Chapter 83 - Lighthouse

19.4K 455 24
                                    

(POV Reichel)

In a blink of an eye, we were transported sa isang mataas na lugar malapit sa dagat. We are on top of a cliff na overlooking sa malawak na karagatan.


"Asan tayo?" tanong ni Sage na ginagala ang paningin.

"Hindi ko alam. Nakita ko lang ang lugar na ito sa isang magazine sa castle mo. May lighthouse dun sa dulo, alam mo ba kung nasaan tayo?" tanong ko sabay upo sa grassy part ng cliff.


Nakatingin lang ako sa malawak na karagatan. It feels good na makasama ko finally si Sage, my husband, hindi ang demon king. . Tahimik kami pareho at ang malakas na hangin at alon lang ang naririnig namin.


"We are in Scotland Highlands," sagot niya sabay upo sa tabi ko.


Pareho lang kami nakatingin sa karagatan. Walang nagsasalita sa amin as if enough na yung magkasama kami.


"Sage, I casted a reverse locator spell para di tayo mahanap ng mga demon friends mo. Gusto kita masolo ng walang istorbo."

"Solo mo naman ako dun sa castle ah? Tayong dalawa lang dun."

"Pero kasi ang sungit mo at iniiwasan mo ko kahit bumalik na ang alaala mo. I am sure may bumabagabag sayo."

"Kilala mo na talaga ako..." mahinang sagot ni Sage.

"Yung haunted medieval castle mo, sa Scotland din yun di ba? Hindi pa bumabalik lahat ng kapangyarihan ko. I can only teleport sa malapit na lugar. Rave taught me about this."

"Yep, sa Scotland din. How did you know na bumalik na nga pala ang memory ko? Paano mo nalaman na nag melt na ang demonic heart ko?" tanong niya habang nakatingin sa akin pero ako, nakatanaw pa rin sa malawak na karagatan.

"Sage, asawa kita. Alam ko if you are hurting. Alam ko kung masaya ka. Siguro nga most of the time, isa kang puzzle na parang walang known solution, pero kahit papaano, nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman mo."

"You should not trust me, Rei. I may have hint of humanity in me but I still have my demonic powers. Natatakot ako na masaktan na naman kita. Fuck, I remember na binato kita ng flower vase, I am so sorry..." mahina niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.

"Naalala mo din siguro yung mga babaeng naka chukchakan mo nung demon king ka pa noh?" sabi ko sabay kuha ko ng kamay ko.

"Tingin mo papayag si Lilith na tumingin ako sa ibang babae? Wag ka na magselos, past is past. Saka tayo lang andito..." mahina niyang sabi sabay halik sa leeg ko.

"Hello? Nasa malawak na damuhan tayo. Isang tumbling lang natin, cliff na at bato ang babagsakan natin. Ano ba yang iniisip mo?" inis kong sagot na nagpatigil sa kanya.


Naiinis pa din ako dahil alam ko na may nangyari sa kanila ni Lilith. Di ko naman siya masisisi dahil under the influence siya ng kapangyarihan ng demon queen.


Di sumagot si Sage, nakatitig lang siya sa akin as if ang ganda ganda ko.


"Let's walk," sabi ni Sage sabay kuha sa mga kamay ko.


Matagal na din kami naglalakad sa paved path papunta sa lighthouse at pareho kami tahimik. Siguro after all na nangyari, hindi namin maiwasan na maging awkward sa isa't isa.

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now