Chapter 79 - Dinner

14.5K 402 1
                                    

Pagpasok namin sa castle, binuhat ako ni Sage pataas ng grand staircase at pinasok sa isang majestic looking bathroom.

"Maligo ka at bilisan mo," sabi ni Sage sabay bukas ng shower.

Nagulat na lang ako nang tinanggal niya ang basa kong damit. Hinubad din niya ang shirt niya na nabasa ng ulan.

"Hindi na ko bata, kaya ko na maligo mag-isa," mahina kong sabi.

"Pero matagal ka maligo at nagugutom na ko. Gusto ko na kumain," bulong niya sa akin sabay kuha ng sponge at unti unti akong sinasabon na parang bata.

"Paano mo nalaman na matagal ako maligo? Naaalala mo na ba ang lahat Sage?"

Bigla siyang tumigil at tumingin sa akin. He looks human, wala na ang rude na Sage, pero nagulat na lang ako nang bigla niyang binigay ang sponge sa kamay ko at lumabas ng shower room.

"Sa kabilang bathroom na ko maliligo. Hihintayin kita sa dining room," seryosong sabi ni Sage.

Ano bang nangyayari? Parang si Sage na ang kausap ko pero bakit niya ko iniiwasan? Ang kilala kong Sage ay maharot at malandi pa sa higad kung magflirt sa akin.

Pagbaba ko sa dining room, isang mahabang dining table na may iba't ibang pagkain ang naka arrange. Wala naman ibang tao kundi kami lang.

May magic chef kaya si Sage?

"Kumain ka ng madami, walang lason yan," sabi ni Sage na nasa dulo ng lamesa.

"Sino nagluto? Napaka daming pagkain parang luto ni Sir Rusty," sabi ko at umupo ko sa kabilang dulo ng lamesa.

"Just eat, don't talk."

"Sage..."

"I said eat, hindi mo ba ko narinig? Gusto mo Tagalog, di ka ba makaintindi ng English?"

"Tsk! Sungit!"


Nagsimula ako kumain pero palagi ko tinitignan si Sage. He looks sad and alone. He reminds me of the emotional Sage na sobrang guilty sa pagiging vampire niya.

Kung may powers ako, malalaman ko kung wala na ang demonic heart ni Sage, pero sa ngayon, wala ako choice kundi mag observe.

Habang nasa kalagitnaan ng hapunan, I noticed na biglang natulala si Sage. Lumapit ako sa kanya, pero mukhang tulala talaga siya.

"Sage? Ok ka lang ba?" tanong ko sabay hawak sa kamay niya.

"What?"

"Sabi ko, ok ka lang ba?"

"Don't touch me, bumalik ka sa upuan mo!" sigaw niya sa akin.

Bumalik ako sa upuan ko, pero I know may nagbago kay Sage. I can feel his sadness and his pain. This is the same Sage na umiyak sa akin noon. Kung bakit siya nagagalit sa akin ngayon, I need to know...



Inspirations:

- Fyvie Castle in Aberdeenshire, Scotland

- Dunnottar Castle on north-east coast of Scotland 

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now