Chapter 48 - Cthulhu

16.7K 506 14
                                    

Mabilis kaming nakarating sa island gamit ang chopper ni Rusty na si Elisha mismo ang nag-operate. Pagdating namin sa island, natanaw ko na ang isang luxury yacht na may grey-colored hull.

"Akala ko ba nag-evacuate na ang lahat, bakit may yacht pa dito?" tanong ko kay Sage habang naglalakad kami papunta sa eastern end ng island.

"That is Rusty's yacht. He gave it to Elisha and his team."

"May super luxury yacht si Sir Rusty?"

"May helicopter nga siya di ba? And besides, bago pa maging vampire si Rusty, mayaman na siya."

"Tsk! Di na ko magtataka kung may tinatagong private airplane si Sir Rusty tulad ni Matthias and Quinn."

"Malay mo meron," nakangiting sabi sa akin ni Sage habang binabasa ang isang mga documents sa brown folder na binigay ni Elisha.

"Sir Sage, kung makikita mo sa pictures, mabilis ang paglaki ng Cthulhu-like monster for the last few hours. It is located sa dulong bahagi ng island and it is not leaving as if inaabsorb pa niya ang mga souls sa buong island."

"This picture. Kaninong library ito?" tanong ni Sage sabay pakita ng isang printed picture ng isang office na may iba't ibang books.

"Sir, that office is owned by the manager of the hotel. As you can see, he has several HP Lovecraft books. I have a theory that he is involved with the monster. Unfortunately, he already left the island. Kasama siya sa mga unang batch ng evacuees kaya I was not able to question him."

"Elisha, I will handle everything. Masyadong delikado ang situation."

"But Sir..."

"I will let you know if kailangan ko ng tulong. Kami muna bahala ni Rei dito. Just make sure na malaki ang distance mo sa monster. I can't afford na maging dinner ka ng monster."

"Yes, Sir. I will be on stand by."


Narating namin ang dulong bahagi ng island. Kahit madilim, kita namin ang glowing monster sa may tubig. It looks like Davy Jones sa Pirates of the Carribean except wala itong paa. Isang malaking octopus-like head at madami tentacles.

"Sage, akala ko ba kasing laki ng bungalow ang glow in the dark monster? Kasing taas na ito ng three storey building ah?" sabi ko kay Sage nang malapitan namin ang Cthulhu.

"Sir Sage, he already ate two tourist. Its tentacles can extend up to..."

Pero di na natuloy ni Elisha ang sasabihin niya dahil biglang humaba ang tentacles ng monster at pinalibot sa katawan ni Elisha. Hinablot siya ng monster at bumukas ang malaking bibig as kakainin si Elisha.

Mabilis naman ako nag cast ng fire balls para maputol ang tentacle ng monster. Dahil masyadong makapal ang balat ng monster, it took a lot of fire power para tuluyan maputol ang tentacles. Si Sage naman ay sinalo si Elisha bago pa ito bumagsak sa batuhan.

"Elisha, ok ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"I think I am okay, but I felt weak after ko magkaroon ng contact sa tentacles ng monster as if hinihigop niya ang life force ko," mahinang sabi ni Elisha.

"Stay here. Call Cole and Amos. We will deal with this octopus thingy," sabi ni Sage sabay labas ng white blade ni Magawen.


*INSERT* Sugar by Maroon 5 during fight scenes ^.^


"Hindi enough yan, Sage. Masyadong makunat si Cthulu," nakangiti kong sabi sabay cast ng isang powerful blue flame para maging blue fire sword ang hawak ni Sage.

Using his lightning speed, Sage tried to strike the humongous monster but it seems na kahit ang bluish flame sword ay hindi masyadong tumatalab.

"Hindi masyadong effective ang fire, try earth element," hinihingal na sabi ni Sage sa pagod.

Using the rocks and boulders na nasa beach shore, nagcreate ako ng isang powerful hurricane of rocks pero wala pa din masyadong damage sa monster.

"Anak naman ng octopussy! Buhay pa din?" tanong ko kay Sage.

Pareho kami medyo mahina na dahil kanina pa kami nasa offensive mode pero hindi masyadong effective ang ginagawa namin.

"Elisha, do you have some holy water sa yacht niyo?" sigaw ni Sage, pero di sumagot si Elisha at nilabas ang isang galon na holy na container sa bag niya.

"May baon ka na holy water?" tanong ko sa kanya.

"Believe it or not, this is effective when we handled souls or ghost. Nagdala ako baka makatulong," nakangiting sabi ni Elisha.

"Sage, ano plano mo?"

"I will pour this holy water kay octopussy. Then, try to freeze the water surrounding the monster and power up my blade."

"You're my boss," nakangiti kong sabi sa kanya.

In a fraction of a second, nakalapit na si Sage sa dambuhalang Cthulhu at mabilis na hiniwa ang galon ng holy water para mabuhos sa ulo ng monster. Tulad nga ng utos niya, I froze the nearby water and I tried to enclosed the monster into a thick sheet of ice.

"Let's try lightning this time," confident na sabi ni Sage sabay taas ng white blade niya.

I summoned bolts of lightning at naging isang massive size ang sword ang blade ni Sage na napapalibutan ng crackling bolts. Sage ran forward towards the monster and thrust the enormous blade on its head.

Nag create ng fissure sa ice dahil sa impact ng blade and within seconds, na pulverize ang ice into tiny pieces. Effective nga ang holy water dahil nag vaporize din ang Cthulhu monster.

Para kaming nanunuod ng isang fireworks display. Nag explode ang monster with sparkling miniscule ice na parang mga maliliit na precious gemstones.

"I told you, holy water is indeed effective," nakangiting sabi ni Elisha.



Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now