Chapter 18 - Surveillance

18.8K 582 12
                                    

Buti naman at umayos na ang tiyan ni Timothy at natulungan niya ko magbalik ng files, samantalang ako naman ang nagdadala ng new files kay Sage.


"May hinahanap ba si Sir Sage? Ang dami nitong files na 'to?" tanong ni Timothy habang binabalik namin sa filing cabinet ang mga natapos na ni Sage na documents.

"Binasa niya 'yan para pag-aralan. Rave is planning to take over the company ata."

"Di ko alam kung saan ako magugulat, kung sa fact na dito na magbabase si Super Boss Rave or dahil kayang basahin ni Sir Sage ang ganyang ka-daming documents sa maikling panahon."

"Abnormal si Sage, may photographic memory. Mabilis magbasa."

"Abnormal? Baka sexy. Well, mukha naman talaga siyang smart and intelligent. Ganun naman daw, 'di ba? Kapag matalino real life, bobo sa lovelife."

"Ano ibig mong sabihin? Poor ang choice niya sa paghanap ng jowa dahil ako girlfriend niya?"

"Slight lang! Hahaha!"

"Leche ka bes! Ikaw umakyat sa ladder at magbalik niyang files na yan sa taas ah!"

"Reichel, ang super boss, papalapit dito sa atin..." biglang bulong ni Timothy.

"Baka narinig yung sigaw ko?" mahina kong sagot.

"Baka nga, ang lakas ata ng boses natin."

"Malay ko ba, wala naman bumababa dito sa Archive section."

"Hi, Sir Rave. Good afternoon!" perky na bati ni Timothy kay Rave Clifford habang papalapit sa amin. Kasama niya ang blonde na si Phoebe Wilson.

"Good afternoon, Sir," naka-smile kong bati sabay tungo.


Ayoko siya titigan sa mata. Ayoko magkaroon siya ng idea na ako ang Punong Babaylan at may kapangyarihan ako.


"You're the new girl right?" nakangiting tanong ni Rave.

"Uhmmm, I am not really new Sir Rave. I am already a regular employee."

"I see, you were probably hired right after I left the country. Are you both quarrelling about something? I can hear your voice over there. May problema ba?"

"No, no, Sir Rave. Nag-aasaran lang po kaming dalawa. Forgive us," sabi ko habang nakatungo.


Shit, bakit ba palagi kami nagtatagpo ng landas ni Rave? Gusto ko nga siya iwasan.


"That's fine. Chill guys. I am not going to fire you because of that. But I might do that if you will not join me for lunch. Reichel, right?"

"Po?"

"Join me for lunch. I want to know your feedback about our company. Is that okay with you?"

"Uhmmm. Sige po, Sir Rave."

"Good, see you later," nakangiting sabi ni Rave sabay alis. Si Phoebe naman ay taas kilay na tumingin sa akin saka sumunod kay Rave.


"Girla, ano bang meron sayo? May jowa ka na nga na gorgeous tapos inaask ka pa ni Sir Rave maglunch?" tanong ni Timothy pag-alis ni Rave Clifford. Mabilis namin na binalik ang mga files na hiniram ni Sage.

"Akala mo gusto ko kasama yung super boss natin? Nakita mo ba na hindi ako tumitingin sa kanya? Palagi ako nakayuko! Don't worry, isusuggest ko na ikaw ang isama niya sa lunch niya bukas."

"Hindi ba magagalit si babe Sage sayo?"

"Hindi naman siguro. Mauna ka na umakyat, tatawagan ko muna siya."

"Tama! Uuna na ko kasi baka marinig ko pa LQ niyo."


Pagpasok ni Timothy sa elevator, saka ko naman tinawagan si Sage. Hindi ko alam kung magagalit siya sa sasabihin ko.


"Anong ginagawa niya dyan?" galit na tanong ni Sage sa phone after ko sabihin na sabay kami ni Rave sa lunch.

"Hindi ko alam. Malay ba namin ni Timothy na may pumupunta sa Archive section eh puro mga boxes of files ang andun!"

"Just be careful Rei. Small talks only. Don't say anything that may relate to our supernatural world. Taklesa ka pa naman. I am contacting Matthias right now."

"What? Papasurveillance mo ko?"

"Something like that. And Rei..."

"Ano yun?"

"Whatever you will discover, just try not to show any emotions. You might not say anything, but he might be able to read you."

"Ahhh Akala ko I love you na..."

"Just take care of yourself. Let me know as soon as nakabalik ka na..."


Tsk! Boyfriend pero walang I love you? Corny!


Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now