Chapter 10 - Kapre

23.1K 743 58
                                    

Sa amin na nga nagstay si Sage at palagi kami sabay pumasok at umuwi. Pero as much as possible, hindi kami nag-uusap kapag nasa office na.


"Aalis nga pala ko bukas ng umaga. Baka sa Sunday na ko makauwi," sabi ni Sage nang makadating kami sa bahay.

"Saan ka pupunta? May date ka ba?"

"Parang ganun na nga. Gusto mo sumama?" natatawa niyang tanong habang nag-aayos ng gamit sa bag. Mukhang may lakad nga si Sage.

"Sinong kadate mo?"

"Kapre."

"Anong Kapre? Niloloko mo ba ko?"

"May pupuntahan akong Kapre, well mga Kapre to be exact. Baka sabihin mo di ako nagpapaalam kaya sinasabi ko na."

"Maghuhunt ka ng Kapre? Bakit? Di ba tahimik naman sila? Basta wag gagambalain, di naman sila nanggugulo?"

"I received some reports na may ilang Kapre na nagpapakita during broad daylight," sabi ni Sage sabay tapik sa kama as if gusto niya ko umupo sa tabi niya.

"And gusto mo sila bisitahin to say hello?"

"I was hoping you will join me. Alam mo na, madami din beach dun sa pupuntahan ko."

"Beach na naman? Manyak mode ka na naman siguro sa mga chicks."

"Professional ako. Business first and besides, andyan ka naman para manyakin ko," sabi ni Sage sabay halik sa leeg ko.

"Wait lang. Saan ka nga pupunta? Anong kinalaman ng Kapre na nagpapakita sa umaga?" tanong ko sabay tulak ng bahagya kay Sage.

"May isang island sa Romblon na sentro ng mga Kapre. Mild elemental beings ang mga Kapre unless they became corrupted."

"Ang alam ko nga, mga tree dwellers sila pero hindi sila nananakit ng tao. Paano sila nacocorrupt?"

"They are nocturnal creatures. Pero kapag nagpakita sila sa umaga, it means there is something wrong. They will eventually devour the first human na makita nila. Nagiging wild sila and unstoppable na parang nasa isang killing rampage. It happened before sa same island na pinuntahan namin ni Rusty. My sources told me that this is happening again and there are several missing person cases, probably mga victims ng Kapre. Ok na? Can I kiss you now?"

"Wait lang nga. Bakit sila nagiging ganun?"

"We don't know. Nangyari yun once sa isang Kapre, but now mukhang ilang Kapre ang affected."

"Parang lumalabas ang dark side nila out of nowhere?"

"Ganun na nga. Pack your things. Aalis tayo maagap bukas. I just have to make some phone calls," sabi ni Sage sabay labas ng kwarto.

"Wait, I thought you're going to kiss me?"

"I changed my mind. I will only kiss you kapag na hunt ko na ang mga killer Kapre," natatawa na sabi ni Sage sabay labas ng kwarto.


Totoo nga ang sinabi ni Sage dahil hindi man lang siya nag attempt na landiin or halikan ako.

Matampuhin pala si Sage sa totoong buhay?

More than an hour lang ang flight papunta sa isang island somewhere sa Sibuyan Sea dahil gamit namin ang chopper ni Sir Rusty.


"Uhmm... Sage, pwede mag backout?" tanong ko kay Sage pagka baba sa namin ng tricycle sa isang liblib na lugar. Madaming puno at mukhang entrance sa gubat.

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora