Chapter 36- Apprentice

8.7K 473 123
                                    

Raiden

"Umuwi ka na, Raiden. Umaga na." Taboy ni Ate sa akin.
Hating gabi na ng tumigil ang troops at magpahinga. Hindi pa sila nakakapasok masyado sa loob sa pinaka center ng Marawi. Nakabantay pa rin ang mga Shadows sa monitors. Si Tito Red ay nasa tapat pa rin ng mga screen. Tinitingnan ang mga nangyayari. Nakabantay sa mga Knights na nasa field.

"Hindi ba mapapahamak sila mommy ngayong nakahinto sila?"
Nag-aalalang tanong ko kay Ate.
"Hindi sila natutulog." Sagot ni Ate.
May hawak siyang isang mug ng kape. Parang kasing laki na ng mug ng beer ang iniinuman niya.
"Look at the blue dots, that's our team. The red dots are the civilians and the rebels." Paliwanang ni Ate. Tinuro niya ang mga blue and red dots. At sa gitna ng city, mayroong blue dot na nagbi-blink. Si Joanna.

"Gising si mommy, nakabantay yan. Si Tito Ace, Tito Kyle at Tito Marcus ay ganun rin. Mostly, alternate ang tulog nila. But someone has to be awake." Dagdag pa ni Ate.
"Ganoon din kami dito. Hindi kami pwedeng matulog. Umuwi ka na Raiden. Hindi healthy para sa iyo ang mga makikita mo."
"I want to be here. This is the closest I can get to Joanna and mommy."
"Para mong tinotorture ang sarili mo." Katwiran ni Ate.
"Hindi rin naman natutulog ang iba. They have a prayer vigil." Mahinang sagot ko.

"Sir, one of our men is advancing." Sabi ni Xykie na ikinabaling ni Tito Red sa kanya.
"Sino?" Tanong ni Tito.
"Si Santos,"

Binaba ni Ate ang mug ng kape sa table niya at nagsimula na namang magtype sa keyboard.
"Saan ka papunta?" Bulong ni Ate sa monitor habang tinitingnan ang galaw ni Santos.
"Ma, may command ba kayo kay Santos?" Tanong ni Ate over radio.
"Wala," Maikling sagot ni mommy.

"Santos, go back to the assembly, over." Ate radioed again but Santos didn't response.

"Sir?" Tanong ni ate kay Tito Red na nanonood sa live feed ng camera ni Santos.
"Santos," Si Tito Red na ang nagradio kay Santos pero dead air pa rin.
Hindi siya sumasagot. Papunta siya sa isang kumpol ng mga red dots sa mapa. Madilim ang paligid at nahihirapan kaming maaninag ang mga kuha ng camera ni Santos.

"Civilian ba ang kumpol na iyan?" Tanong ko kay Ate.
Hindi siya agad sumagot. Nakatitig siya sa mapa na may blue dot na palapit sa mga red dots.
"This is going to be bad." Bulong ni Ate.

"No... no...no..." Biglang nagsisigaw si Xykie. "Sir, he is heading to the rebels camp."
"Tang-ina, Santos. Bumalik ka sa pwesto mo." Utos ni Tito Red.

"Fucking shit." Nataranta ng bahagya si Ate bago siya nagtawag sa mga Knights.
"Team... be prepared. Santos needs back-up."
"Hold," sagot ni Santos. Doon pa lang siya sumagot ng naging alert na ang mga Knights.
"Get back, napapaligiran ka nila. May isang grupo na papunta sa dinaanan mo.Go back. Now." Sigaw ni Tito Red kay Santos.

"More or less, half of the rebels are here, Sir. Half of them are having a meeting right now." Mahina ngunit maliwanag na information ni Santos.
"Someone alereted their leader na mayroong sundalo na nakapasok." Sabi ni Santos sa radio.
"Putang-ina, Apprentice. Sino ang may sabi sa iyo na gumala ka mag-isa?" Sigaw ni mommy.

"Sir, I need you to bomb my location." Sabi ni Santos na ikinabigla namin.
"They will lose half of their team, Sir. Bomb my location, now."
"Umalis ka d'yan." Sigaw ni mommy.
"Maam Abby, malapit ang location mo sa akin. Kayang abutin ng drone ito. Drop a bomb in here." Sabi ni Santos.
"Lumayas ka d'yan." Nanggagalaiti si mommy sa radio.

"Sir, Red. Just bomb my location, Sir. There is no civilian in here." Ang sabi ni Santos.
"Now, Sir, now."

Napadukmo si Xykie sa table at nagpahid ng luha. Si Ate at ang ibang Shadows ay mga nakayuko.
"Abby," Humingang malalim si Tito Red.
"Putang-ina ka, Apprentice. Ang bigat ng hinihiling mo." Nagpapahid ng luha si mommy. Nakikita namin siya dahil sa camera ni Kiro.
"Drop the bomb." Sabi ni Tito Red.
Napasuntok si Tito Red sa table pagkatapos niyang magbigay ng utos.

Umiiling-iling si mommy habang hawak ang remote ng drone.
"Now, Maam Abby." utos ni Santos.

"Thank you for your service, Santos." Tito Ace said.
"I'll see you on the other side, brad." Tito Marcus added.
Nagpahid ng luha si mommy at tumango kay Kiro. Kinuha ni Kiro ang drone nila at pinalipad. Hindi lang pala camera ang dala ng drone kung hindi bomb.

Umiiyak si Ate Sakura ng magbigay ng command sa mga Knights.
"Prepare to fight. This will be a bloody night." Sabi niya.

"Target acquired." Walang emotion ang boses ni mommy ng nagsalita.
"Bomd will drop in three, two... one."

Isang malakas na pagsabog ang sumunod na narinig at nakita namin sa mga monitor. Sabog ang building ng location ni Santos. Isa-isang nawala ang mga red dots sa area na iyon. Kasamang nawala ang blue dot ni Santos.
Wala na si Santos. Wala na si Apprentice. Wala na ang taong tinuring na kapatid ni mommy.

"Let's go," Mommy commanded to her team.

The look on Knights faces is scary.
When mom took the first step, my mind and heart started to pray again.

---------------------
A/N
This chapter is dedicated to the Fallen Soldiers of Marawi.
Your sacrifices will never be forgotten.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon