Chapter 78 - Castle

15.8K 433 2
                                    

(POV Reichel)

Pagmulat ng mata ko, I was lying on a four poster bed with white and gold curtains. Parang isang kama na pag-aari ng isang reyna. The crimson walls have several paintings at may mga bonggacious na chandeliers.

Nasaan ba ko? Nasa loob ba ako ng Disney Castle? Dito ba nakatira si Queen Elizabeth?

Pinitik ko ang ilong ko para makasigurado na hindi ako nasa vision. Masakit siya, it means nasa real life ako.

Napansin ko din na iba na ang damit ko. I am already wearing a thigh high lingerie dress na wala ng masyadong tinatakpan. Kung pwede lang baklasin ko ang mga kurtina para itakip ko sa almost hubad ko ng katawan, ginawa ko na.

Lumabas ako ng kwarto at sinundan ang mahabang red carpet na nakalatag sa corridor hanggang marating ko ang dambuhalang grand stair case. Mas malaki ito sa grand staircase ng headquarters sa Switzerland at mas old fashioned.

Asan ang mga tao? Asan ang mga servants ng mala castle na lugar na ito?

Tumakbo ko pababa ng grand staircase at ang buong first floor ay walang carpet. Ramdam ng mga paa ko ang malamig na marble floor. Lumabas ako sa may veranda at tumambad sa akin ang malakas na hangin at ang endless blue sea.

Apparently, nasa loob ako ng isang medieval castle perched on top of the cliff. Sinubukan ko mag teleport pero di ko magawa. Gustuhin ko man tumalon at tumakas sa lugar na ito, malamang basag ang bungo ko kapag tumama ako sa rocky cliffs.

Tumakbo ko sa loob ng castle hanggang marating ko ang humongous front door. Walang tao kaya sinubukan ko na buksan ito.

Uy bumukas! This is it, pwede na ko makatakas!

Ang front yard ng castle ay may circular paved road na may malaking fountain sa gitna. Tanaw ko din ang malawak na grassland landscape na parang isang golf course. Walang gate at ang tall grass hedge ang nagsisilbing wall.

Asan ba ang labasan dito? Napakalawak parang isang endless green fields.

Sinubukan ko tumakbo papunta sa malawak na lawn baka sakaling may sasakyan sa dulong bahagi pero di ko inaasahan na tatama ako sa isang invisible wall.

*Boink*

"Aray naman! Bakit may barrier dito?" inis kong sabi sabay bangon sa grass dahil tumilapon ako ng bahagya dahil sa impact.

I used a spell para madissolve ang barrier pero I have no powers and I can't even access any elementals.

Anak ng putakte? Asan lupalop ba ko? Nasa Narnia na ba ko?

"How does it feel? Using the same trick against you?" sabi ni Sage na hindi ko inaasahan na nasa likod ko na.

"Sage? Asan ako? Asan tayo!"

"My dark witches replicated the same prison cell that you created for me. The only difference, no one will find you as this place is concealed unless may GPS ka sa katawan. And I highly doubt that because I already checked every part of your body."

"Ikaw nagpalit ng damit ko?"

"Bakit mo pa ko tinatanong? We made love countless of times Reichel Amber."

Reichel Amber...

I am still dealing with the demon king. Kung bumalik na ang humanity ni Sage, he will call me Rei instead. And yet, he looks different. Wala ng demonic aura na bumabalot sa kanya.

"I don't have the white medallion with me. I am basically a normal and powerless human being right?" tanong ko sa kanya.

He is wearing an open robe and I can see the full view of his beautiful chest.

"Yeah, you can say that."

"At di rin naman ako makakatakas dito, di ba Sage?"

"You are right."

"Alright. I give up. Kung gusto mo ko patayin, go ahead. Hindi na din ako mag-aattempt na lumabas dito, sayang effort ko. I am just going to enjoy the remaining days or minutes of my life," sabi ko sabay higa sa grass lawn sa border ng barrier.

Ginamit ko ang arms ko na parang unan. In fairness, malamig at mahangin dito, kung nasaan lupalop man kami.

"Anong ginagawa mo dyan? Bakit ka nakahiga sa damuhan? Pumasok ka."

Sage, I am thinking of impossible ways para makalabas dito or mabalik ang powers ko.

"Nagpapahangin lang. Nakakatakot sa loob ng castle mo. Parang may mumu na lalabas anytime."

"Bahala ka. Nagdidilim, aabutan ka ng ulan," inis na sabi niya sabay talikod sa akin pabalik sa castle.

Is he showing some concern to me? Or assuming na naman ako?

"Oh Sage, sana madami ka pagkain na naka-imbak. Alam mo naman siguro na matakaw ako."

Pero dinedma lang ako ng cold hearted kong husband at bumalik sa kanyang old fashioned castle. I spent minutes checking the barrier para mapaghandaan ang aking pagtakas. Dahan dahan kong sinisipa ang barrier at parang tumatama ang paa ko sa isang invisible wall.

Biglang kumulog at bumuhos ang ulan pero nanatili ako na nakahiga sa damuhan. I tried to use the power of water from the rain and power of the earth from the ground pero as expected, my powers are nullified within the barrier.

Ilang minuto din ako na nakapikit at hinahayaan ko lang na pumatak ang ulan sa katawan ko. Naramdaman ko na lang na biglang huminto ang ulan. Pagmulat ko ng mata ko, nakatayo na si Sage sa harap ko na may dalang payong. Naka T-shirt na siya ngayon.

Buti naman, dahil nabobother ako pag nakikita ko ang gorgeous abs at chest niya.

"Wala ka ba balak tumayo dyan? Basang basa ka na ah! Gusto mo ba ko gawin na personal nurse pag nagkasakit ka?"

Concern ba si gago or ayaw niya lang ako alagaan?

"Iwanan mo na ko Sage, hayaan mo na ko magkasakit or mamamatay. Wala naman halaga ang buhay ko sayo..." madrama kong sagot sa kanya.

I am expecting for another rebuttal pero hinagis niya lang ang payong na hawak niya at binuhat ako na parang sa bagong kasal.

"Huy, bakit mo ko kailangan buhatin?"

"Isa pang beses na magiging pasaway ka, ipapaadjust ko ang barrier at di ka makakalabas ng castle," sabi niya habang naglalakad kami papasok sa loob ng malawak na castle.

Hmmmm... Concern nga si Sage. Is his heart slowly becoming human?

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now