Chapter 59 - Astral

13.6K 461 26
                                    

(POV Reichel)

Sa isang iglap, nawala si Azalar sa harapan ko na parang bula. Kasunod nito, si Alastair din ay biglang naglaho sa di kalayuan. Samantalang si Abraxas at si Azaroth ay nag vanish din kasama ang walang malay ni Sage.

Tumakbo ko papunta kay Sage, pero wala na siya. Parang nag stop ang mundo ko at lahat ay naging slow motion. Hindi na nakayanan ng tuhod ko ang mga pangyayari and I found myself kneeling on the sands of the White Desert.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari at nakita ko na lang na inalalayan ni Uncle Syl at ni Phoebe si Rave, samantalang ako naman ay ipinasok ni Quinn sa sasakyan. Kailangan pa ko buhatin ni Quinn dahil hindi nag fufunction lahat ng senses ko. Para kong na stuck sa moment na yun, tulala at lutang. Unti unting tumulo ang luha ko at wala na akong makita kundi kadiliman.

"Reichel.. Reichel..."

Boses ni Uncle Syl ang nag pagising sa akin. Wala na kami sa White Desert at mukhang nasa loob na kami ng private plane ni Rave. Mukhang nag passed out ata ako sa mga nangyari. Andoon si Phoebe, si Rave at si Quinn pero wala si Sage.

"Uncle... Si... Sage?" naiiyak kong tanong.

"We still don't know kung nasaan siya, but we are trying to locate him," sabi ni uncle sabay hawak sa kamay ko.

"Sabi ni Azalar... Sage will be their... Demon king..." mahina kong sabi habang pinipigilan ang pag-iyak ko.

"Sage will not allow that to happen, Reichel."

"I am afraid he does not have direct control over this,"mahina kong sagot.

Pinaliwanag ko kay Uncle Syl kung paano ako sinakal ni Sage at walang siyang kontrol kung ano man force ang nag cocommand sa kanya.

"We will find him Reichel, I promise you," dagdag ni Rave.

From Cairo, we flew back to the Philippines. Minabuti ni Uncle Syl at ni Lena puntahan ako from time to time sa penthouse namin ni Sage dahil mga aso lang ang kasama ko.

For days, wala kaming balita kay Sage. Walang traces ng mga demon generals ni Lilith. Gusto ko man ubusin ang luha ko sa pagkawala ni Sage, nag focus ako sa paghahanap kay Sage at kung paano madefeat ang mga demons.

Kakaalis lang ni Uncle Syl at ni Lena sa penthouse namin nang biglang lumabas si Toothless sa white necklace ko habang nasa living room ako.

"Toothless? May problema ba?" tanong ko sa white dragon pero bigla itong nagmaterialize.

From a smoke-like creature, si Toothless ay parang isang totoong white dragon with sparkling white scales. Buti na lang at kasama ngayon ni Uncle Syl ang dalawang German Shepherd dogs, kundi baka matakot sila kay Toothless.

Kinalabit ako ni Toothless na parang aso at binigay ang kamay sa akin na parang gusto niya sabihin na hawakan ko siya. I touched its head na surprisingly, fluffy and soft.

Pero mas nagulat na lang ako nang biglang lumitaw din ang red phoenix ni Sage.

"Chicken? Bakit ka andito?"

Dahan dahan na lumapit sa akin si Chicken papunta sa braso ko. Within seconds, biglang nag glow si Chicken at si Toothless at naging spirit-form uli sila. Unti unti silang umikot sa akin, pero it was not only them ang naging spirit form. Kitang kita ko na humiwalay ako sa katawan ko na parang isang ghost.

Shit, out of the body experience ba to? Astral projection?

Nag swirl ang buong paligid at ang tangi kong nakikita ay ang sparkling white and red na liwanag na galing kay Chicken at Toothless. Pagmulat ko ng mata ko, nasa isang madilim ako na lugar na madaming candles.

I looked at my hand at para akong isang transparent being, a ghost. Wala ako sa vision dahil si Chicken at Toothless ang nagdala sa akin dito.

I noticed na nasa isa akong abandoned church. May lalaking nakahiga sa red sofa at base sa hitsura niya, siya si Abraxas. Nagmadali ako hanapin si Sage dahil nararamdaman ko na andito siya.

Sa isang sulok ng cathedral, andoon si Sage sa loob ng isang prison made of glowing dark steel bars. Sinubukan ko pumasok sa prison at madali akong nakapasok. Nakaupo siya sa floor at nakayuko. I touched his face pero since isa akong ghost, tumatagos lang ako sa kanya.

"Sage..." bulong ko sa tenga niya.

"Rei?" gulat na tanong ni Sage sa akin.

Napaatras pa siya ng bahagya dahil sa takot. I put my index finger on his lips para hindi siya gumawa ng ingay.

"Si Toothless at si Chicken lang ang nagdala sa akin dito."

"Fuck, I missed you babe."

Sage tried to cup my face and kiss me, pero as expected tumatagos lang siya sa akin. Hindi niya lang alam kung gaano ko kasaya na nakita siya. I can see in his face that he is excited as well.

"We are trying to find you. Are you alright? Kamusta ka? Sage, sobrang missed na missed na kita," sabi ko habang hawak ang pisngi niya.

"I am okay. I am so happy to see you babe."

"Sage, asan ka? Saan kita pupuntahan?"

"I don't know, but you can start in France. Find any abandoned cathedral, near the city, hindi masyadong rural."

"Asan sila? Bakit si Abraxas lang ang andito?"

"They are going to find their queen. I keep asking Chicken to help me because Lilith will awaken soon. She's on her way here."

"Limited lang ang oras ko, Sage pero hahanapin kita. Be strong for me. Don't give up on me..."

"I won't give up Rei... I love you..."

"I love you too Sage..." mahina kong sabi sa kanya sabay haplos sa mukha niya bago ko tuluyan na magdisappear.

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα