Chapter 16 - Ravioli

19.4K 605 11
                                    

Pagbalik ko namin sa office, obvious ang pamumula ng balat namin dalawa ni Sage. Sana lang walang masyadong maka notice aside kay Timothy.

"Asan nga pala si Sir Rusty ngayon?" tanong ko kay Sage habang nasa basement parking ng office at naghihintay ng elevator.

"Kagagaling lang niya sa Nepal. He checked with the locals kung familiar sila sa ice covered mountains na may cave, tulad sa vision ko."

"Wow, that is so vague. Napaka hirap hanapin ng lugar na yun kahit may picture."

"Quinn and I drew the location of our vision and Matthias helped us photoshopped it para maging realistic. Papunta naman si Rusty ngayon sa isang science station sa Antarctica, naka leave lang siya sa university to help me."

"Mahal na mahal ka talaga ng tatay mo noh?"

"Just like what Quinn said, though hindi na kami vampires, there are things na hindi nagbago like Rusty's loyalty to serve me or yung compulsion ng mga royal vampires sa The Medium."


"Sage!"


Bago pa ko makasagot, isang malakas na boses ang tumatawag kay Sage. Hindi ko na kailangan lumingon dahil alam ko na si Miss Cynthia yun.

Boses pabebe! Sarap gilitan ng leeg!


"Good morning, Cynthia."

"Good morning, Sage. You're early. Bago ka palang dito, but you are so dedicated to our company," maarteng sabi ni Miss Cynthia.

"I am always early."

"Oh by the way, Sage. Do you like Ravioli? Nagluto kasi ako, pwede natin kainin during our lunchbreak."

"You're so sweet Cynthia. I like girls who can really cook."


I just rolled my eyes in disgust. Nakikipag flirt ba siya kay Miss Cynthia habang andito ko?

The nerve nitong prinsipe na to! Marunong din naman ako magluto eh!


Bago pa ko tuluyan mabwiset, bumukas na ang elevator. Silang dalawa lang ni Miss Cynthia ang nag-uusap sa loob elevator. Pagdating ko sa floor namin, bumaba ako ng elevator ng walang paalam kay Sage dahil sa upper floor pa ang opisina ng mga boss.


"Good morning bes! Mukhang love triangle ang nasa elevator kanina ah?" tanong ni Timothy nang mapansin niya na badtrip ako na lumabas sa elevator.

"Bwiset nga eh, sumabay pa sa amin. Pinagluto daw niya ng Ravioli si Sage, malay ko ba kung may gayuma yun."

"Ang aga aga, parang bakulaw ang mukha mo. Teka, alam mo na ba ang tsismis?"

"Showbiz or work related?"

"Dadating daw ang super boss later today, pero malamang hindi naman natin siya mamemeet kasi yung higher ups lang ang bibisitahin niya."

"Sinong super boss?"

"The CEO himself, Rave Clifford."

"Ha? Di ba based siya sa California? Bakit siya pumapapel dito?"

"Ano ka ba? Filipino American si Sir Rave. Madalas siya pumunta sa Pilipinas and he is planning to stay here for good."

"Kailan ba siya una bumisita dito?

"About a year ago siguro. Then, nagpapabalik balik na siya dito at sa California. Siguro nagustuhan niya ang Pinas."


About a year ago? Is it the same time na ginamit ko yung mga medallions to lift the Curse of Darkness?

Hinahanap kaya ni Rave ang medallions?

Isa kaya siyang demon who is after the original guardians of the medallions?

Is he here to kill us?


Sabi ng isang book ni Sir Rusty sa library niya, few people know about demons. Uncle Syl almost died killing a demon, pero isa lang daw na low ranking demon ito.


"Reichel ok ka lang? Natulala ka na."

"Ano sabi mo? Sorry Tim, lutang na naman ako."

"Ang sabi ko, sobrang pogi ni Super Boss Rave, pero since ang pogi naman ng jowa mo, hindi mo siya tatapunan ng tingin."


Kahit pogi si Rave Clifford, kung sino man siya, kailangan pa din kami mag-ingat. Demon wounds can kill us.

Siguro kaya ko pagalingin si Sage gamit ang mga healing techniques ni Lola Helda but it will take months, even a year...


Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now