Chapter 47 - Gerbera

17.8K 497 5
                                    

Dahil sa pag-aalala ni Sage, minabuti niya na magleave muna kami sa work. Wala naman naging problema dahil si Rave ang aming big boss.

Ang problema lang, mukhang dumami ang aberya sa mundo ng supernatural. Ang mga creatures of darkness na tahimik noon ay naghahasik ng lagim ngayon. Kahit yung mga mild elemental beings, nacocorrupt. Sabi ni Sage, malamang nalalapit na ang rebirth ni Lilith.

"Saan ka galing? Sabi mo bibili ka lang ng pagkain, bakit ang tagal mo?" tanong ko kay Sage pagpasok niya sa bahay namin.

"Namissed mo ba ko agad?" sabi niya sabay bigay sa akin ng isang bouquet ng light pink gerbera daisies.

"Bumili ka ng bulaklak? Anong meron at sweet ka?"

Gusto ko itago yung mukha ko sa bouquet kasi nag blublush pa rin ako hanggang ngayon kay Sage. Minsan akala ko panaginip lang na asawa ko na pala ang lalakeng nasa harap ko.

"I want to say sorry to you Rei..."

"Sorry? Bakit naman?"

"After our wedding, hindi man lang tayo nagkaroon ng proper honeymoon period."

"Sage, magkasama naman tayo sa isang bahay and naka indefinte leave naman tayo so consider this as our honeymoon. Basta kasama kita, masaya na ko."

"I just received another call from my Elisha. I need to leave tonight. Kung gusto mo maiwan dito, tawagan ko si Lena na samahan ka."

"Pwede ba naman yun? Sasama ko siyempre. Alam ko naman na ang lalaking pinakasalan ko ay isang supernatural hunter na dating mummy na at vampire pa. At responsibilidad ko din na alagaan ka dahil ako ang Punong Babaylan sa makabagong panahon."

"Baka nakakalimutan mo, prinsipe din ako dati?" sabi ni Sage sabay yakap sa bewang ko.

"Makakalimutan ko ba yun? Overconfident prince ka nga palagi eh."

"Overconfident talaga ko at papaluhurin kita sa harap ng overconfident prince," sabi ni Sage sabay buhat sa akin papunta sa kwarto.


Kahit madalas kami umalis ni Sage para harapin ang mga bad supernatural creatures, he always made sure na special ang bawat lakad namin. Minsan nga worried ako na ginagawa niya ito dahil alam niya na possible mangyari ang visions niya about kay Lilith.

"Wake up babe," sabi ni Sage sabay halik sa noo ko.

"Anong oras na?"

"Hapon na. Aalis tayo mamayang gabi."

"Di na natin nakain yung chicken na binili mo, init ko na lang sa microwave bago tayo umalis."

"Di ka pa ba busog sa kinain mo?"

"Ang bastos mo!" sabay kurot ko sa tagiliran niya.

Simula ng maging mag-asawa kami, mas lalong lumakas ang nyakers power ni Sage. At hindi naman ako nagrereklamo dahil mahal ko naman siya.

"Aray aray ko. Wag po. Di po ko lalaban. Suko po ako sa misis ko," sabi ni Sage sabay yakap sa akin habang nakahiga kami sa bed.

"Saan ba tayo pupunta? Kasama ba si Elisha at ang kanyang team?"

"Sila ang nagreport sa akin ng unusual activity. Medyo delikado pupuntahan natin and Elisha does not have any supernatural power. I don't want them to be involve in this case, pero he's really insisting kaya umagree ako basta back-up lang sila."

"Bakit delikado? Saan tayo pupunta?"

"Corregidor island."

"Delikado ba dun? Siguro nagpa reserve ka ng night tour tapos overnight? Umamin ka, date to noh?" excited ko na tanong kasi matagal ko na gusto pumunta sa Corregidor.

"I actually cancelled all of the tours today and tomorrow until I dealt with this problem."

"So hindi tayo magdadate? Ano bang problema? May monster ba sa Corregidor? Alam ko haunted yung island dahil sa dami ng casualties noong World War Two pero I don't think na may monster dun tulad ng Kapre or Bungisngis.

"Since malapit na rebirth a Lilith, the creatures of darkness have an edge. There are a lot of soldiers who died in that island. Those numerous lost spirits were combined into a big monster. Meron na itong inatake na dalawang tourists."

"Monster? Sage, you're kidding right?"

"According to Elisha, the monster has a cephalopod-like head and an octopus-like beard. Parang isang Cthulhu monster na ginawa ng writer na si HP Lovecraft."

"Cthulhu? Gaano kalaking monster ang tinutukoy mo?"

"Yesterday, it is about the size of a baby octopus. Nasa island tip lang nag stay ang monster as if nagpapalakas. Elisha sent the latest update a few hours ago at kasing laki na ito ng isang bungalow. Elisha thinks it will double or triple its size by midnight."

"What are we doing here? Hintayin pa ba natin na lumaki ang slimy monster?"

"Elisha and his team are evacuating everyone. They made up some bullshit reasons like oil spill and gas leak. No one is allowed to visit the area. Elisha will be here soon. Magbihis ka na."

"Sage, those spirits, in that island, bakit Cthulhu ang final form nila? That's a character in a story. Siguro nga may aswang and vampire pero Cthulhu? Para mo na rin na sinabi na totoo si Godzilla," sabi ko habang nagpopony ng buhok.

Kung Cthulhu monster nga ang sinasabi ni Elisha, mukhang mapapalaban talaga kami.

"Naging palaisipan din yan kay Elisha kaya I asked Amos to do some digging. Fictional character lang ang Cthulhu but he thinks that someone working in that island deliberately summoned all those lost spirits and create a Cthulhu."

"Baka demon?"

"I think so too. Kumain muna tayo dahil sabi ni Elisha, it was a disgusting creature at mawawalan ka ng gana kumain for the next few days kapag nakita mo ito."


Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora