Chapter 55 - The Pets

15.1K 459 27
                                    

Sabi ni Phoebe, nasa isang medieval catacombs daw si Rave para hanapin ang tatlong generals ni Lilith. Pagdating namin doon, duguan si Raviael na nakahiga sa floor. Sa kalayuan naman ay andun ang tatlong silver haired na lalaki na naglalakad palayo at biglang naglaho.

Mabilis na binuhat ni Uncle Syl at ni Sage si Rave palabas ng catacombs. Si Quinn naman ay tumakbo kung saan nagtungo sila Alastair pero they vanished na parang bula.

"He needs medical attention. Kailangan natin siya dalin sa hospital," sabi ko pagkasakay namin sa sasakyan ni Rave.

"Reichel, he lost a lot of blood. I don't think he can make it. Try to use your white medallion," sabi ni Uncle Syl.

Hinubad ko ang necklace at pinatong sa duguan na katawan ni Rave. Within seconds, a white light appeared almost blinding us.

"Diwa..." bulong ni Rave sabay hawak sa kamay ko.

Nakapikit pa din siya at akala niya siguro ako si Diwa. Mabilis na gumaling at sugat ni Rave pero mukhang wala siyang lakas.

"He needs to rest. I healed his wounds but he is still weak dahil siguro ang Angelus ang ginamit sa kanya," paliwanag ko sa kanila.

Minabuti namin na dalin sa rented villa si Rave kaysa sa hospital. Si Phoebe naman ay nag-invite ng isang specialized doctor para macheck din si Rave.

"So they have their mojos back?" tanong ni Quinn habang nasa living room kami ni Sage at nila Uncle Syl.

"I think Rave is trying to convince them to change, not to fight with them, kaya pumunta siya doon na nag-iisa," sabi ko sa kanya.

"Asan naman kaya si Abraxas?" tanong ni Uncle Syl.

"Phoebe may have an idea about his whereabouts. Di na ko magtataka kung nasa loob siya mismo ng Great Wall of China or nasa ilalim ng Great Barrier Reef. Mukhang pa VIP si Abraxas eh. Teka guys, nameet niyo na ba ang mga guardian spirits?"

"Anong spirits?" tanong ni Uncle Syl sa akin.

Kahit si Quinn ay naguguluhan. Niyaya ko silang tatlo sa likod ng villa kung saan may malawak na garden. Nilabas ko ang kwintas ko at tinawag si Toothless.

Within seconds nag materialize si Toothless na parang spirit. Gulat ang nasa mukha nilang lahat. Sabagay, isang malaking spirit like dragon si Toothless. Sinong tao ang nasa normal na pag-iisip ang hindi magugulat.

"Guys, siya si Toothless, ang spirit guardian ng white medallion. Nagpakita sa akin si Diwa noon at pinakilala sa akin si Toothless. Wag niyo na ko tanungin bakit ganyan name niya. Toothless, pwede mo ba tawagin ang mga friends mo?"

Tumago lang si Toothless at humiga sa bermuda grass na parang aso na nagroroll-over.

"May saltik yung pet mo. Confused ata kung aso o dragon," natatawang sabi ni Quinn sabay labas ng yellow medallion.

Unlike sa akin, ang medallion nila ay bilog pa rin at mukhang ancient. Binaba ni Quinn ang medallion sa ground. Ginaya naman siya ni Sage at binaba ang red medallion. Pati si Uncle Syl na may hawak na blue medallion ay binaba nila ito sa bermuda grass. Napansin ko na umatras silang tatlo ng bahagya. Natatakot siguro kung anong creature ang lalabas sa medallions.

Biglang umilaw ang yellow medallion at lumabas ang malaking yellow winged lion. Pero parang si Toothless, umupo ito sa bermuda grass na parang aso as if naghihintay ng dog bone.

"Anong gusto mong pangalan dyan Quinn? Hindi naman lion yan eh, parang dog din."

"Sa kanya? Uhmm di ko alam. Lion king na lang?"

"Gusto mo ba na ikaw na si Lion king?" tanong ko sa lion apparition.

Tumango lang ang winged lion at lumapit kay Quinn. Sabay naman lumitaw ang bluish sea serpent at red phoenix galing sa medallion ni Sage at Uncle Syl. Mabilis na lumapit ang red phoenix kay Sage at pumatong sa arms niya na parang may pet siyang eagle.

"Anong name ng pet mo Sage?" tanong ko sa kanya.

Tinaasan ako ng kilay ni Sage habang nakangiti, yung ngiti na nakakaloko. Obviously, ibang pet ang nasa isip niya.

"I will name it, Chicken."

"Chicken? Phoenix tapos dinowngrade mo sa chicken?"

"Kay Quinn di ka nagreklamo na Lion King tawag niya ah?"

"Pssssh bahala ka. Pet mo naman yan."

"Don't worry, next time ikaw magpapangalan sa isa ko pang pet," natatawa na sabi Sage.

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya dahil andun si Uncle syl. Gusto ko siya kurutin sa tagiliran sa mga oras na to. Sabagay, asawa ko na naman si Sage.

"Ikaw naman uncle, anong name mo sa pet mo?"

"I will name this sea serpent... Es Es," natatawang sabi ni Uncle Syl.

"Isa ka pa uncle, para kayong bata. Lion king, Chicken tapos ikaw Es Es short for sea serpent. Walang originality. Tsk!"

"Para daw tayong bata. Wow, coming from you Reichel," natatawang sabi ni Uncle Syl.

Kinuha nilang tatlo ang medallion at naging tear shape pendant ang mga ito. Naglaho na din ang mga spirit guardian at pumasok sa necklace.

"Sa tingin ko, these spirit guardians are the essence of the four guardians who were killed during the rebellion," sabi ni Uncle Syl sabay suot ng kwintas sa leeg niya.

"At least they look cute," dagdag ni Quinn.

Di lang niya alam na scary looking​ creature ang mga spirit guardian kapag hindi na sila in spirit-form.


Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now