Chapter 46 - Toothless

15.6K 537 26
                                    

"Protect the one you love most..."

Boses ng isang babae ang nag pagising sa akin sa kalagitnaan ng gabi. Mahimbing pa rin na natutulog si Sage sa tabi ko. Bumangon ako sa kama at pumunta sa bakanteng kwarto kung saan andoon isang maliit na biometric lock box. Nasa loob nito ang white medallion ni Magawen.

Hindi ko alam kung sino ang tumatawag sa akin pero alam ko, ang white medallion ang makakasagot nito. Isinuot ko ang necklace at hinawakan ang medallion pendant. Nagulat na lang ako nang biglang lumitaw ang isang babae na kahawig ko sa harap ko. She looks like a hologram, parang isang apparition.

"Reichel..." 

Tawag niya sa akin sabay hawak sa aking pisngi, pero parang isang vision, tumagos ang kamay niya sa akin.

"Ikaw ba ang tagapag-alaga ng medallion?"

"Ako si Diwa at andito kami para tulungan ka."

"Ghost ka ba?"

"Parang ganun na nga," ngumiti siya sa akin at biglang lumitaw ang isang malaking white dragon made of silvery smoke. Sa sobrang gulat ko, napaatras ako at napaupo sa floor.

"Ano yan? Parang white version ni Toothless dragon."

"'Siya ang spirit guardian ng white medallion. Wala siyang pangalan pero naging kasama ko na siya simula ng mapasaakin ang medalyon."

"Ahh pet mo? Nangangagat ba yan?" tanong ko kay Diwa dahil ang silvery white dragon ay natutulog sa carpet na parang aso.

"Limitado lang ang oras ko sa mundo mo. Kung kailangan mo ng tulong, tutulungan ka niya," sabay bigay ng palad sa akin as if hinihingi niya ang white medallion.

Tinanggal ko naman ito at nilagay sa palad niya. As expected, tumagos ang medallion sa palad niya ngunit bigla itong naging isang white necklace na may white diamond teardrop pendant.

Ngumiti lang si Diwa sa akin at biglang naglaho pagkatapos ko isuot ang diamond necklace. Ang white silver dragon naman nakahiga pa rin at nakatingin sa akin. Kahit parang isang smoke lang ito, nakakatakot pa din.

"May ngipin ka ba?" tanong ko kanya at bigla niyang nilabas ang kanyang sharp teeth.

"Ako si Reichel, ikaw na ngayon si Toothless kahit may ngipin ka. Ok lang ba?" biglang tumango ang white dragon at biglang nagroll-over na parang aso.

Akala ko ba dragon to? Bakit may lahing aso ata?

Tumayo ang silver white dragon at lumapit sa akin. I froze the moment na nagmaterialize siya. From being a silver white smoke apparition, naging solid dragon siya with white silvery scales. Sinubukan kong hawakan ang kanyang ulo na parang isang pet.

"Ikaw na si Toothless ngayon kahit madami ka teeth."

Pumikit lang ang white dragon as if natutuwa na hawak ko siya, pero bigla uli ito naglaho at hinigop ng necklace pendant ko.


"Babe..."

Biglang pumasok si Sage sa kwarto at naka kunot ang noo. Nagtataka siguro siya kung anong ginagawa ko sa bakanteng kwarto sa oras ng gabi.

"Sage..."

"Anong ginagawa mo dito? Nag sleep walk ka ba?"

Pinaliwanag ko kay Sage na narinig ko ang boses ni Diwa at pinakilala niya ko sa white dragon na si Toothless. Pinakita ko din sa kanya ang tearshape pendant necklace ko.

"Toothless ng How To Train Your Dragon?" natatawang tanong ni Sage sabay kuha ng kamay ko. Hinila niya ko pabalik sa kwarto.

"Kamukha kasi niya si Toothless pero white version."

"Paano yan, apat na ang pet mo?" tanong ni Sage sabay yakap sa akin nang nakahiga na kami sa kama.

"Teka, bakit apat?"

"Sige nga, bilangin mo."

"Yung dalawa ko dogies saka si Toothless?"

"Tignan mo ikaw, kinalimutan mo yung pet ko. Magagalit sayo yan."

"Di ba yun naman ang gusto mo? Yung nagagalit ang pet mo?" nakakaloko kong sabi sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Alam ko complicated ang mundo namin ni Sage, pero masayang masaya ko na kasama ko siya.


Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now