Chapter 15 - Amalanhig

19.4K 613 14
                                    

Yung siesta namin ni Sage, inabot na ng gabi dahil madilim na ako ng nagising. Nasa labas na ng tent si Sage, nakaupo sa tapat ng bonfire. I noticed na may ilang torch din na nakapalibot sa fields. Siguro, si Kuya Grego ang nag setup nito bago pa kami dumating. Dahil medyo mataas ang position namin, we will be able to see kung meron movement agad sa fields.


"Gising ka na pala, gusto mo ba kumain?" tanong niya sabay kuha ng kamay ko palapit sa kanya.

"May pagkain tayo?"

"Kailan ba kita ginutom? Meron dito pork and beans sa sachet at cereal bars, saka yung burger na binili ko kanina sa fast food."

"Anong oras na ba?" tanong ko sabay kuha ng cereal bar.

"Almost midnight."

"Ha? Ilang oras ako nakatulog? Grabe naman!"


Di na sumagot si Sage dahil bigla siya tumayo at kinuha ang white blade sa knife case.


"Let's go. I can already feel some movement."


Sumunod lang ako sa kanya habang kumakain ng cereal bar. Medyo madilim kaya wala ako maaninag masyado. Pero nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang lupa sabay sabay at unti unti lumabas ang mga corpse-like zombies.

Tama nga si Sage, babangon sila all out once. Nawala ang madilim na ulap at lumitaw ang bilog na buwan. Malinaw kong nakita ang mga Amalanhig na gumagapang at naglalakad.

Lalapitan sana ni Sage ang mga Amalanhig pero pinigilan ko yung braso niya. Gamit ang apoy na nasa mga torches, I tried to use it para maging isang fire blizzard at dumaan ito sa mga Amalanhig. Within seconds, they are consumed by fire.


"Fire is their weakness. Sabi sa legends, the fire will cleanse their souls," sabi ni Sage habang pinagmamasdan namin ang mga umaapoy na Amalanhig. 


Dahil nasa liblib na lokasyon ang sementeryo, bihira lang ang makakapuna ng apoy na ginawa ko.


"Sage, I feel sad for them. It seems na hindi nila gusto na bumangon pa sa hukay, but something must have triggered it, tulad ng mga Kapre at Balbal."

"I agree with you. Try to use your water element to extinguish the fire. Baka magkaforest fire pa sa ginawa mo, ipakulong tayo ng mga engkanto," natatawang sabi ni Sage.


Pagkatapos namin magligpit ng tent, andoon na si Kuya Grego na naghihintay sa amin. Hinatid niya kami sa port at may boat na naghihintay sa amin papuntang Boracay Island.


"Sage, wala ako pera masyado ah. Hindi ko afford ang gantong klaseng luxury," sabi ko kay Sage pagpasok namin sa isang tree house villa ng isang hotel. Alam ko na five star hotel ang tinuluyan namin at alam ko na expensive talaga dito.

"Tingin mo ba sa akin mahirap? I know you are tired as the area spell consumed your energy. We can stay here para makapag relaxed ka. Madami ko inorder na pagkain, magpaka busog ka."

"Ang ganda ng dagat pag gabi, ang ganda dito! Gusto ko pag kinasal ako, beach wedding."

"I will keep that in mind," sabi ni Sage sabay yakap sa akin. Pareho kaming nakatanaw sa madilim na dagat at ang malamig na hangin ay humahaplos sa mukha namin.

"Sage, kapag nakakita ka ng babae na magugustuhan mo, yung maganda, sexy at sophisticated, sabihin mo lang sa akin," bulong ko sa kanya.

"Anong sasabihin ko sayo?"

"Sabihin mo sa akin pag may gusto ka iba na maging girlfriend or pag nafall ka sa ibang babae. Basta sabihin mo sa akin kung ayaw mo na sa akin..."

"That will not happen. I can only see my future with you, not with anyone else."

"Minsan, romantic ka din pala."

"Dadalhin ba kita dito kung hindi ako romantic?" sabi niya sabay halik sa leeg ko, pero mabilis din niya ko binitawan.

"Saan ka pupunta?"

"Dumating na yung food natin. I am hungry. Baka gusto mo ikaw kainin ko?" natatawa niyang tanong at binuksan ang pinto bago pa maka katok ang room service.


Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now