Chapter 46- Knights returned

9.4K 442 27
                                    

Joanna


At the side of my eyes, I look at Raiden. He is having a conversation with his dad and Kenshin. Kahit anong pilit niyang itago, alam kong nag-aalala sya sa mommy nya. Lahta kami ay nag-alala sa mga nasa Marawi. Alas dose na ng gabi, patuloy pa rin ang rosary namin. We are asking too much this time to God. Safety for those in war. Peace for those who lost someone, strength to go on with their life, acceptance that life sometimes ends this way. We are asking over and over for His mercy.

The room went silent when a phone ringed. Natingin lahat kay Tito Ayano dahil sa nagriring na phone niya. Raiden looked scared while staring at his dad. And when Tito Ayano breathe a sigh of relief, everyone in the room did the same, including me.

"Pauwi na sila," Tito Ayano informed the whole room.
"Is everyone alright?" Tanong ni Tita Kath.
"No more casualties from Knights according to Abby." Sagot ni Tito.
"Diyos ko Lord, salamat naman." Bulong ni Tita Sam.


Naging medyo masigla na ang mood dito sa bahay. Nakakakain na rin sa wakas ang mga Titas ng maayos. Tita Cheska cried earlier ng mabalitaan niyang may tama ng bala si Tito Ace sa balikat. Ayaw palang ipasabi ni Tito Ace but Lego got slipped when he was telling what he saw at Marawi. Parang ang tagal na, pero kahapon lang iyon.

I also prayed for Amira, and thanked her thru my prayers for saving Tito Marcus. I hope one day I can pay her respect on her grave. She taught me a few things in a span of a short time, life is short is one of them. As I looked at Raiden talking to his phone while Kenshin is around him, I realized that God sent me that fateful day to Saint Mary's Hospital not to only save Dominique but to meet Raiden. He sent me to his path because I prayed for someone who is afraid to leave me. I prayed for someone who is willing to walk in the same path I am walking. I prayed for someone who will love me because I deserve it. I prayed for that someone and God gave him to me. So why I am afraid to claim what I prayed for?


"Why are you afraid?"
Muntik na akong mapatalon sa takot ng mayroong magsalitang bata sa tabi ko. Hesus ko, alas dose na bakit may bata pa?
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa anak ni Ate Allie.
Itinaas ni Uno ang dalawang kamay at nagpabuhat para makaupo sa tabi ko. Inaantok na sundal ang bata sa akin.
"I heard voices so I can't sleep." Sagot nito.
Hala, malakas yata ang kwentuhan namin dito at nagising ang mga bata.
"Why are you afraid?" Tanong ulit nito.
"I am not afraid,"
"You were asking earlier yourself." Inaantok na sagot nito at saka naghigab.
"Oh, it's in your head. I thought you were saying it loud. Sorry."
Napanganga ako sa bata. Seryoso ba siya?


Habang natutulog si Uno sa tabi ko at hindi ko binibitawan ng bata na parang takot na takot, dumating ang mga Knights na mukhang sobrang pagod. Sinalubong sila ng kani-kanilang pamilya. Kay Raiden ako natingin dahil tumakbo talaga siya sa mommy niya at yumakap.
Yup, he loves his mom so much.


"Oh God, nandito lang pala siya. Kanina pa ako naghahanap." Mukha ng alalang-alala si Ate Allie ng makita si Uno sa tabi ko na kapit na kapit.
"Kanina pa ba siya nandito?" Tanong ni Ate Allie habang kinukuha ang anak.
"Hindi naman. Naingayan yata, marami daw siyang naririnig." I replied.
Naitikom ni Ate Allison ang bibig niya.
"Thank you, Joanna."
"Gifted din ba siya, Ate?"
Ngumiti lamang si Ate Allison pero hindi na ako sinagot. She excused herself and Uno and leave me alone, looking at others hugging their family.

I miss my nanay. Ano kaya ang sasabihin nya kung nabubuhay pa siya at ipakilala ko si Raiden? Natingin si Raiden sa gawi ko ang he pointed my location to his mom. Kinabahan ako lalo na ng maglakad si Tita Abby papunta sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung kaya tumayo na lamang ako hanggang sa makarating siya sa akin. But you know what I didn't expect from her is she hugged me.
"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.
Tulala akong tumango sa kanya habang yakap-yakap niya ako.
"Sinaktan ka ba nila?"
Umiling ako pilit nilabanan ang luha.
I miss my nanay.

Bumitaw si Tita Abby sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Doon ko napuna ang iilang mga sugat sa mukha niya. May mga galos siya sa pisngi, sa braso at iilang mga visible na pasa.
"Okay lang po ba kayo, Tita?"
Malungkot siyang ngumiti sa akin.
"I will be fine. Magpahinga ka na. Huwag kang magpupuyat para tumangkad ka."
Natawa ako ng bagaya. Hindi na po ako tatangkad.
"Sige po." I replied.
Hindi ko alam, baka sinapian lang ako ng kalungkutan dahil sa mga nakikita kong buo ang pamilya, ako ang yumakap kay Tita Abby na bahagya niyang ikinagulat.
"Thank you po for saving me," I said. Nahihiya akong bumitaw kay Tita after few seconds.
"Anything for family, Joanna. Ganito kami dito. Masanay ka na." She replied na ikinabara ng lalamunan ko at ikinatulo ng luha ko.

"Mommy, pinapaiyak mo na naman si Joanna." Sigaw ni Kenshin.
"Halika na. Saan ka ba matutulog ngayon?" Yaya ni Tita sa akin. Inakay niya ako pabalik sa kumpulan ng pamilya niya
"Baka po kay Star o kaya po kay Mitch. Kasama ko po si Rose at Dom. Bukas na lang po ako uuwi sa amin."
"Raiden, ihatid mo si Joanna bukas pag-uwi sa kanila." Utos ni Tita ng malapit na kami sa mga anak niya.
"Yes, mommy." Nakangiting sagot nito.
"Ihatid nyo na sila nila Dominique. Gabi na bakit kayo nagpupuyat? Nasaan si Rose? Isa pa yang batang yan, bakit gising pa?" Sunod-sunod na tanong ni Tita. Hinanap niya si Dom at Rose at kinawayan.

"Mommy kami na." Awat ni Raiden kay Tita Abby.
"Magpahinga na rin po kayo, Tita. Hinintay lang po namin kayong makauwi." Dom told Tita Abby that made her stop.
"'Tong mga anak ko na ito, sige na, sige na. Lumakad na kayo."
Binigyan pa kami ni Tita Abby ng kiss sa ulo ni Dom. Palibhasa ang liit namin kaya kayang kayang halitan ang bunbunan namin.
"Kami ang anak mo, hindi sila." Birong reklamo ni Ken.
"Oo na, sige na. Madaling araw na. Hindi na tatangkad yang dalawa sa kakapuyat." Sagot ni naman ni Tita. Nagtawanan tuloy silang lahat maliban sa amin ni Dom na napayuko na lang. Nagpaalam kami kay Tito Ayano na tatawa-tawa lang sa amin.

"Halika na, mochi."Yaya ni Lego kay Rose. Naunana silang lumabas ng mansion. Sumunod na kami ni Dom sa kanila at ramdam naminna nasa likod lang si Kenshin at Raiden.

"Ma," Tawag ni Raiden bago kami tuluyang makaalis.
"Pasado ba si Joanna sayo?" Sigaw niya.
Hala, Diyos ko, gumawa pa ng eksena ang lalaki na ito.
"Oo naman. Ililigtas ko ba siya kung hindi?"
"Ayyiieeee," Tuks ni Dom sa tabi ko.
"Tumigil ka." Kinurot ko sa tagiliran si Dominique na kilig na kilig. Hinila koagad siya ng makaalis na kami. Baka langgamin pa kami dito, Panginoon ko.

"Sweet ko, pancake noh?" Tanong ni Raiden ng makahabol sa amin.

"Rose, talo na kayo." Sigaw ni Domnique. "May mas sweet na kay Lego."
Diyos ko po.
"Bukas na bukas magpapatulong ako kay Ate Allie," Sabat ni Lego.
"Para saan?" Tanong ni Star sa kapatid.
"Hihingin ko ang kamay ni Rose sa nanay niya." Sagot ni Lego na ikinalaki ngmata ni Rose.
"Nanahimik na si Nanay, sira ulo ka." Pinaghahampas ni Rose si Lego ng dalaniyang bag. 

Under the RainWhere stories live. Discover now