Chapter 51 - Insecure

14.9K 513 25
                                    

May dalawang small rooms sa private plane ni Rave. Isa kay Rave at yung isa siguro ay para kay Phoebe. Kaso makipot ang single bed at hindi kami kasya ni Sage.

"Sage, may problema ba?" tanong ko habang naka-upo sa kama.

"Wala naman. Dyan ka na sa bed, dito na ko sa sofa matutulog," sabi niya sabay higa sa long sofa sa loob ng room.

"Kanina ka pa parang naiinis sa akin. May nagawa ba ko na ayaw mo?" tanong ko ulit at umupo ako sa sofa katabi niya habang nakahiga siya.

"Matulog ka na. Dun ka na nga, nasisikipan ako," naiinis na sabi ni Sage sabay talikod sa akin.

Hala, badtrip?

"Sage naman, bakit ka ba ganyan? Di mo ko pinapansin."

"Pansin pansin pansin. Oh ayan masaya ka na? Matulog ka na," sabi niya habang nakapikit.

"Nagseselos ka ba kay Rave?" tanong ko sabay hawak sa kamay niya.

"Matutulog na ko. Istorbo ka."

"Meron ka ba ngayon?"

"Oo, first day ko kaya wag ka makulit. Baka ako matagusan sa kakulitan mo."

"Sage... Kausapin mo ko. Badtrip ka, alam ko may ginawa ako na kinagalit mo..." sabay kuha ko ng mga kamay niya at hinila siya para umupo sa sofa.

"Ano ba gusto mo Rei?" inis na tanong niya sa akin nang nakaupo na siya sa sofa.

"Ikaw... "

Di ako sinagot ni Sage at tumayo siya sa sofa. Akala ko kung ano gagawin, yun pala, siya yung lilipat sa single bed.

"Ikaw na matulog sa sofa, ang kulit mo. Dito na ko," sabi niya sabay higa sa bed, pero since makulit ako, sinundan ko siya at nahiga sa tabi niya kahit masikip. Niyakap ko siya mahigpit kasi alam ko naiinis siya.

"Tabi tayo..." mahina kong sabi habang nakayakap sa kanya at ginawa ko unan yung chest niya.

Nakapikit lang siya at pinapamukha sa akin na ayaw niya ko kausap. Pero dahan dahan ko hinahaplos ang kanyang dibdib pababa sa kanyang stomach.

"Masikip... Umalis ka dito..."

"Tampurorot ka ba Sage?" tanong ko habang pababa ng pababa ang kamay ko, pero bigla niya kong pinigilan.

"Ano bang ginagawa mo? Matulog ka ..."

"Di ba kasasabi ko lang, ikaw ang gusto ko? Ayaw mo na sa akin? Kausapin mo naman ako. Wag parang seenzone lang."

"Rave is a nice man. Kung may mangyayari man masama sa akin, he can take care of you aside from Quinn and Matthias."

"Nagseselos ka ba dahil madami ko questions sa kanya?" tanong ko sabay hawak sa mukha niya paharap sa akin.

"Rei, you look like Diwa, the first guardian of the white medallion. And Rave... he fell in love with Diwa. That's the reason why he is so attracted to you. Iba ang mga tingin niya sa iyo."

"Kailan ka pa na-insecure? Di ba overconfident ka?"

"Di ako insecure. Di ko lang kayang ma comprehend ang idea na magiging kayo ni Rave kung mawala man ako."

"Sage, bakit mo ba iniisip yan? Dahil ba dun sa visions mo kay Lilith? Ang sabi ko naman sayo, I will do my best to protect you. Wag ka na magselos kay Rave, dahil mas type kita kaysa sa kanya," nakangiti kong sabi kay Sage sabay halik sa labi niya.

"Alam ko naman, gusto ko lang marinig directly from you..."

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now