Chapter 1- Brothers

25.8K 504 40
                                    

Raiden

"And you believe in miracles because of that?" Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko kay Kenshin. Napalitan yata ang kapatid ko. Kailan pa sya natutong maniwala sa anito?

Okay, Kenshin is my older brother but it doesn't mean I will accept this shit. Kailan ka pa naniwala sa himala?

"Yes," He replied. Convince na convince ang gago.

Tiningnan ko siya na parang nasisiraan na siya ng bait.

"Dominique was saved because of her doctors and her donor," I pointed out.

Nakakastress kausap itong si Kenshin. Kakabalik lang sa office, may dala pang krus na maliit at pinatong sa table niya.

"Tangina, ano yan?" Turo ko sa maliit na crucifix na nasa likod na table name niya.

"Cross." Simpleng sagot ni Kenshin.

Natawa akong napaupo sa upuan sa harapan niya.

"Panlaban sa aswang?" biro ko.

Nag-isang linya ang kilay ni Kenshin at naupo siya sa upuan niya... The Boss is back.

"Raiden, huwag sanang maranasan mo ang dinanas ko. Hindi ka makakatawa ng ganyan."

Mas lalo akong natawa sa sinabi ni Kenshin. "Baka sa susunod na balik ko sa office mo, may altar ka na at nagsisindi ng kandila."

Tumayo ako at nag-inat-inat. "Anyway, since nakabalik ka na, ako ay aalis at maglilibot-libot."

"Hindi ka aalis. I am not intended to fully handle this company alone. Kailangan pa ako ni Dominique."

"Magaling na si Dom. Nagjo-joke na nga tungkol sa grasshopper." I replied.

"May possibility for relapse. At iyon ang inaalala ko," Kenshin replied. 

Well, he looks worried. Hindi mo maalis sa kanya iyon.

"She may be healed now... fully recovering from her leukemia but there is a chance of relapse. I want to spend my time with her as much as I can."

Napaupo ulit ako sa upuan ko at tumingin kay Kenshin. He changed. "Ano ba ang balak mo kay Dom?" 

Tinaasan ako ng kilay ni Kenshin. "Malamang, pakakasalan ko. Lagay namang nagpapalipas lang ako ng oras." Sarcastic na sagot nito.

"Sigurado ka?" Nagtatakang tanong ko. 

She's the one." Kenshin replied.

"Kahit hindi kayo magkakaanak?" I tried to poke the bear.

"Kahit na..." He said with finality.

"Wow, so ang bigat naman ng responsibility ko na magkalat ng lahi," natatawang biro ko.

Dominique is my brother's girlfriend. They went through a lot. As in, shit things, near-death experience. After that episode a few months ago, Kenshin changed. 

He changed a lot.

A lot! Do you get it?

"Baka hindi mo alam na may mga anak ka na nga," sarcastic na namang comment ni Ken.

"Who knows di ba? Daig ko pa si Ralph na may apat na anak agad. Sakin panay panganay magiging mga anak ko."

"Gago... Babalatan ka ng buhay ni mommy."

"Hahaha, hindi ah. Matutuwa nga 'yon lalo na at ang bagal ni Kiro na magkaanak. Ano ang ginagawa ng dalawang yun, nagpupusoy?"

Natawa ng bahagya si Kenshin at tumutok na sa laptop. "Magtatayo ako ng office sa Makati. Doon ako maglalagi. Feel free na maiwan dito sa Japan," sabi nito.

"What? Aano ako dito? Gusto mo, isarado mo ang office sa Japan."

"Hindi pwede... Ikaw dito, ako sa Pilipinas," sabi niya.

"Ayaw ko dito. Gusto mo kayo ang maiwan ni Dom dito sa Japan."

Huminga ng malalim si Kenshin bago hurapan sa akin. "Nasa Pilipinas ang life saver ni Dom. Kailangan malapit siya kay Joanna incase kailangan niya ulit salinan." 

"Sino ba ang Joanna na iyan? Is she pretty? Tall? Long-legged?" 

Kenshin snorted. "Someone who is opposite of you."

"Pangit!" I exclaimed.

"Tanga, hindi." Naiinis na sagot ni Kenshin.

"Ah okay...okay. Sabi mo kasi, opposite ko." Natatawang sagot ko. Malay ko ba.

"Bumalik ka na nga sa office mo. Puro ka katarantaduhan." Utos niya sa akin.

"Nood ako ng concert ng Metal Band... Sama ka?"

Umiling si Kenshin. "Ikaw na lang. Masyado yang maingay."

Napalingon na naman ako kay Kenshin at sa krus sa table niya.

"Pinagbabawalan ka na ba ng Diyos mo na sumama sa kapatid mo?"

It was Kenshin's turn to look at me. "Nobody asked me to do things like that, Raiden. Sometimes, people grow up not just grow old," sabi nito.

"Yeah right. Ipagpatuloy mo yan. Baka maging santo ka. Sige Ken," Nagmadali na akong lumabas bago pa kami magtalo.

Pakiramdam ko, unti-unti akong nawawalan ng kapatid. Nagbago na talaga si Kenshin. Naiiling na lang akong sumakay sa elevator pababa ng building.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon