Eighteen Years Later

19K 480 13
                                    

(POV Silawin)


Eighteen years later...


Lumipas ang labing walong taon pero sariwa pa din sa alaala ko kay Reichel at kay Prinsipe Isagani. Siguro nga, tadhana sila para sa isa't isa. A love story written thousands of years ago. At kahit gaano kabigat ang dagok na dumating sa kanila, hindi sila sumuko hanggang sa kanilang huling hininga.


*Sound of shattering glass*


"Nag-aaway na naman ba yung kambal?" tanong ni Lena sa akin habang nag-aalmusal kami.


I married Lena a year after na magpakasal si Sage at Reichel. Masaya kaming mag-asawa at kahit hindi kami nabigyan ng anak, tinuring namin na sariling mga anak ang kambal.


"Alam mo naman na almusal na nilang magkapatid ang mag-away. Spoiled brats kasi dahil sa inyo ni Matthias," nakangiti na sagot ni Lena.


Si Matthias naman ay naninirahan sa Austria kasama ang kanyang asawa, ang wedding coordinator ni Sage at Reichel na si Inah.

Si Joaquin naman ay nanatiling binata. Wala na din sa amin ang kapangyarihan ng Lakan, we are no longer immortals. We significantly aged after eighteen years.

Si Raviael at si Phoebe naman ay naging tao at tahimik na namumuhay sa ibang bansa.


*Sound of explosion*


"College na sila ngayon. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, nasa royal ball kami ni Reichel. I missed their parents specially mom," malungkot na sabi ni Lena.


Naging matalik silang magkaibigan simula nang maging tao muli si Lena.


"Alam ko naman na masaya sila ngayon kung nasaan man sila."


Bago pa nakasagot si Lena, padabog na bumaba sa hagdan si Jared Mason, ang panganay ni Sage at Reichel. Kasunod niya si Julia Maddison, ang kanyang kakambal.

Si Julia Maddison or Maddie ang naging tagapagmana ni Reichel. Taglay niya ang kapangyarihan ng isang Punong Babaylan. Sa batang edad, she can already see visions and is capable of healing. Higit na mas malakas kaysa sa kapangyarihan na pinakita ni Reichel noon. Unlike her mom, Maddie is far from being simple. She is very sophisticated and poised na parang isang spoiled brat na prinsesa.

Si Jared Mason naman ang nakakuha ng kapangyarihan ni Sage bilang Lakan. He has the same eidetic memory from his father. A lot of girls are throwing themselves at his feet. He looks like his father, but Jared is very impatient and easily angered.


However, the twins were conceived during the time that Sage was still the demon king. Hindi namin inaasahan na makukuha din ni Jared ang demonic powers ni Sage. Kahit ayaw man niya na tanggapin ang kapalaran niya, there are legions of demons who consider him as their king.


"Ang aga aga, ano na naman ang pinag-aawayan niyo magkapatid?" tanong ko sa kambal.


Sanay na ko na palagi sila nagbabangayan na parang aso at pusa gamit ang kanilang supernatural powers. Kulang na lang gumuho ang aming bahay kapag nag-aaway sila. Minabuti ni Matthias na bilin ang ilang lupa na nakapalibot sa bahay namin para malayo kami sa kapit bahay.


"Uncle Syl, si Jared po kasi ayaw ako isabay sa kotse pagpasok," maktol na sabi ni Maddie.

"First day ngayon ng klase, dapat maganda ang impression ng mga chicks sa akin. Tapos sasabay ka?" inis na sagot Jared.


Nasa mukha ni Jared ang isang malalim na hiwa na malamang dahil sa pag-aaway nila. Hinahayaan lang namin sila as long as lahat ng nabasag at nagulo na gamit ay ibabalik nila sa dati.


"At sino may sabi sa inyo na pwede niyo dalhin ang kotse? Mag cocommute kayo simula ngayon," sabi ko sa kambal na lalong nagpabusangot ng mukha nila.

"Pero Uncle Syl, ang traffic traffic po. Aunt Lena, ayoko po mag biyahe. Can I just borrow your car?" nakikiusap na sabi ni Maddie. Lena loves her so much because she looks like Reichel.

"Sige na hon, ipahiram mo na yung sasakyan sa mga bata. Dalaga at binata na ang mga iyan."

"No, mag biyahe kayong dalawa. Your mom received her car nung graduation day pa niya. Kayo first year college pa lang ang dami niyo na demands. Kumain na kayo dahil mahaba haba pa ang byahe niyo."


Kahit palagi silang nag-aaway, we raised them as good kids. Spoiled sila kay Lena at Matthias, pero malaki pa rin ang respeto nila sa amin.


Kasama namin ang kambal sa bahay, pero madalas, bumibisita sila sa Lolo Rusty nila at sa Uncle Quinn nila. Even Matthias is so fond of them.


"Jared, your face is bleeding," nag-aalala na sabi ni Lena.

"Binato kasi ako ni Maddie ng mahabang glass shard, hindi po ako nakaiwas. May lahi atang Amazona yan. Napaka violent!"

"Pabebe ka naman. As if naman hahayaan ko na magkaroon ng peklat ang maganda mong mukha," sabi ni Maddie sabay lapit sa kakambal at mabilis na pinagaling ang sugat sa mukha.

"By the way, your Uncle Quinn will join us for dinner tonight," sabi ko habang kumakain kami.

"Talaga? Ayus!" nakangiting sabi ni Mason.

"And I already warned him na possible kayong mag pabili sa kanya ng bagong kotse dahil college na kayo. Gagawin niya lang daw yun kung hindi kayo mag-aaway at kung walang commotion sa university niyo sa loob ng isang buwan. One month Jared and Maddie. Just one peaceful and normal month ang hininihingi ng Uncle Quinn niyo."


Hindi naging madali sa dalawang kambal ang high school life. May mga times na hindi ma kontrol ni Jared ang kanyang aggression at nakikipag sapakan siya sa mga bully sa school. Si Maddie naman ay hindi maiwasan na gamitin ang kanyang kapangyarihan sa mga mean girls sa school nila.


Mabait naman silang mga bata pero pareho silang pilyo at kulang sa pasensya. At minsan, kailangan pa gamitin ni Jared ang power of compulsion niya para lang makalimutan ng ibang estudyante ang ginawa nilang kalokohan.

Dahil dito, naka tatlong beses na lipat na sila ng school. Kung ako tatanungin, mas prefer ko na home schooling na lang sila, pero Lena wants them to feel normal.


But there is no normal in the world of supernatural...

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon