, walang Laters Baby, walang kahit ano.

Pinagpatuloy ko ang buhay ko kasi kailangan ko din mag move-on. Nagtatrabaho na ako ngayon sa isang company pero patuloy pa din ako na nagsasanay bilang isang Punong Babaylan

Di ko na masyado naaalala si Sage, mga twice a day na lang...


Charot lang! Palagi ko siya naiisip every fucking minute of every fucking day!


Pagbaba ko sa basement parking, di ko inaasahan na andoon si Sage na nakasandal sa kotse ko.


Yes may kotse na ko. Remember yung graduation gift ni Uncle Syl sa Book 1 Ang Boyfriend Kong Mummy na, Vampire pa?

Kung bakit nakapasok sa building namin si sage, hindi na ko magtataka dahil may superhuman speed siya.

Malay ko ba kung may invisibility cloak din siya?


"Rei..." bati niya sa akin nang makalapit ako sa kanya.


He looks exactly the same six months ago. Gusto ko siya yakapin because I missed him so much.


Pero hello? Di kami bati, iniwan niya ko sa ere di ba?


"Sage..." malamig na sagot ko sa kanya.


Para kaming strangers at formal formalan ang peg namin dalawa. Gusto ko magalit sa mga oras na ito pero sayang ang emotions at sayang luha. 

For the last six months, napagod na din ako umiyak. I promised to myself na kung magkikita kami ni Sage, mabuting maging magkaibigan na lang kami, No Attachment.


"You look good..." sabi niya pero walang kahit anong emosyon sa mukha niya.

"Yoo too. Why are you here?" tanong ko sa kanya na parang isang very sophisticated English speaking office girl. Confident na ko ngayon. Di tulad noon na baliko baliko ang English sa harap ng gwapong lalakeng to.

"Give me your keys," utos ni Sage na seryoso na nakatingin sa akin. 


Ayoko makipagtalo kaya binigay ko ang car keys ko sa kanya. Or partly na-eexcite na naman ako?


Taena, akala ko ba gusto ko No attachment? Di ako consistent pagdating kay Sage eh.


"Saan tayo pupunta? Just so you know, may lakad ako ngayon," tanong ko habang nagdridrive siya.

"Saan lakad mo?"

"I have a dinner date with my boyfriend."

"Boyfriend? Ako ang boyfriend mo di ba?" galit niyang tanong sabay preno sa sasakyan.

"Oh really? Nakalimutan mo ba na wala tayo communication for the last six months?"

"And that gave you the right to break up with me without my knowledge?"


Ang kapal ng fez! Siya pa galit?


"At sino nagbigay sa'yo ng karapatan na iwan ako sa ere? Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan para durugin ang puso ko? So kung hindi related sa pagiging Alagad ni Bathala ang ipaguutos mo, next time na lang tayo mag-usap. I am in a hurry..."


Bigla ko tinawagan si Timothy para mas lalong maging effective ang pagpapanggap ko. Timothy is my gay colleague at dahil sa kanya nabawasan ang kalungkutan ko kay Sage. Para akong nasa comedy bar everyday dahil sa kanya. He is tall, handsome and mestizo. Isang tunay na lalake kung hindi ibubuka ang bibig.


"Hey honey. Reichel here, your honeybunch. Baka malate ako sa dinner natin. Alam ko pinagluto mo ko ng pasta. Don't worry, uubusin ko yan pagdating ko sa apartment natin, I missed you honey. I can't wait to see you!" malandi kong sabi sa phone kay Timothy.


Dahil matalino si Timothy, alam niya na agad na may kasama ako ibang tao. He does not know much about Sage, pero alam niya na may lalaking nagmamay-ari ng puso ko at iniwan ako ng walang paalam.


"Sure honey, take your time. I missed you so much too! I can't wait to spank that ass of yours!" sagot ni Tim sa isang matigas na boses na parang tunay na lalaki. Buti marunong maki-ride si bakla.

"Really honey? Fuck, mas lalo tuloy kita namissed!"

"Reichel, bilisan mo lang. Di na ko makapaghintay. I want to kiss every part of you!" seductive na sabi ni Timothy pero alam ko, nasusuka na siya sa mga oras na to sa mga pinagsasabi niya. Malamang sasabunutan niya ko bukas sa kalokohan ko.

"Hintayin mo ko honey! May regalo kang make love sa akin mamaya!" sabi ko sabay disconnect ng call.


I am sure na narinig ni Sage ang usapan namin ni Timothy dahil may enhanced hearing abilities siya. Sana lang effective ang acting namin ni Timothy.


"Sage, ano ulit ipag-uutos mo? May ipapagawa ka ba sa akin?"

"Next time na lang. Ihahatid na lang kita sa bahay ng boyfriend mo," he said as he gritted his teeth.

"Sa bahay ko na lang. Papasundo na lang ako kay Tim sa bahay."

"Saan mo nakilala boyfriend mo?"

"Officemate ko, his name is Timothy. Mahal niya ako at tinuturing na isang girlfriend, hindi basura na pwedeng iwanan anytime anywhere."


I just smiled at him confidently. Mas mabuti na yung ganto, at least hindi na ko masyado nag-aassume na may chance talaga kami.


Kung mahal niya talaga ko, eh di sana kinontak niya ko kahit isang beses, pero waley, nga nga!

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now