Raiden
"Saan kayo nagkakilala ni Jo?"
Napatingin ako sa katabi ko. Ako ba talaga ang tinatanong ng ex niya?
"Sa Dunkin Donut." I replied. Hindi na kailangang ielaborate kung saan.May tinatago palang boses itong si bonsai. Infairness, kaya pala kasama sa Music Min na tinatawag nila, marunong pa lang kumanta.
"May common friend kayo?" Tanong ulit ni Jay.
"Best friend siya ng girlfriend ng kapatid ko." I replied.
"Si Lorna?"
"Hindi ko kilala si Lorna." O si Aida, o si Fe. Pwede bang tumahimik ka? Nakikinig ako sa mga kumakanta eh.You are the way, the truth, and the life
I live by faith and not by sight for You
We're livin' all for YouMeron pa lang lively na mga kantang pangsimbahan. Nag-iimprove na yata sila.
"Sinong best friend ang tinutukoy mo?" Tanong ulit ni Jay.
"Si Dominique."
"Hindi ko kilala." Sabi nito.
Huminga ako ng malalim. Magtimpi ka, Raiden.
"Nasa SFC din ba si Dominique?"
"Bakit hindi mo pa ako tanungin kung nanliligaw ako kay Joanna?"
Natahimik si Jay sa tabi ko. Nakakairita. Daming tanong daig pa ang kambal ni Kuya Rome sa kulit."Nanliligaw ka nga ba?" He asked after a while.
Natawa ako ng bahagya. "Pwede pa kitang sagutin pre ng wala kang pakialam?"
Tumingin ako kay Jay na nakatingin kay Joanna.
"Sabi nga ng dati mong mga kasama, may asawa ka na. What's the point of asking me?"
"She is special to me..."
I snorted. "If she is too damn special to you, why are you married to someone else? Don't kid me, Jay."Nakangiti ako kay Joanna ng matapos ang song nila.
Tumayo si Jay at umalis sa tabi ko. Much better. Bumalik ka na sa asawa mo hindi yung nambabakod ka ng hindi mo pag-aari. Tanginang tao yan. Palasimba pa yan.
Nagsimula ulit sila Joanna ng isa pang kanta. This time, medyo slow ang song nila. At the back of my mind, alam ko ang ibang mga words. Hindi ko alam na song ito. Or probably I heard it with Dominique, hindi ko na matandaan.
I believe in God our Father
I believe in Christ the Son
I believe in the Holy Spirit
Our God is three in one
I believe in the resurrection
That we will rise again
For I believe in the name of JesusJoanna was standing at the center of the stage. Her eyes are closed and she raises one of her hand. She is... praying. For the whole duration of the song, her eyes are closed. At hindi ko alam kung bakit ako kinikilabutan.
I believe in life eternal
I believe in the virgin birth
I believe in the saints' communion
And in Your holy Church
I believe in the resurrection
When Jesus comes again
For I believe, in the name of JesusNananayo pati ang mga balahibo ko sa batok. Nanlalamig ako na naiinitan at kinikilabutan ng hindi ko maintindihan. Bakit? Natatae ba ako? Parang hindi naman.
Tatlong kanta ang napractice nila bonsai bago nagpack up.
"Jo, sasama ka pa ba samin mamaya?" Tanong ng isa sa mga kasama niya.
"Hiramin ko muna." Singit ko sa usapan. "May utang pa sa akin ito." I said."Ano ang utang ko sayo?" Nagtatakang tanong ni Joanna sa akin.
"Hindi ka makagets, Dora?" Mahinang tanong ko sa kanya.
She rolled her eyes on me. "Nagugutom ka na naman."
"Kaya bilisan mo."Hinintay ko na si bonsai na matapos sa mga beso niya sa mga kasamahan. Hindi ko na sinabi kay Joanna ang mga sinabi ng ex niya. Makakagulo lang sa isip ng babaeng humuhuni sa tabi ko.
"Hoy, bagalan mo namang maglakad."
"Ang ikli kasi ng mga hakbang mo eh." Sagot ko sa kanya.
"Ay grabe ka talaga." Sagot niya. Hinihintay kong mapikon si Joanna. Mga ilang linggo ko ng inaasar, hindi pa napipikon. Tangina, ang lalim ng goal ko sa buhay. Hahaha.Kumain na lang kami sa malapit. Gutom talaga ako. Hindi naman ako huminto kanina para kumain. Nagmamadali akong makarating sa Baguio. Baka kasi ano, matunaw ang mga cupcakes sa kotse ko.
"Bakit kayo nagbreak ng ex mo?"
Natigil sa pagsubo ng burger si Joanna.
"Hindi nga siya ang pinananalangin ko." She replied.
"Naniniwala ka sa mga sign?"
"I prayed for a guy na hindi ako kayang iwanan. Nakayanan niya so hindi siya para sa akin." Sagot nito.
Natatawa akong uminom ng iced tea.
"Kapag umalis, sundan mo kasi." Katwiran ko sa kanya."Hindi simpleng pagsunod ang gusto niyang mangyari dati." Paliwanag ni Joanna.
"Explain, bilis. Tapos may sasabihin ako sayo."
Tumaas ang kilay niya at nagpatuloy sa pagkain. Akala ko hindi na magkukwento."He was asking me to stop serving."
Nawala ang ngiti ko sa sinagot niya. "He was asking you to change?"
"Parang ganoon." Napabuntong hininga si Joanna. "Madalas kasi akong wala, di ba?"
Tumango ako.
"Eh syempre iyon din naman ang source of income ko dahil full time ako sa SFC. For them kasi may job sila outside the community. Ako, eto na talaga ang work ko. It's my full time job. Kaya ayon, naghiwalay na lang." Nagkibit ng balikat si Joanna."Saka hindi ko siya masusundan, maikli ang hakbang ko." Biro niya.
"Nahahawa ka kay Dom. Corny." Natatawang sagot ko.Ahhh so kupal pala talaga si Jay.
"Ano ang sasabihin mo sa akin?" Balik na tanong ni Joanna.
Sasabihin ko ba na kupal ang ex niya?
"Tinatanong ni Jay kung... saan nabili ang cupcake. Sabi ko, secret." I told her instead.
"Close na kayo?"
Ang slow talaga sa joke ng babaeng ito.
"Kumain ka na nga lang." I replied.
Nawala na ang momentum ng joke ko. Hindi ko na sasabihin.
BINABASA MO ANG
Under the Rain
RomanceThere are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the time. You just have to...believe. -Raiden Fujihara