Chapter 29 - White Roses

19.4K 601 44
                                    

Napagkasunduan namin ni Sage na pagbalik ni Rave Clifford, saka kami magseset ng appointment sa kanya. It seems that he's on vacation somewhere sabi ng mga sources ni Sage.


"Pwede ba tayo dumaan muna sa bahay?" tanong ni Sage nang pauwi na kami.

"Sure, kukuha ka ba ng gamit? Tumawag nga pala si Uncle Syl, uuwi daw sila ni Lena within this week dito sa bansa."

"Good..."

"Sage ok ka lang ba? Kanina ka pa tahimik. Natatae ka ba? Medyo pinagpapawisan ka?"

"Ahhhh. Oo, medyo masakit stomach ko."

"May gamot ba kayo for diarrhea? Sa bahay meron, pag-uwi ka na lang uminom."


Pero di sumagot si Sage at tahimik na nagdridrive. Kawawa naman. May butil butil ng pawis sa noo, napupuchimaru na siguro.


"Kung nauutot ka, wag ka mahiya. Hindi naman ako sensitive."

"What?"

"Sabi ko ok lang maamoy ko utot mo. Pawis ka na, lalabas na siguro pupu mo. Kaya pa ba ng powers mo?"


Pero nginitian lang ako ni Sage at umiling na parang natatawa sa sinabi ko. Pag dating namin sa mansion nila Sage, niyaya niya ko sa may likuran kung saan andoon ang malawak na garden.


"Teka, akala ko ba natatae ka?"

"Is that so?" natatawa niyang sabi habang hila pa din ang mga kamay ko papunta sa likuran ng bahay.


Pagdating namin sa garden, nakaset up ang isang malaking white tent na may table for two sa loob. May mga white roses sa loob ng tent na parang isang reception sa kasal. Andoon din ang apat na lalaking nakasuits na may hawak ng strings instruments at ilang waiters na may food.


"Sage... Ano to?"


Pero imbes na sumagot, niyaya lang ako ni Sage at umupo kami sa nakasetup na table. Lumapit ang waiter at naglagay ng dinner at wine.


"Eat. Kanina ka pa naka nga nga diyan," sabi ni Sage dahil di ko sure kung anong nangyayari. Natulala ako sa mga nagaganap.

Tahimik kami nagdidinner at palagi ako tinititigan ni Sage as if chinecheck niya kung tatakbo ko paalis anytime. Buti may background music kami at hindi awkward ang silence.


"Sage..."

"Rei..."

"Sage, ano bang occasion? Birthday mo ba?"

"Have you thought about my proposal?"

"Proposal? I mean seryoso ka ba kagabi? Akala ko nagjojoke ka lang."


Biglang nilabas ni Sage ang isang diamond ring sa bulsa niya sabay hawak sa kamay ko. It looks like a bluish white diamond ring.


"Will you marry me Reichel Amber Manahan?" seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin. He really looks serious at walang traces na nagjojoke siya.

"Uhmm hmmm. Sage..."

"Ayaw mo ba? Kulang​ ba ang time na binigay ko?"

"Hindi sa ganun. Akala ko nagjojoke ka nga lang kagabi."

"Alright. Ayokong mapressure ka. I will give you more time," malungkot na sabi ni Sage. Itatago na sana ni Sage ang ring pero bigla ko siyang pinigilan.

"Yes, Sage. I will marry you."

"Are you sure? Baka napipilitan ka lang."

"I'm sure, Sage. I want to marry you."


Parang nakahinga ng maluwag si Sage at nilagay ang singsing sa kamay ko. Di ko alam kung bakit parang naiiyak ako na ewan. Parang naging romance bigla ang genre namin.


Di ba supernatural vampire shit ang story namin? Pero bakit may proposal? At bakit sobrang saya ko?


"Bakit ganyan mukha mo? Shit, are you crying?" mabilis na tumayo si Sage sa upuan at lumapit sa akin. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang luha ko.

"I'm okay. Nabigla lang ako. Di ko alam na yayayain mo ko magpakasal."

"I want to spend my life with you by my side. Come on, let's dance."


Niyakap ako ni Sage habang nagsasayaw kami with matching strings quartet as our background music.


"Kailan mo balak magpakasal?" tanong ko sa kanya.

"Next week..." bulong niya sa tenga ko sabay halik sa leeg ko. Di pa rin nawawala sa kanya ang mga naka-gawian niya nung vampire pa siya.

"Next week agad?"

"I'm serious Rei. Why do you think uuwi si Silawin at Lena dito? I already informed Quinn and Rusty kaninang umaga."

"Weh? Next week na?" bahagya kong tulak sa kanya.

"I want to ask you if you want a beach wedding, garden or church wedding."

"Don't tell me kahit anong piliin ko prepared ka na?"

"You're always underestimating me. You should know me better by now," mahinang sabi niya sabay yakap sa akin. Kung alam ko lang na magpropropose si Sage, eh di sana nag dress man lang ako.

"Pero Sage, next week mo na ba talaga gusto?"

"Kung papayag ka, next week na. Father Carlos is still here in Manila."

"Uhmm kahit ano, Sage. Garden wedding siguro para di masyado hassle."

"Good choice. Let's plan our beach wedding then."

"Ha? Kasasabi ko lang garden di ba?"

"Oo nga. Beach wedding nga," natatawa niyang sabi.

"Well ok lang naman siguro kasi lumaki ko sa beach. Anong naisipan mo Sage?"

"I told you, I want to marry you because​ I want to spend my life with you. Sabihin mo kay Timothy that you'll be both on leave this coming Friday. Our wedding will be on Saturday."

"Wow. Planado mo na to noh? Assuming ka ba mag yeyes ako?"

"Actually I'm afraid you'll say no. Kaya kabadong kabado ko kanina pa."

"Si Sage Elizalde, kinakabahan? Pero Sage, you should know me better by now din," nakangiti kong sabi sabay halik sa labi niya.

"I don't want to lose you. I need you Rei," sabi niya habang nakatitig sa akin. I can feel the sincerity in his words.

"Sage... Can I ask you one something?"

"Sure kahit ano..."

"Bakit mo ba ko papakasalan? Mahal... mo... ba ko?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. It took him a while bago siya nakasagot.

"Rei, papakasalan ba kita kung hindi? I can't say I love you kasi I feel that these three words are not enough kung ano man nararamdaman ko para sayo. But to answer your question, yes mahal kita. Kahit bahagya lang ang memorya ko about sayo, alam ko at nararamdaman ko na mahal kita. And everyday, I am falling more in love with you. That is why I want to be with you for the remaining days of my life."


Niyakap ko lang si Sage ng mahigpit. Di man niya sinabi sa akin noon na mahal niya ako, pero lahat ng gusto ko marinig ay sinabi na niya ngayon.


It was the happiest night of my life, pero feeling ko may tinatago si Sage...

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now