Chapter 6 - Original Guardians

24.9K 712 46
                                    

Umikot na naman ang paningin ko at natransport kami sa isang tropical na lugar. May nagtataasang limestone walls na nasa tabi ng beach. Ang tubig sa dagat ay crystal blue green and it reminds me El Nido, Palawan.


"There are four original guardians of these medallions. Di ko alam kung saan nila nakuha ang mga ito. Di ko din alam kung ang sorceress ang nagpakita sa akin nito or ang mismong mga spirit-like guardians. Una, ang ancestor ni Magawen dito sa Pilipinas. She is actually your ancestor too," sabi ni Sage habang naglalakad kami sa white sand.


Isang babae na may snow white hair ang lumitaw na suot ang white medallion. She's pretty and she looks really young but her eyes are different, parang color gray. She somehow looks like me.


"Bulag ba siya?" tanong ko kay Sage habang papalapit kami sa babae.

"I think so. She is using the white medallion to enhance her senses. Para siyang nagkaroon ng super sensitivity sa surroundings niya to the point that she no longer need her sense of sight. Look at her necklace carefully."


Biglang lumabas ang spirit-like white creature sa white medallion. Tama si Sage, it looks like a transparent winged white dragon. The woman interacts with the white dragon as if isa itong pet.


"Now, I will show you the ancestor of Helda Heilig in Europe," sabi ni Sage.


Biglang na transport kami sa lugar kung saan madaming nagtataasan na puno. Parang isang dark forest at napapalibutan ng thick fog.


"Sage, nasaan naman tayo?"

"Nasa Silent hill."

"Tsk, saan nga?"

"I don't know pero I think we are in the Black Forest sa Germany."

"Sage, di ba cake flavor yun sa Red Ribbon?"

"Pagkain na naman nasa isip mo?"


Naglalakad kami ni Sage sa gitna ng misty forest pero bigla kami tumigil nang makita namin ang isang babae na may light blue hair. Nakaupo siya malapit sa isang small crystal clear lake. Hinawakan ng babae ang tubig at biglang lumitaw ang isang water-like sea serpent. 

As expected, suot din niya ang blue medallion.


"I don't know who she is, but you can ask your Lola Helda. Tingin ko, the women in our vision are the original guardians of the medallions. Are you ready to see the next vision?"


Tumango lang ako kay Sage. Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko. Nakapikit pa din ako at dahan dahan na umikot ang surroundings ko.


"Quinn already told me about his experiences in Mexico. Somehow, he can feel the power of the medallion, but let me show you how Quinn obtained it."


Natransport na naman kami sa isang tropical forest. May mga mala pyramid structures na nakatayo sa gitna ng rain forest.


"Those are the Aztec temples. An Aztec warrior princess who is also a witch was the first guardian of the yellow sapphire medallion."

"Sage, tingin mo, nasa anong panahon tayo?"

"I am not sure but I am guessing 12th or 14th century kung pagbabasehan ang timeline ng yellow sapphire medallion."


Isang morena na babae na may hairdress na puno ng decorations ang naglalakad papasok sa temple sa kalagitnaan ng gabi gamit lang ang torch na nagsisilbing liwanag. Kahit madilim, I can notice that her hair is yellowish blonde. Suot niya din ang yellow medallion. Sinundan namin ang babae papasok sa Aztec temple na may series of underground labyrinths.


"Feeling ko maliligaw ako dito," sabi ko kay Sage habang sinusundan namin ang babae.

"Wag ka maingay, baka marinig ka niya."

"Totoo? Possible yun?"

"Gullible ka, malamang hinde," natatawang sabi ni Sage kaya inirapan ko lang siya sa loob ng vision.

"Rei, look at her arms and legs. She's wounded and her wounds are severely infected."

"Sage, her wounds, parang may dark steam na lumalabas. At may winged yellow lion siya na kasabay maglakad."

"You are a keen observer. I believe those wounds are caused by a demon and this will surely kill her. Ganyan din ang natamo na sugat ni Silawin noon. The lion is the spirit guardian of the yellow medallion."


Sa ilalim ng temple, may mga underground valley na parang abyss sa sobrang dilim. Nagulat na lang ako nang biglang tumalon ang babae sa bangin.


"Fuck, nag suicide ba siya?" tanong ko kay Sage.

"Yes, she will die anyway because of her demon wounds. Quinn found her remains due to an excavation. Sabi ni Quinn, he keeps dreaming about demons after he found the medallion and I also think that Quinn was being bothered by these dreams noon pa kaya madali niya na locate ang yellow medallion."

"Sa China na ba tayo pupunta?"


Ngumiti lang si Sage sa akin at biglang umikot na naman ang paligid. Isang babaeng may red na buhok ang biglang lumitaw sa harap namin. Parang kinakausap kami ng babae pero hindi ko marinig kong anong sinasabi niya.

"Sage, anong sinasabi niya?"

"I don't know. Walang subtitle ang visions ko. All I know is that she is asking me to follow her."


Sinundan namin ang babae papasok sa isang underground corridors. She is randomly pressing something on the wall at biglang may bumubukas na secret passage.


"So this is how you were able to locate the red medallion?" tanong ko kay Sage habang sinusundan namin ang babae.

"Since may photographic memory ako, I was able to easily follow her. But this is where it gets tricky."


Tumigil ang babae sa harap ng isang wall. Dahan dahan niyang hinawakan ang wall at nagtransformed ito from a solid wall to a translucent door na parang made of water. Pumasok ang babae sa loob ng pinto at sinundan lang namin siya.


Parang isang maliit na kwarto na napapalibutan ng water-like wall. Ang red ruby medallion ay nasa gitna at nakapatong sa isang wooden table. Ang red phoenix spirit guardian naman ay nasa ibabaw din ng table as if binabantayan niya ang red medallion.


Nagsimulang magsalita ang babae as if kinakausap niya si Sage. Dahan dahan na tumatanda ang mukha ng babae habang nagsasalita and with less than a minute, na decompose ang babae at naging abo...




---

Inspirations:

- Transantarctic Mountains in Antarctica

- Bacuit Bay, El Nido, Palawan

- Black Forest in southwest Germany

- Chichen Itza complex of Mayan ruins on Mexico's Yucatán Peninsula

- The Mausoleum of the First Qin Emperor in Shaanxi, China

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now