Chapter 25 - Father Carlos

18.3K 583 6
                                    

Rave Clifford did not bother to visit the office. Sabi ni Timothy, he is on a vacation, but we think that he is trying to locate the medallions.

Sinabi ko agad kay Uncle Syl kung anong nangyari kay Sir Rusty at tinawagan niya agad si Father Carlos. Isa siyang parish priest from Cebu pero dati siyang exorcist priest sa Italy at Greece. Sinundo ko siya sa airport samantalang si Sage naman ay nauna na sa bahay nila.


"Good evening, Father Carlos. Ang tagal na po natin hindi nagkikita," sabi ko habang papasok kami sa sasakyan.

"Ang laki mo na Reichel. Nasaan nga pala si Syl? Tumawag siya kagabi at humihingi ng tulong about demon possession."

"Nasa Austria po siya ngayon. We think our friend is possessed by a demon or an evil spirit."

"I am the right person for the job. I performed hundreds of exorcisms in Italy alone."


Pagdating namin sa mansion nila Sage, natutulog si Sir Rusty sa kama, pero nakatali ang kanyang mga paa at kamay. Father Carlos already advised us in advance na painumin ng pampatulog si Sir Rusty before the exorcism.


"Father Carlos, this is Rusty Elizalde, my father. I think he is not aware that he is possessed by demons."

"He looks peaceful. What made you think that he is indeed possessed?"

"I can feel it, Father. Please tell me that I am wrong."

"I am afraid you are right, hijo. Your father, he looks very young. He is not possessed by one, but three demons."


Kung dati hindi ako masyado natatakot sa vampire, ngayon, gusto ko tumakbo palabas ng bahay dahil sa sinabi ni Father Carlos. Sinimulan ilatag ni Father Carlos ang mga gamit niya for exorcism but he asked me at Sage to leave the room.


"Are you okay Rei? You're shaking," bulong ni Sage sa akin. Pareho kami nasa kwarto niya na kalapit ng kwarto ni Sir Rusty.

"Natatakot ako Sage para kay Sir Rusty. Three demons inside him? It is my fault, hindi dapat siya nadadamay sa problema natin."

"Ssshhh. Rusty is strong. He is a good man and he can make it."


Nagsimulang lumakas ang boses ni Father Carlos habang nagchachant ng Latin exorcism spell. I was literally shaking nang marinig ko na sumisigaw si Sir Rusty as if may tatlong boses siya. It was the scariest voice I have ever heard.

For almost twenty minutes, I can feel Sir Rusty's agony. Para kong nakikinig ng real life exorcism movie. Andoon si Sage na nakayakap sa akin.

Nang matapos si Father Carlos, si Sir Rusty ay wala pa din malay na nakahiga sa kama. It seems na wala na ang mabigat ng pakiramdam at aura kay Sir Rusty.


"He needs to rest. Those are not ordinary demons. They did not possess him because he is vulnerable, they possessed him because they need him."

"What do you mean Father?" tanong ko sa kanya. Hindi pa din binibitawan ni Sage ang kamay ko dahil nanginginig ako sa takot.

"These demons, they want something from him. Kung ano yun, hindi ko alam. It seems na may koneksyon siya sa hinahanap nila. Sigurado ako na babalik sila, but I already setup some countermeasures. Mr. Elizalde is safe for the mean time."

"Father, have you encountered these kind of demons before?"

"Oo naman, but never three demons at a time. Mr. Elizalde is a good man. Kahit malakas ang mga sumapi sa kanya, nangibabaw ang sarili niya over them. This man indeed has a pure heart."


Tama si Father Carlos. Napaka buti ni Sir Rusty. Kahit naging vampire siya noon, he is gentle and he loves Sage so much. Kahit ako, tinuring niya ko na anak anakan.


"Sage, mabuti na dito ka muna magstay kay Sir Rusty. He needs you kapag nagising na siya," sabi ko kay Sage nang makaalis si Father Carlos na hinatid ng hired vehicle papunta sa hotel niya.

"How about you?"

"Magkita tayo bukas sa office. I am okay. Natakot lang ako."

"Ihahatid na kita."

"Wag na Sage. Malapit lang ang bahay namin dito. Magpahinga ka, alam ko di ka masyado nakatulog kagabi," sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya na parang goodbye kiss nung nasa labas na kami ng gate nila.

"Samahan na kita sa inyo," malambing niyang sabi sa akin sabay yakap sa mga bewang ko.


Pag ganto ka sweet si Sage, kinikilig ako ng very slight.


"Malapit lang naman bahay namin saka kaya ko sarili ko."

"Mamimissed kita. Wala ko kayakap mamayang gabi. Or should I say di ka makakatulog dahil di mo ko katabi?" sabi niya habang hinahalikan ang leeg ko.

"Alam mong nasa harap tayo ng bahay niyo di ba?"

"Wala naman dumadaan eh," natatawa niyang sabi habang di pa rin tumitigil sa paghalik sa leeg ko.


Pero after ilang sandali, may naramdaman kami na kakaibang presensya. Something dark and evil...


"Sage, may kasama tayo..."

"I know..."

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon