Chapter 10- Deal

8.5K 390 31
                                    

Joanna

Hindi ko alam kung saan ako makikitulog. Ang daming nag-oopen ng bahay nila for me.
"Sa amin ka na lang matulog. Nandoon si Dom." Sabi ni Kenshin.
"Wow, hindi kayo magkatabi?" Tanong ni Raiden sa kapatid.
"Live in kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Naku, patay na naman. Basahan mo ng bible verse, bilis." Tukso ni Raiden sa akin.

"Grabe hindi naman live-in." Tanggi ni Dominique.
"Kailan ba ang leap year? Matagal pa, 2 years pa." Biro ni Rose sa kanila.
"Kung babae ang magiging anak nyo, ano ang ipapangalan nyo?" Tanong ni Star kay Dom.
"Mira... Miracle Faith." Sagot ni Dominique.
"Ay, ka-name ko. Magkaiba lang ng spelling." Natutuwang sagot ko.
"Kapag lalaki, Miro... Miro-ami." Sabat na naman ni Raiden.

"Wala ka ng na-say na okay." Michelle commented.
"Excited ako... tagal ng leap year." Ang sabi ni Rose na ikinatawa namin.
"So before leap year, kailangan kayong makasal." Excited na comment ko.
"Huh? Bakit?" Kontra na naman ni Raiden. "Hindi ba pwedeng mag-anak na lang... Kailangan kasal agad?"

"Huwag mong pansinin si Raiden, namali ng bakuna ang nurse noong bata iyan." Sarcastic na comment ni Rose.
"Teka, serious ako, bakit kailangang magpakasal? Bakit kailangang matali ka sa isang papel? Explain to me further." Pangungulit nito.
"Hindi ka sa papel matatali, kung hindi sa magiging asawa. Nangtitriger ka lang eh. Bakit ang hilig mong makipagtalo? Hindi pa pwedeng igalang mo na lang ang paniniwala ko, dahil ginagawalang ko naman ang mga pinapaniwalaan mo."
"Wala akong pinapaniwalaan." Sagot ni Raiden.

"Saan ka tatakbo kapag wala ka ng mapuntahan?" I asked softly. It's more a question to myself, not intended to aks Raiden directly pero narinig niya.
"Marami... hindi ka kasi lumalabas sa bubbles ng lungga mo eh. Panay ka alive-alive forever more. I'll show you what real life is..." Sabi nito.
"Hindi yung pang fairy tale ng bible ang alam mo."

"Sasama ako kung sasama ka sa akin." I countered.
Ngumisi si Raiden."Hinahamon mo ba ako?"
"Natatakot ka ba?" Tanong ni Rose sa kanya.
"Saan, sa Diyos niya?" Balik na tanong ni Raiden kay Rose.

"Natin Raiden... natin." Baling ni Dominique sa kanya.
"Bring it on Dora. Magpapasalamat ka sa akin sa huli kapag naliwanagan ka na walang Diyos." Mayabang na sagot ni Raiden.
"Magpapasalamat ka sa akin sa huli kapag nahanap mo ang Diyos." Sagot ko.

Tumawa si Raiden. "Hindi sa palagay ko."
Tingnan natin Raiden.

"Hindi mo nga maprove ang existence niya. Sige nga, show me ng makita ko."
Napapailing ang mga kaibigan niya sa sinasabi niya.
"Yung brain mo din naman hindi mo nakikita pero naniniwala kang meron." Pilosopong sagot ko sa pilosopong tanong niya. Nagtawanan ang mga kaibigan ni Raiden.

"Hindi ko gustong makipagtalo dahil hindi ka naman maniniwala kahit maglabas pa ako ng evidence na hinahanap mo. Ang sabi mo ay sasama ka sa akin eh di ikaw ang maghanap sa Diyos ko. Mahahanap mo siya. Huwag lang sana sa masakit na paraan." Ang sabi ko sa kanya.

"Baka hindi mo kayanin, Rai kapag sinubok ka Nya." Wika ni Dominique.
"Laking aircon ka pa naman. Hindi sanay sa hirap. Huwag mong subukan na magyabang friend, mapapaluhod ka niya sa simbahan kapag ginusto Niya." Dagdag ni Rose.
"Iyak ka ng blood... like menstruation blood, ganern." Singit ni Michelle na ikinatawa ko.
"Kadiri ka." Natatawang hinampas ni Star si Michelle.

"May nangyari ba sayo dati kaya ka nawalan ng faith?" Tanong ni Rose kay Raiden.
"Naku...tigilan mo ako Rose sa psychological kemerut mo. Huwag ako." Tanggi ni Raiden.

"I like the kemerut. It's kinda jologs with a twist." Comment ni Michelle.
"Hindi dahil hindi ka dininig sa hiling mo hindi ibig sabihin iniwan ka na ni Lord. May nakalaan lang na ibang plan para sayo." I said.
"Taena tantanan nyo akong dalawa." Tinuro kami ni Rose ni Raiden.

"Ang usapan ay usapan. Sasama ka sakin to prove my point." Sabi niya.
"At sasama sa akin to find my Go," I replied back.
"Deal." Sagot ni Raiden.
"Iyan ang pinakamagandang deal na nagawa mo." Kenshin commented.

Minsan ko din tinanong kung totoo si God. Minsan din akong naging kagaya ni Raiden na walang paniniwala. Hanggang sa subukan Niya ako at ang tanging nagawa ko ay tumawag sa Kanya. Dahil sa panahon na mag-isa ako, doon ko naramdaman ang kalinga Niya. Sana, hindi sa ganoong paraan makita ni Raiden si Lord.

Under the RainUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum