Chapter 13 - Balbal

20.7K 641 36
                                    

Mukhang effective naman ang spell ko dahil hindi na nagkaroon ng nightmares si Quinn about kay Rave.


"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang way natin pauwi ah?" tanong ko kay Sage habang tahimik na nagdridrive.

"Friday night ngayon. Magdadate tayo."

"Sage, you have a different definition of the word date. Last time, Kapre ka date mo."

"Nakapunta ka na ba sa cemetery ng gabi?"

"Hindi pa at wala ako balak. Alam mo naman na duwag ako."

"May boyfriend kang ex vampire tapos duwag ka? You even encountered a warlock."

"Hay naku Sage, kung alam mo lang kung gaano ko natatakot tuwing meron akong supernatural encounter. Saan ba tayo pupunta? Mag dadate ba tayo sa Antipolo?" tanong ko dahil paakyat kami sa bundok.

"I received another report na may ilang fresh na libingan ang hinukay ulit."

"Reports? Yung totoo Sage? Saan ka kumukuha ng reports? Madami ka ba tauhan na kalat sa buong Pilipinas?"

"When Rusty woke me up back in 1990, pinag patuloy ko ang pagiging Alagad ni Bathala ko kahit isa akong vampire. I'm still locating those creatures of darkness na threat sa humans. I hired and compelled some people to report anything out of the ordinary."

"Some people huh? Ilang tao ang sinasabi mo?"

"You don't need to know the numbers pero since 1990 bihira lang ang mga ganitong reports unlike noong panahon ko five hundred years ago. Pero ngayon, biglang nag sulputan ang mga strange reports that need my actions."

"Anong report naman ang natanggap mo? Don't tell me sa cemetery nga tayo pupunta?" takot kong tanong habang pinagmamasdan ang paakyat na daan.

"Aware ka naman siguro sa ghouls. There is a Filipino counterpart called Balbal. Kumakain sila ng fresh corpse."

"Balbal? I'm sure nasty creatures ang mga yan. Tunog pa lang, bastos na hehehe."


Pero di ako sinagot ni Sage at tinaasan lang ako ng kilay. Tumigil kami sa isang private na cemetery na nasa bundok.


"Uhmm. Anong gagawin natin dito? Maghuhunt ng balbal? Feeling ko, mabuhok silang creatures," natatawa kong tanong.

"Naubos na ang mga balbal. Kung may natira man, bihira na lang and they consume the corpses in a very secretive way para walang maka trace sa kanila. But now, they are uncontrollable."

"Parang yung mga Kapre? Anong meron dito sa cemetery na to?"

"Few days ago, my sources spotted a balbal in this cemetery. May bagong libing ngayon na apat na tao na naaksidente and my sources think na aatake uli ang balbal."

"Sources ha? Mga Assistants ng Alagad ni Bathala?"

"Exactly. They are well compensated. Di ko sila pinwersa and they want this. I compelled them to keep this in secret."

"Para ka palang CSI na mala NCIS sa mundo ng supernatural."


Di ako sinagot ni Sage at pinatay ang ilaw ng kotse. Ilan minuto din kami naghintay. Then, I noticed na may babaeng may dalang pala na papunta sa bagong puntod na may tent pa.


"Babae ang balbal?"

"Let's wait and see."


Nag simulang maghukay ang babae ng puntod. She's really strong dahil madali niya natanggal ang sementadong block na nagtatakip sa mga coffin. Apat na coffin ang madali niya nailabas. Without warning, nag transform ang babae sa isang nakakatakot na creature. Nagkaroon siya ng buntot at mahabang dila.

She was about to devour one fresh corpse pero biglang lumabas ng kotse si Sage at mabilis na ginilitan siya sa leeg. Dahil wala naman ako lightning speed, tumakbo ko palabas para puntahan si Sage.


"You're right. It was indeed a balbal. She's dead now but I have four open coffins here. You know what to do." sabi ni Sage sa phone.

"Sino kausap mo?" tanong ko habang pinagmamasdan ang babaeng balbal na unti unting naaagnas.

"My so-called assistant."

"Yeah right. Uhmm pwedeng tara na?" naiilang kong tanong nang marealize ko na may apat na coffin na may laman na bangkay sa di kalayuan.


Tumango lang si Sage at hinila ko papunta sa kotse pero bago kami nakaalis, may tatlong lalaki at isang babae na bumaba sa isang white van. Naka black cap sila parang mga under cover agents.


Eto ba ang mga tinatawag ni Sage na assistants niya?

Mga sources niya?

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon