Chapter 14 - Aklan

21.3K 656 48
                                    

Business as usual kami ni Sage sa office, pero palagi kami nakikipag coordinate kay Quinn.


"Gusto mo mag Boracay bukas?" tanong ni Sage pagdating namin sa bahay.

"Bakit mo naman naisipan mag Boracay bigla bigla?"

"Namissed ko na yung time na naka two piece ka sa beach," sabi niya sabay yakap sa akin at halik sa leeg ko.

"Tinatanong mo ba ko kung gusto ko sumama or nakaplano na yan?"

"Aalis tayo bukas ng maaga pero hindi natin gagamitin ang helicopter ni Rusty. Isang oras lang naman ang flight papunta sa Kalibo. What do you think?"

"Hindi Boracay ang una mong pakay, Sage. Tama ba?"

"You are really getting smarter every day, that's why I can't get enough of you," sabi niya habang hinahalikan pa din ako sa leeg.


Di ko sure kung may unlimited source ng honey ako sa leeg or sweet lang talaga ang leeg ko kasi palagi niya ko doon hinahalikan kahit di na siya vampire.

Tulad nga ng inaasahan ko, nakaplano na ang lahat kay Sage. Maagap pa lang ay nakarating na kami sa Kalibo International Airport sa Aklan. I have a feeling na may iba kaming destination aside sa Boracay.


"Baka pwede mo na sabihin sa akin kung saan tayo pupunta?" tanong ko kay Sage habang sakay kami ng isang van papunta sa medyo liblib na part ng probinsya.

"Kung nasa Aklan ka, saang lugar mo least gusto pumunta?"

"Sa gubat at sa sementeryo!"

"That is exactly where we are going," natatawa niyang sabi sabay lagay ng shades as if matutulog siya.

"Totoo? Anebeyen!"


Gusto ko siya sapukin sa mga oras na ito, pero kung ganto kagwapo ang katabi ko, ang sarap titigan ng matagalan.

Hindi nga nagjojoke si Sage dahil lumiko kami sa isang rough road papunta sa masukal na lugar. Since mala gubat na ang pupuntahan namin, tumigil ang van at nilabas ng driver ang ilang bags at tent.


"Umamin ka Sage, you compelled that driver noh?" tanong ko kay Sage habang paakyat sa liblib na bundok.

"His name Grego. He will pick us up after midnight. I know him years ago, hence, I don't need to compel him anymore. He is an aswang hunter here for years. We fought a manananggal sa kabilang province almost a decade ago."

"At di man lang niya tayo sinamahan?"

"May trabaho yung tao, transport service from Kalibo to the jetty port papuntang Boracay island. Hindi na din siya bata tulad noon. May arthritis na kaya hindi na siya active as paghuhunt. Bakit wala ka ba tiwala sa akin?"

"Meron naman pero the more the merrier, di ba?"

"Paano kita masosolo kung may kasama tayo?" natatawa niyang tanong.

"Ang galing mo sumakto eh, lalandiin mo ko sa gitna ng sementeryo? Ano ba gagawin natin dito? Balbal na naman ba ang kakalabanin mo?"

"They are called Amalanhig. Parang zombie vampires."

"Basta zombies na parang Walking Dead, ok lang sa akin, pero kung zombies parang World War Z, iiwan kita dito. Masyado sila mabilis at wala ako super speed katulad mo."


Pero di kumibo si Sage dahil tumigil kami sa isang malawak na fields sa kagubatan. May several wooden cross kaya mukhang sementeryo pero walang mga pangalan.


"According to legends, aswang genes can be transferred, whether active or dormant. Kapag may lahing aswang at hindi mo na transfer ang aswang genes mo, you will reanimated as an Amalanhig. Of course, sabi sabi lang yun at kwento ng makalumang tao. Kwentong napag-iwanan ng panahon."

"Eh bakit andito tayo sa harap ng isang malawak at creepy na sementeryo?"

"Because Grego already encountered five Amalanhig a few days ago. And he believed that they will wake up all at the same time during full moon, which is tonight."

"All at the same time? Hehehe nice! Sage, saan ako pwede magtago para mag cheer sayo during your fight with these Amalanhig?" natatawa kong tanong sa kanya pero deep inside natatakot ako.

"You are the Punong Babaylan, you are my support. You should be beside me during my fight with these zombie vampires."

"Ah ganun ba? Next time magbabaon ako costume na parang si Wonder Woman ah?"


Pero inirapan lang ako ni Sage. Nagsimula siyang magset-up ng tent sa isang mataas na parte ng gubat kung saan tanaw ang buong unnamed cemetery.


"Mataas pa ang araw, magrelax ka muna," sabi ni Sage habang nasa loob kami ng tent.

"Magtetext ba sila sayo kapag babangon na sila sa hukay?"

"Sabi ni Grego, he is quite sure na around midnight sila bumabangon. Can you try an area damage spell? I am not in the mood to manually slice all of them. Alam mo na, magbebeach pa tayo bukas," sagot ni Sage sabay higa sa binti ko.


Kinuha niya yung kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Naalala ko tuloy yung time na nasa school kami sa may swimming pool area.


"Can you be more specific sa area damage spell na gusto mo gawin?"

"Parang fire storm that will engulf every Amalanhig all at once. Can you manage that kind spell or mahihirapan ka?"

"I don't know. I'm not in the mood din to cast an area spell. Alam mo na, magbebeach pa tayo bukas," natatawa kong sabi sa kanya.


Sino ngayon moody sa atin Sage?


"Gaya gaya ka eh noh? Halika nga dito," sabi ni Sage sabay bangon at hawak sa magkabila kong pisngi. He kissed me slowly at first and then his kisses became deeper.

"Sage, baka may makakita sa atin dito..." bulong ko kay Sage habang tinatanggal niya ang damit ko.

"Malalaman ko kapag may tao or maligno na papalapit sa atin. Bakit nacoconscious ka sa mga engkanto sa paligid? And besides, heavy duty ang tent na ito. No one can see what's inside," sabi niya habang hinahalikan pa rin ang leeg ko.

"Sage, walang iistorbo sa atin dito."

"That's the point."

"It means, possibleng may mangyari sa atin."

"Yeah, that's right."

"I don't want to spend our first night sa gubat na malapit sa sementeryo..."


Biglang tumigil si Sage sa sinabi ko. He quickly kissed my lips at mabilis niyang binihis sa akin ang shirt ko at inayos ang buhok ko.


"I am sorry, I am so inconsiderate," sabi niya sabay hawak sa pisngi ko.

"Sage, don't get me wrong. Sayo ko lang balak ibigay ang sarili ko, but I was hoping na..."

"Sshhh. I understand, babe. Come on, matulog muna tayong dalawa," sabi niya sabay higa sa loob ng tent at yakap sa akin.

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now