Chapter 4 - Red Medallion

29.4K 923 47
                                    

Niyaya ako ni Sage sa isang bakanteng lote kung saan nakapark ang sasakyan niya...


"So that is your honey huh?" tanong ni Sage habang nasa kotse niya kami.

"Uhhmmm yeah."

"Sa susunod, kung hahanap ka ng fake boyfriend, yung totoong lalake. Mas babae pa ata kumilos si Timothea sayo."

"Ano ba kailangan mo Sage? Don't get me wrong, hindi ko tatalikuran ang responsibility ko bilang Punong Babaylan sa isang Alagad ni Bathala na tulad mo, pero that's it. Ayoko na ng sweetness, ayoko na ng landian, ayoko na lambingan, ayoko na ng..."


Biglang may nilabas na necklace si Sage na nagpatigil sa akin sa pagsasalita. It's an antique looking necklace with red gemstone. The missing fire medallion.


"Is that the..."

"Yes, it is. I found it in Shaanxi, China. I already told Rusty about this, pero gusto ko ikaw ang unang makakita."

"Nasa akin pa ang White Medallion ni Magawen. Binigay ko naman ay na kay Uncle Syl yung Blue Medallion ni Lola Helda. Yung Yellow Sapphire, na kay Quinn pa din."

"The red one is from a sorceress in Northern China. It took me almost six months to obtain it."

"I am very much aware of that Sage. Six fucking months. No calls, no text, kahit telegrama wala."


Akala ko sasagutin ako ni Sage pero tahimik lang siya na nagdridrive. Pwede naman kasi niya itigil yung kotse at pagsamantalahan ako sa damuhan, ayaw pa gawin.

Pero seriously, I missed him so much, but I still can't comprehend kung bakit hindi siya nagpaalam sa akin. Kung bakit hindi niya ko nagawang kontakin sa loob ng anim na buwan.

Tumigil kami sa isang park sa tabi ng river. Tahimik kami pareho naglalakad sa tabing ilog.


"Di pa din bumabalik ang lahat ng alaala ko sayo, Rei. I remembered everything except wala ka sa equation."

"Wala ka naman dapat alalahanin sa akin. Wala naman tayo masyadong precious memories together."

"What will Sage, your boyfriend, do to gain your forgiveness? Alam ko nasaktan kita dahil umalis ako ng walang paalam."

"Siguro kung naaalala mo na ang lahat, malamang luluhod ka sa harap ko, hahalikan mo yung mga paa ko. Tapos papayag ka maging alipin ko for the next few weeks hanggang mapatawad kita."

"That doesn't sound like me, Rei. It sounds more like you."

"Excuse me? Mukha ba kong patay na patay sayo? Kapal naman ng mukha nitong prinsipe na to. Feeling type na type ko siya. Hoy, ikaw ang umiwan sa akin. Ikaw ang cause ng pain ko for the last six months!"


Pero biglang hinawakan ni Sage ang braso ko at hinila papalapit sa kanya. Tinitigan niya ko ng matagal. Akala ko hahalikan niya ko pero, nagulat na lang ako nang bigla niya kong niyakap ng mahigpit as if missed na missed niya din ko. Yung mga labi niya unti unti dumidikit sa leeg ko.


"I don't remember you, Rei, but I remember doing this to someone. It is all blurry and faint. But I know it is you..." bulong ni Sage sa akin sabay halik sa leeg ko.


Paano ko makakamove-on kung hinahalikan niya ko sa leeg?

Ang masaklap pa, I am allowing him to do these things to me. At mukhang nag-eenjoy pa ko. 

Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter [Published Under Precious Pages]Where stories live. Discover now