Chapter 11 - Lunch

21.6K 735 44
                                    

Lunch time ang pinaka nakakainis na part of my day. 

Bakit?

Kasabay kasi ni Sage mag lunch yung isang senior manager na petite. Yung makahalakhak napaka-arte pag kasama niya si Sage.


"Buhay pa ba?" tanong ni Timothy sa akin habang nasa canteen kami at naglulunch.

"What? Anong sinasabi mo?" iritable kong tanong.

"Ang sabi ko, buhay pa ba yung senior manager na si Miss Cynthia na kasama ni Sage? Mukhang pinapatay mo na siya sa isip mo eh."

"May pahampas hampas pa kasi sa braso ni Sage. Eto naman lalakeng to, nagpapatawa pa, ano siya joker?"

"Bes, puso mo. Selos tawag diyan."

"Hindi ako nagseselos. Ayoko lang ng nakakairitang tawa ang umaalingawngaw sa canteen. Parang gusto ko manakal ng tao."

"Masama ka pa lang nagseselos. Nagiging violent ka."

"Tignan mo naman kasi bes, kung makatitig kay Sage, kala mo gusto lamunin."

"Bawal titigan ang jowa? Ay possessive!"

"Bawal, akin lang dapat."

"Type na type mo noh?"

"Di ko yan type. Type ko yung friend niya na si Matthias. At least yun, hindi lalandi ng ibang babae."


Pagkasabi ko, biglang tumingin si Sage sa akin at inirapan ako ng very sharp. May super sonic hearing nga pala si gago.

Pag uwi namin ni Sage, wala kami kibuan sa kotse. Siguro galit siya dahil sinabi ko na type ko si Matthias.


Eh di ba palagi naman din niya sinasabi na di niya ko type? It's a tie.


"Para sayo..." sabi ni Sage sabay hagis ng tatlong paper bag sa kama ko nang makarating kami sa bahay. Binuksan ko ang paper bag at may laman na mga expensive lingerie.

"Ano to?"

"Malamang pantulog, bulag ka ba?"

"Pantulog? Eh kita na kaluluwa ko dito, napaka ikli."

"Kaya nga lingerie eh. Suot mo hindi yung puro ka pajama."

"I don't get it. Nagsusuot lang naman ng lingerie ang ibang mga babae para eventually tanggalin din. Eh bakit ko pa susuotin?" inis kong tanong habang tinitignan ang mga binili ni Sage. Ang gaganda parang mga mini spaghetti dress.

"Napaka unsophisticated mo. Suotin mo na lang pwede?"

"At sino ang sophisticated? Si Miss Cynthia na petite at mestiza na kasabay mo kanina maglunch?"

"I bet she's way lighter compare tayo."

"Eh di siya buhatin mo. At bakit ka ba andito? Gora na! Dun ka na matulog kina Miss Cynthia! Obvious naman ang pagka humaling niya sayo."

"Nagseselos ka nga. Namumula ka na sa inis."

"Hindi ako nagseselos kasi tanggap ko naman na unsophisticated ako."

"Bitter mo no? Ipagluluto ba kita o kakain tayo sa labas?"

"Hoy Sage, last time na nagluto ka, Jollibee​ chicken joy ang inulam natin. Padeliver ka na lang ng quarter pounder burgers. Gusto ko lumamon in a very unsophisticated way!" sigaw ko sabay kuha ng paper bag at punta sa bathroom para magbihis. 

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now