Chapter 72 - Day Three

14.7K 451 27
                                    

(POV Reichel)

I found myself sa isang coffee shop na malapit sa executive subdivision kung saan located ang mansion ni Matthias.


"Day Three, the demon king tried to suck my soul and attempted to escape. He is now aware of the layers of spells I established to contain him. Unfortunately, he is also aware that he is my weakness and is using it against me. Akala ko, kaya ko mag stay with Sage. Akala ko, kaya ko ma tolerate ang demonyo niyang ugali, pero hindi ko kaya. I am a fucking failure. Well, he is still honest about his intentions to kill me. At least honest siya di ba?"


Sinubukan kong tignan ang feeds ng mga security cameras sa bahay at andoon si Sage sa living room. Buti naman at may damit na siya. Nagsusulat siya sa bond paper gamit ang pentel pen.

Tumayo siya ng ilang minuto sa harap ng hidden camera habang hawak ang bond paper nagsasabi na Sorry - Please Come Back!

Ang demon king, nagsosorry? Ano akala niya sa akin, gullible?

Alam ko naman na niloloko lang ako ni Sage, pero di mapigilan ng tanga kong utak na maniwala na nag sosorry nga si Sage sa akin.

Sinara ko ang laptop at nagsimulang kumain ng brunch dahil maagap pa. Sobrang dami ata ng kinain ko dahil sa gutom ko.

Pagkatapos ko kumain, chineck ko na naman kung anong ginagawa ni Sage. Nakaharap pa din siya sa security camera, pero iba na ang nakasulat sa bond paper - Please call me babe?

Akala ko ba low life being ako? Tapos ngayon babe? Pinagloloko ko nitong demonyong to eh!

Para akong voyeur na nanunuod ng live kay Sage. Kulang na lang ay maghubad siya, live porn feeds na.

Mukhang napagod si gago at hinatak ang sofa chair paharap sa hidden camera. Humiga siya sa sofa para matulog pero nasa harapan pa din niya ang bond paper. This time, may nakalagay naman na - Umuwi Ka Na Baby

I noticed na may mahaba siyang sugat sa braso niya. Pati ang maganda niyang mukha ay may gasgas, dahil siguro sa pagtalsik niya kanina. He is wearing a white shirt pero tumatagos ang faint blood sa shirt niya dahil na din sa ilang sugat sa katawan. Siguro dahil sa mga hiwa ng glasses kanina.

Dumaan ako sa drug store para bumili ng mga gamot para sa sugat niya. I can't heal him using the white medallion. He might suck up my power and kill me again in the process.

Pagdating ko, nakahiga pa din siya sa sofa pero bigla siyang bumangon nang makita niya ako.

"You're back..." mahinang sabi niya pero di ko alam, para siyang natuwa ng nakita ako.

"Take off your shirt. Sage."

"Whooah? Do you want to do it here?"

"Shut up! Tanggalin mo yung damit mo, ang dami mong sugat," sabay upo ko sa katapat na upuan Sumunod naman siya at sinimulan ko linisin ang ilang hiwa sa dibdib at stomach niya.

"I thought you are going to abandon me completely."

"Dumaan lang ako dito para linisin yung sugat mo. Wag ka mag-expect masyado. Mag-isa ka pa rin dito sa susunod na mga araw," sagot ko habang nilalagyan ng anti-septic ang sugat niya.

Siguro pag mahimbing na tulog niya saka ko na lang gagamitin ang white medallion para tuluyan mawala ang mga wounds and cuts niya.

"I promise, I will not try to kill you. Wag ka lang umalis."

"And you expect me to believe that?" sabay press ng cotton sa hiwa niya sa dibdib.

"Aray naman. Nananadya ka ba?"

"Mild pa nga yan. Galitin mo pa ko, masakit pa dyan matitikman mo."

"Tsk! Tignan mo nangyari sa maganda kong katawan, puro sugat."

"Eh tanga ka eh. Bakit kasi nag pupumilit na lumabas? Di ba I warned you that you can't get out? You are trapped here forever. Bibigyan sana kita ng pet na dog para may kasama ka man lang kaso demonyo ka nga pala. Baka saktan mo lang yung dogee kawawa naman."

"Kahit ikaw na lang, ok na sa akin," malambing na sabi ni Sage sabay haplos sa mukha ko, pero hinapas ko lang ang kamay niya.

"Wag mo ko landiin, demon king. Wala ng talab yan sa akin."

"If you missed your husband, I can play that part for you," sabi niya sabay hawak sa chin ko.

"Wala na akong asawa. I told you, he's gone. Sumama sa kabit niyang demonyita!" inis kong sabi habang nilalagyan ng gauze dressing ang mga sugat niya.

"You're jealous?"

"I am fucking jealous! Malay ko ba if they... they..."

"If they fuck each other to their hearts content?" natatawa niyang sagot pero nagsimula akong magligpit ng gamit at tumayo sa upuan.

"Sage, I don't care how many times you spent your nights with Lilith. I don't care anymore if she already marked you as her own. Sa tagal natin na magkahiwalay at sa tagal niyo magkasama, hindi na ko magtataka kung nabura na ko sa buhay mo," malungkot kong sabi sa kanya bago umalis ng living room.

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن