Chapter 3 - Timothy

26.9K 832 75
                                    

As expected, naloka si Timothy pagpasok ko sa office kinabukasan.


"Puki ka, anong honey honey pinagsasabi mo!" sabi ni Timothy sa akin sabay sabunot sa buhok ko sa office.

"Aray naman. Yung hair ko magugulo."

"Hoy babae, buti kilala ka ni boyfriend Francis. Pinaliwanag ko na baka dumating yung ex-boyfriend mo kaya ka nagdradrama kagabi. Dumating nga ba?"

"After six months, bumalik uli. Wala man lang explanation kung bakit siya nawala. Kung may valid reason man siya, wala na din ako pakialam."

"Walang pakialam huh? Hoy Reichel Amber, di ka gaanong kagalingan na artista! Tignan mo nga yung mata mo, namamaga sa kakaiyak."

"Malamang busy siya at aalis na naman sooner or later, ako lang kawawa. Ayoko na umasa. Pagod na ko Tim."


Totoo naman. Pagod na ko sa love and hate relationship namin ni Sage. Alam ko nasaktan ko din siya kahapon. Siguro, akala niya I am such a slut. May make love at spank ass pa kami kasi na nalalaman ni Timothy.


"Reichel, ililibre na lang kita sa isang unlimited barbeque restaurant. Tutal matakaw ka at heartbroken ka," sabi ni Timothy habang lumalabas kami sa office.

"Wala ko gana kumain bes."

"Gaga! Magmumukmok ka na naman ba sa bahay niyo kasama ang mga aso? Magmove-on ka na dyan sa lalakeng yan. Sabi nga ni Elsa, Let It Go!"

"Ok lang ako, bes. Makakalimutan ko din si gago. Time heals all wounds," sabay smile na super bitter.


I doubt na makakalimutan ko si Sage... I doubt na may mamahalin pa ko ibang lalake...


"Basta andito lang ako para sayo bes! Tawagan mo ko pag need mo ng kausap. Kapag kailangan mo ng boylet, ihahanap din kita."

"Thanks bes," sabay beso ko sa kanya.


Di ko dinala ang kotse ko ngayon dahil gusto ko maglakad para makapag-isip isip. Susubukan ko magdelete ng mga alaala ni Sage sa utak ko, pero mukhang di ako magtatagumpay sa plano ko dahil boses ni Sage ang narinig ko.


"Rei..."


Nabigla na lang ako nang makita ko si Sage naghihintay sa harapan ng office namin. He looks breathtakingly handsome as ever.


Teka, di ba sabi ko may boyfriend na ko? Bakit andito pa to?


Kahit si Timothy, natulala kay Sage. Siguro, hindi niya akalain na may ganto kagwapong lalake na pupuntahan ako sa office. Kulang na lang tumulo laway ni Tim sa pagtitig kay Sage.

Patay na, lumabas ang landi ni Tim!


"Sage? Bakit ka andito?" tanong ko sabay siko kay Timothy na kulang na lang ay lumuhod at sambahin si Sage.

"Would you like to join me for dinner? Gusto kita makausap," tanong niya pero nakataas ang kilay niya kay Timothy.

"Uhmmm... Sage, this is Timothy, my boyfriend."

"Hi..." sabi ni Timothy sa isang malandi na boses with matching pabebe wave. Tinitigan ko lang si Tim ng masama.

"I mean, hello pare, musta?" biglang dagdag ni Timothy gamit ang isang matigas na boses lalake.


Nakipagshake hands siya kay Sage pero kulang na lang halikan niya ang kamay ni Sage sa excitement niya.

Haist, buking na kami!


"Pleasure to meet you Timothy. I am Sage Elizalde, Rei's friend. Would you mind if I will borrow your girlfriend for dinner? I just need to discuss some things with her. Of course, with your permission," tanong ni Sage sabay flash ng kanyang signature gorgeous smile. Kahit sino ay matutunaw sa ngiti na yun.


"No problem, Sage," matamis na sabi ni Timothy kay Sage na parang isang dalagang kinikilig.

Haist lumabas na ang pagkababae ni bakla!

"Uhmmm, wait lang Sage ah?"


Hinila ko si Tim papalayo kay Sage kasi kanina pa niya gusto tikman si Sage.


"Ano ka ba? Boyfriend nga kita di ba? Kulang na lang lamunin mo si Sage ng buhay sa mga malalagkit mong tingin," bulong ko sa kanya.

"Eh gaga ka talaga! Napaka yummy ng boyfriend mo tapos ikaw mag-iinarte?"

"Hoy bakla, kasasabi mo lang di ba kanina? Magmove-on na ko? Maglet go na ko?"

"Well, binabawi ko na. Kung ganyan ka hot ang jowabelles mo, betchiwariwariwaps ko yan at wag mo na pakawalan. Dahil kung hindi, ako titikim dyan."


To make the story short, naging walang saysay ang pagpapanggap ko kay Sage dahil sa kalandian ni Timothy...

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now