Chapter 70 - Pizza

15K 443 9
                                    

Pagpasok ko sa loob ng bahay ni Matthias, andoon na si Sage sa harap ng pintuan as if hinihintay ako pumasok. Kung kahapon at kanina ay confident ako, ngayon may doubts na ko sa sarili ko. Pero dinedma ko si Sage as if invisible siya at dumerecho ko sa kitchen.

Shit, walang dinner. Kaya siguro ko hinihintay ni mokong, nagugutom na!

Naghalukay ako sa fridge, pero walang acceptable na pwedeng gawing dinner. Puro snacks, drinks, bread at chocolates.

"I am hungry..." seryosong sabi ni Sage na sumunod sa akin sa kitchen.

Sabi na eh, gutom na naman siya!

"Nakalimutan ko magluto. Magpapadeliver na lang uli ko..." sagot ko sa kanya sabay alis sa kitchen.

"Are you avoiding me?" tanong niya sa akin sabay hila sa braso ko.

"I am not..."

"You are clearly avoiding me..."

"Ano ba pakialam mo kung iniiwasan kita? Hindi ba pwedeng gutom lang ako at wala ko sa mood na kausapin ka?" inis kong sabi sabay hila ng braso ko palayo sa kanya.

"You're funny..."

"Wala ako pakialam kung anong tingin mo sa akin. Anong gusto mong pagkain?" tanong ko sa kanya sabay punta sa living room para tumawag ng food delivery.

"Ikaw..."

"Stop it, Sage. Kung ano man nangyari sa atin kanina, hindi na mangyayari yun," naiinis kong sabi sa kanya, pero humalakhak lang siya at umupo sa sofa habang tinititigan ako.

Shit, Sage really looks handsome when laughing. Bakit ba kasi kailangan na mangyari si Lilith sa buhay namin? Hindi pa nga tapos ang honeymoon period namin eh naputol na dahil sa demonyong yun!

"I am fine with pizza for dinner. Ikaw anong gusto mo?" tanong ni Sage sa akin after niyang tumawa.

"Yung puso mo! Try natin pakuluan overnight hanggang lumambot."

"Why are you suddenly disrespectful with your demon king visitor? Kanina lang, you are all submissive."

"Kasi... Kasi... Mamimissed kasi kita eh..." sarcastic kong sagot.

Sage is being extra nice to me, pero alam ko na may binabalak siyang masama. He is looking for a different approach dahil alam niya na weakness ko siya.

"What are you talking about?"

"Demon king, I don't think we can live together sa loob ng iisang bubong. So I am planning to move out and leave you here. Don't worry, mag papadeliver ako palagi ng pagkain mo."

"What? Iiwan mo ko mag-isa dito sa prison cell na ito? Ano ko aso, may kulungan?" galit niyang sagot sa akin.

"Promise, pupunuin ko ng grocery ang cabinets and lalagyan ko madami food ang fridge. You can survive for a month or two."

Kitang kita ko ang galit sa mukha niya habang kausap ko ang pizza delivery sa phone. That is exactly what I am talking about. He is just pretending to be nice but deep inside, he is the same rotten demon, the demon king of Lilith.

After ko umorder ng aming pizza dinner, para kaming nasa isang staring contest ni Sage. He remained quiet pero kulang na lang mag-apoy ang mga mata niya sa galit. I am sure kung may traces pa siya ng demonic power ngayon, ginamit na niya iyon para saktan ako.

He clenched his fist in frustration and gritted his teeth in anger. Kulang na lang lamunin niya ko ng buhay at kulang na lang magpatayan kami gamit ang aming mga mata. Tinataasan ko lang siya ng kilay from time to time which enrage him more.

Natigil lang ang aming lame battle namin nang biglang may mag doorbell. Mabilis ako tumayo at lumabas ng bahay pero mabilis din na sumunod sa akin si Sage.

"Feeling mo naman makakalabas ka?" taas kilay kung sabi sa kanya.

"Bilisan mo, gutom na ko. Baka ikaw kainin ko."

Kinuha ko sa labas ang pizza order namin pero I noticed that Sage keeps touching the invisible barrier as if he is looking for a way out. Hindi ko talaga siya dapat pagkatiwalaan. He will do his best to get out of his prison.

"Hoy lalake, lumamon ka na," sabi ko sa kanya sabay lapag ng pizza sa living room.

"Two boxes lang?"

"Bakit may binigay ka ba na pambayad sa akin?"

"Ikaw ang nagkulong sa akin dito, dapat ikaw ang sagot sa pagkain ko. Kung iniisip mo na magbabago ko, umasa ka na lang Reichel Amber. Kaya kung ako sayo, pakawalan mo ko. It is useless to imprison me here," sabi ni Sage habang kumakain ng pizza.

"Pakawalan ka? Para makapaghasik ka ng lagim?"

"Pakawalan mo ko because I don't want to fucking stay here! I don't want to see your fucking face! I don't want to feel your fucking presence anywhere near me!"

"Wag ka mag-alala, bukas ibibili kita ng maraming pagkain bago ko umalis."

"So you are decided to leave me here, unattended?"

"Kakasabi mo lang di ba? You don't want me to be here?"

"I change my mind, gusto ko ng kasama..." mahina niyang sagot.

Tignan mo tong gagong to, kulang na lang lumabas ang throat sa kakasigaw sa akin kanina tapos ngayon naman gusto niya ng kasama.

"Sorry, but my decision is final. You can rot in here for all I care. Tapos na ko kumain. Pakitapon sa basurahan yung pizza boxes para may silbi ka naman!" sigaw ko sa kanya sabay alis sa living room.

Babatuhin sana ako ni Sage ng remote control habang nakatalikod ako pero nasalo ko agad ito bago tumama sa ulo ko.

"May mata ka ba sa batok Reichel Amber?" nakakaloko niyang tanong.

"I hate you, Sage!" sigaw ko sa kanya sabay akyat sa second floor.

It is demotivating to discover that the demon in him is still taking over in his personality.

Paano ko maibabalik ang dating Sage? Is he already fully consumed by hatred and is he no longer capable of love?

Naiiyak kong niyakap ang unan dahil taon ang uubusin ko bago ko makasama ang tunay na Sage...

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now