Chapter 24 - Security Camera

17.9K 593 20
                                    

Pagdating namin sa bahay, tumuloy agad si Sage sa secret room ni Uncle Syl para malaman kung may kahit anong documents or books about sa demon possession.


"Sage, tumawag na ko kay Uncle Syl. May isang book daw siya dyan na puro demon related articles, baka daw makatulong, pero wala din daw siya alam about sa exorcism," sabi ko kay Sage habang nagbabasa siya ng mga libro sa small sofa.

"Nasabi na din naman niya sa akin na ang demon na napatay niya noon ang first and last encounter niya."

"Sage, past midnight na, matulog ka na. Bukas mo na lang ipagpatuloy yan dahil may pasok pa tayo," mahinang sabi ko sa kanya sabay upo sa tabi niya.

"I am okay, matulog ka na, susunod na ko," sagot niya pero nakatutok pa din sa diary ni Uncle Syl.

"Bukas na lang please? Tatawagan ko yung kilala namin ni Uncle Syl na priest sa province kung may alam siya about sa exorcism," mahina kong sabi kay Sage sabay yakap sa kanya.

"Rei, I am fine. Tatapusin ko lang to."


Alam ko nag-aalala siya kay Sir Rusty at hindi siya titigil para matanggal ang demons kay Sir Rusty. It is already late at hindi na vampire si Sage, kailangan din niya ng tulog dahil may pasok pa kami bukas ng maaga.


"You are not fine... You are worried..." mahina kong sabi while distracting him by kissing his neck.


Ako ata ang sinapian ng demonyo hindi si Sir Rusty. Di pa ko na kontento, I tried to touch his chest while kissing his ears.


"What are you doing Rei?" tanong niya na patuloy pa din na nagbabasa.

"Sabi ko, matulog na tayo..."


I tried to run my fingers from his chest down to his stomach until it reach the lining of his shorts, pero mabilis na pinigilan ni Sage ang kamay ko at binaba ang libro na binabasa niya.


"Stop it, Rei."

"Bakit? Ayaw mo ba sa akin?" inis kong tanong sabay tulak sa kanya pahiga sa sofa. I positioned myself on top of him and kiss his neck again.

"This is not a good idea."

"Mas prefer mo ba si Miss Cynthia na mestiza? Ayaw mo ba makipagmake love sa akin?"

"Rei, are you crazy? May security camera si Silawin dito sa loob ng secret room."

"Meron?"


Bigla akong tumigil at upo ng maayos sa sofa. Shit, bakit di ko alam na may security camera si uncle dito?


"Next time, bago mo ko akitin, check for any security camera."

"Malay ko ba!"

"Matulog na nga tayo, hindi din naman ako makapag concentrate sa ginagawa mo," sabi ni Sage sabay labas sa secret room na hindi na masyadong secret.

"Galit ka ba Sage?" tanong ko sa kanya pagpasok namin sa kwarto.

"Oo, galit ako."

"Hindi ko naman alam na mag camera dun. Alam ko lahat ng locations ng camera sa bahay except sa dun. Sorna okay?" sabi ko sa kanya sabay higa sa kama.


Nagagalit si Sage kasi malamang, makikita si Uncle Syl ang ginawa ko pag inaccess niya ang mga security cam feeds.


Ang harot harot ko kasi!


"Ano na lang iisipin ni Silawin sayo?"

"Concern ka sa iisipin niya pero hindi ka concern if I feel rejected?"

"Do you feel rejected?"

"Of course! Feeling ko mas prefer mo yung mestizang hilaw na yun kaysa sa..."


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Sage quickly pulled me closer to him and kissed me para patahimikin ako.


"I prefer you millions times over her, Rei. Matulog na tayo," sabi ni Sage sabay hawak sa pisngi ko at halik sa ilong ko.

"Why?"

"Anong why?"

"Why do you prefer me over her?"

"Matulog na tayo. You are right, may pasok bukas. Good night..." sabi ni Sage sabay yakap sa akin.


Bakit Sage? Bakit di mo sabihin na mahal mo ko?

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon