Chapter 17 - Super Boss

19.1K 614 31
                                    

"Reichel, ikaw na lang umakyat kay Sir Sage, masama yung tiyan ko. Kanina pa ko nauutot. May short meeting pa naman tayo sa loob office niya. Nakakahiya naman kung doon pa ko abutan," sabi sa akin ni Timothy before our meeting with Sage.

"Sure Tim. Dadaan ako sa clinic after, ako na kukuha ng gamot mo."

"Thanks, beshie. You're the best!" sabay flying kiss ni Timothy sa akin papunta sa elevator. 


Mabilis ako nagsend ng message kay Sage para malaman niya na dadating si Rave ngayon.


Reichel: Alam mo ba na dadating si Rave Clifford today sa office?

Sage: Kababasa ko lang ng email from our country manager.

Reichel: What time daw?

Sage: After lunch. Are you worried?

Reichel: I am fucking worried. Paano kung alam niya na nasa atin ang yung mga medallions ni Sailor Moon?

Sage: Do you think he will kill us?

Reichel: I hope not, we are no longer immortals.

Sage: I think he is a demon.

Reichel: Me too. He is after those keys para siguro mapakawalan ang super super demon?

Sage: Si Lucifer?

Reichel: Di mo ba nabalitaan? May night club siya sa Los Angeles?

Sage: Lucifer Morningstar? Napanuod ko na yan.

Reichel: Pero Sage, be careful, he is dangerous. Paakyat na ako dyan. Masakit tiyan ni Timothy, di makakasama sa meeting.

Sage: See you babe...

Reichel: Babe mo mukha mo! Kala mo nakakalimutan ko yung landian niyo ni Ravioli girl? Tsk!

Sage: Bigyan na lang kita ng Ravioli ni Cynthia.

Reichel: May gayuma yun. Wag mo kainin.

Sage: I am not planning to. Ibibigay ko na lang dun sa isang senior ops na may crush kay Cynthia kasi selosa yung girlfriend ko.

Reichel: Selosa? Concern lang ako baka mamaya ma-Kiss of Death ka na naman.

Sage: Kailan ka makaka move-on kay Magawen?

Reichel: Kapag tumigil ka na sa kakaflirt mo kay Cynthia!!!


Kulang na lang madurog ang phone ko sa reply ko kay Sage kaya di ko namalayan na may nabangga akong lalake pagpasok sa elevator. Bumagsak ang phone ko elevator floor, buti na lang may protective case.

"Ay kike. Sorry po," nakatungo kong sabi sa lalaking nabangga ko.

"Are you okay?" tanong niya at prominent ang English accent, parang si Quinn.

"I am okay, thanks," sabay turn on ko sa phone.


Hay salamat buhay pa. Bwiset kasi si Sage, pinapainit ulo ko.


"You're new..." sabi ng lalaki na naka ngiti sa akin.


He reminds me of Quinn. Iyan din ang unang sabi sa akin ni Quinn noon sa royal ball. Tumango lang ako sa kanya.


Sino ba tong lalakeng to? Paano niya nalaman na bago lang ako?


"I am sorry. I am Rave and you are?" sabay bigay niya sa akin ng kamay for a handshake.


Eto ba si Rave Clifford?

Shit, eto na ba ang demonyong papatay sa amin? Pero tama si Timothy, good looking nga ang super boss namin.


"I am Reichel. Nice meeting you Sir Rave," sabay kuha ko ng kamay niya for a handshake.


Come on visions! Lumitaw ka!


Pero wala akong visions na na-absorb kay Rave. Pambihira, kung kailan kailangan ko ng visions saka naman hindi dumadating.

Tumunog ang elevator at mabilis ako lumabas. Ngumiti lang ako kay Super Boss Rave at nagbow na parang Japanese. Malamang sa highest floor siya pupunta, sa office ng country manager.


Haist! Stressful!


"Ok ka lang ba? Bakit ka namumutla?" nag-aalalang tanong ni Sage pagpasok ko sa office niya.

"Naka salubong ko si Rave. Actually, nabangga ko siya. He knew na bago lang ako at nakipagshake hands pa."

"And?"

"Walang visions. Sorry, wala ako maitutulong."

"Let's talk about that later. Sabihin mo kay Timothy, cancel all my meetings and appointments for the next two days. We will be having a two day long meeting with Rave. Mukhang balak na niya na dito magstay sa Pilipinas."

"Haist problema yan."

"Another thing, may ipapakuha ko sa inyo na business related files sa Accounting and Finance department for the last five years. I need to study it in case may itatanong si Rave. Dalin mo agad dito"

"Etong mga folders na nasa table mo?" tanong ko habang tinitignan ang almost one foot high na folders and binders.

"I am done with that. Ibalik mo na lang sa respective departments."

"Tingin ko, kailangan ko ng push cart sa dami nito."

"Sa facilities humiram ka. Hindi ka naman mapapansin dahil almost lahat busy at nasa panic mode dahil biglaan ang pagdating ni Rave."

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now