Chapter 6- Tongues

8.9K 398 51
                                    

Joanna

Grabeng surprise party naman ito. Natouch ako. Pati ang mga Tita at Tito, dumating din. Yung effort lang eh, nakakaiyak na. Paano pa ang mga yakap nila na parang anak ako.

Tapos nandito rin si Nurse Beth at Ate Allie. Parang nagkaroon ako ng mga instant ate sa kanila.

"Gift namin sa iyo." Inabot ni Nurse Beth ang gift nila ni Ate Allie sa akin.
"Ate Beth, cherifer ba yan?" Tanong ni Raiden.
Kanina nya pa ako binubwisit.
"Uy, loko ah... May galit ka sa maliit?" Tanong ni Tita Lise sa kanya na ikinatawa namin.
"Ayan, nakadamay ka ng civilian." Tukso ng mga kaibigan ko.

"Hindi ikaw Tita."
"Kung makacherifer ka. Palibhasa matangkad ka, wala kang galang." Dagdag pa ni Tita Lise.
"Raiden, tandaan mo na ang maliit ang nakakapuwing. Baka umiyak ka sa huli dahil napuwing ka." Sabi ni Ate Allie.
"Himay-himayin natin ang sinabi ni Ate Allie." Nagmagaling na naman si Ate.
"Tama na... pampam ka." Saway ni Raiden kay Ate Sakura.

"Naku, manghuhula pa naman si Allie." Sabi ni Nurse Beth na ikinatingin ng masama ni Ate Allie sa kanya.
"Gifted po kayo? May gift of prophecy po kayo?" Manghang tanong ko.
"Nasa bible po yan." Nakangiting dugtong ko.
"Totoo..." Sang-ayon ni Tita Marie. "Nabasa ko kagabi. Pati ang gift of healing. Meron si Beth nun."
"Wow ang galing." Hanga ako. Pangarap ko yun ang magkaroon ng gift of healing.
"Ang hindi ko maintindihan kung ano ang gift of tongues na sinasabi sa bible." Wika ni Tita Marie.

"Meron ako nun. I'm so gifted with tongues." Sagot ni Tito Marcus na ikinatawa agad nila. "Wala bang gift of tongues si Red?" Seryosong tanong niya.
"Gago..." Tumatawang binato ni Tita Abby si Tito Marcus.
Tawa sila ng tawa. Hindi ko sila maintindihan.
"Si Ayano ba?" Baling ni Tito Marcus kay Tito Ayano.
"Sa gabi lang." Sagot ni Tito Ayano.

"Mahirap po bang mag-acquire?" Tanong ko sa kanila.
"Madali lang nene. Through practice lang." Sagot ni Tito Marcus.
"Sabi nga po ng leader namin. It can acquire through practice." I replied.
"Oh my God, I kennat Tito." Sabi ni Ate Sakura.
"Tumigil ka nga, may asawa ka na." Saway ni Tito Marcus sa kanya.

Bakit ba sila tumatawa?... Oh my God... bigla akong namula ng magets ko ang sinasabi ni Tito Marcus.
"Nagets na ni Joanna." Tumatawa si Michelle na tinuro ako.
"Tito hindi po iyon." I said though I am super hiyang-hiyang.
"Hindi ba iyon? My God..." Sabi ni Tito Marcus.

Hala grabe... I can't erase the scene... kailangan kong mag confession sa Sunday.

"Si Marie kasi hindi nilinaw." Paninisi pa ni Tito.
"Tarantado ka talaga." Sabi ni Tita Abby kay Tito Marcus. "Nilason mo ang isip ng bata."
"Hindi na bata yan." Katwiran ni Tito.
"Alam na nya yun."

Hindi ko po alam yun.

"May boyfriend ka na ba?" Seryosong tanong ni Tito sa akin.
"Wala pa po."
"Since birth?" Usisa niya.
"Meron naman po noon."
"Ah tamang-tama. Nag-iisa na lang ang binata namin dito." Sabi ni Tito Marcus sabay tapik sa balikat ni Raiden.

"Ano?! Huwag ako Tito." Tanggi niya.
"I love my life."
"Joanna, isama mo mga si Raiden sa Singles for Christ." Sabi ni Tota Abby.
Kinilabutan bigla si Raiden at nangisay sa tabi ni Tito Marcus.
"Kahit tanggalan mo pa ako ng mana, hindi ako sasama." Sagot ni Raiden.

"Huwag kang magbiro ng ganyan kay Bebeng Agimat baka totohanin." Bulong ni Tito Marcus pero narinig ng lahat.
"Saka walang boyfriend yan. Tuturuan ko pa..." Bulong ni Raiden na narinig din ng lahat.

Nakakainsulto to ah.

"Grabe ka Raiden, ang tanong kasi dito kung papasa ka kay Joanna." Hirit ni Star sa kanya.
"Bakit? Ano ba ang wala sa kin?" Mayabang na tanong nito.
"Faith." I replied.
Natingin sila sa akin.
"You don't have faith."

"Aanhin ko yun?" Tanong niya.
"You know the most heart wrenching sight I've seen? It's a non-believer who is praying. Doon mo lang malalaman na hindi lahat kayang gawin ng pera."

"True." Tita Lise and Kenshin agreed.
Raiden snorted. "Try me."
"Alright." Ate Allie replied.

Under the RainWhere stories live. Discover now