Chapter 31 - Sandbar

18K 554 25
                                    

Friday morning. Maagap kami umalis ni Timothy papunta sa Coron, Palawan. Kasama namin ang boyfriend niyang si Francis. Kasabay din namin si Uncle Syl at Lena.

Nag lunch kami sa hotel restaurant sa tapat ng beach, pero si Timothy at Francis ay mas pinili na mamasyal.


"Bakit biglaan naman ang kasal niyo? Are you pregnant?" tanong ni Lena sa akin. Muntik na kong mabulunan sa tanong niya.

"Reichel, buntis ka nga ba?" seryosong follow-up question ni Uncle Syl.

"No... Hindi ko din alam kung bakit biglaan ako niyaya ni Sage."

"I am not against it, Reichel. You are practically living in our house together."

"At hindi na naman bata si Isagani. In fact, he is soooo old," natatawang sabi ni Lena.

"Ewan ko Lena, feeling ko there is something wrong. Biglaan niya ko niyaya magpakasal as if nagmamadali siya."

"Reichel, we are finally humans. We are no longer vampires, but then susulpot bigla ang mga demons as if they want to free their demon queen. Everything is soooo wrong in our supernatural world." sabi ni Lena.

"Sa totoo lang, si Timothy at Francis lang ang normal sa atin and maybe including Father Carlos. Sila lang ang daily reminder ko na normal pa din ang mundo sa ibang tao," sabi ko habang nilalaro ang dessert sa plato ko.

"I may no longer have powers unlike you and Isagani, pero makakaasa ka na tutulungan namin kayo ni Silawin. I am really happy for you and Isagani," sabi ni Lena sabay hawak sa kaway ko.

"Ang Punong Babaylan ay hindi dapat nag-aasawa. Dapat alam din yan ni Isagani, but what the hell. Nasa ibang panahon na tayo ngayon," nakangiting sabi ni Uncle Syl.


Kahit di nila sabihin, alam ko sooner or later ay magpapakasal din silang dalawa. Uncle Syl and Lena look so in love.

Pagdating ng hapon, dumating na si Master Aquilino kasama ang kanyang powerpuff girls. First time ko lang siya nameet ngayon pero magaan na ang loob ko sa kanya. He is tall, dark and handsome. He reminds of an old version of Richard Gomez.

It is already past ten pero wala pa din si Sir Rusty at si Sage, alam ko gabi sila dadating pero masyado nang late at nag-aalala na ko. Pupuntahan ko sana si Uncle Syl at si Lena para magtanong pero biglang dumating si Sage.


"Where are you going? Bakit ka nagmamadali?" tanong ni Sage sabay baba ng luggage bag niya pagpasok sa kwarto.

"Pupuntahan ko sana si Uncle Syl kasi gabi na wala ka pa."

"I am already here. Are you worried?"

"Uhmmm... Hindi naman kaya lang... Ok fine, nag-alala ako ng bahagya. Masyado na kasi late. Kasama mo ba si Sir Rusty?"

"Yes, andun na siya sa suite niya. Do you like this room?" sabi ni Sage sabay yakap sa akin.

"Ikaw ba pumili nito? Ang ganda, nasa tip ng island ang suite natin at kitang kita ko yung sandbar. May jacuzzi pa sa labas."

"Babalik na tayo sa Manila by Sunday afternoon. Gusto mo ba mag jacuzzi sa labas?"

"Tinatanong pa ba yan? Ikaw na nga lang hinihintay ko eh," nakangiti kong sabi kay Sage sabay hila sa kanya palabas ng suite at papunta as outdoor Jacuzzi. I proactively removed his shirt at mukha naman nag-eenjoy siya.

"You still have few hours para magback-out sa kasal," sabi niya sa akin nang nasa loob kami ng jacuzzi.

"And what made you think that I will do that?"

"Because I am not a good man. Because I always put you into a difficult position. Because I have some responsibilities that I need to priortize. Because..."


Di ko na pinatapos si Sage at bigla akong umupo sa lap niya. I put my arms around his neck and kissed him. He is not perfect, but he will always be perfect in my eyes.


"Nagdradrama ka ba?" naka ngiti kong tanong sa kanya after our kiss sabay yakap sa kanya.

"Sort of..." bulong niya sa tenga ko.

"Hindi bagay sayo..."

"Rei, kung dadating ang araw na magbago ko or mawala ako or maging iba kong tao, always remember that my heart only belongs to you."

"What do you mean?"

"Nothing... Just kissed me Rei and tell your hands to behave. Bukas pa ang kasal natin and I am not planning to have a early honeymoon."

"What? Feeling mo inaakit kita?"

"Bakit hindi ba? Kulang na lang haplusin mo lahat ng parte ng katawan ko."

"Tsk! Feeling mo gusto ko makipag make love sayo? Hoy, namissed lang kita ng very slight."

"I am warning you, as much as I want to make love to you in this fucking jacuzzi, I will wait until we are married."

"How noble! Tsk! Magbibihis na ko, medyo nagugutom na ko," sabi ko sabay alis sa jacuzzi.

"Dahan dahan sa kain, baka pumutok ang gown mo bukas."

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now