Chapter 33- Knights, Shadows, and Pillars

8.7K 399 17
                                    

Raiden

"Nasaan daw siya?" Tanong ni Kenshin sa akin.
Nagpanick kami ng sabihin ni Ate Allie na tawagan ko si Joanna. 
"Marawi," Halos hindi ko mabanggit ang sagot ko.

"Putang-ina. Ano ang ginagawa ni Joanna sa Marawi?" Tanong ni Ken habang palakad-lakad sa harapan ko.
Nilabas ni Kenshin ang phone niya habang frustrated na naghahanap sa contacts. "Tatawagan ko si mommy." He said.

Nahahati ang isip ko kung makikinig ba ako kay Kenshin o kay Joanna.
"Joanna, hello. Please magsalita ka. Please. Are you okay? May tama ka?" Sunod-sunod na tanong ko.  "Wala. Natatakot lang ako." She replied.
Napaupo ako sa isang upuan dahil nanlalambot na ako sa takot para kay Joanna.

After kong makausap si Joanna, hindi na naging normal pa ang tibok ng puso ko. Lalo na ng lapitan ako ni Ken at Lego.
"Hindi ko macontact si mommy. Tara na sa HQ nila. She needs to know na nasa Marawi si Joanna." Ang sabi ni Ken. Tulala ako na nakaupo at namamanhid ang buong katawan.
"Raiden,"
Inalog ni Ken ang balikat ko to gain my consciousness.
"We need to talk to mom,"
Doon parang nagsink in sa akin ang lahat. Nasa Marawi si Joanna and she needs help.

Iniwan namin ang iba sa venue. Kuya Carlos was running with us.
"Sa kotse ko na," Sabi niya.
Nagmamadali kaming pinagkasya ang mga sarili sa kotse ni Kuya at para kaming hinahabol ng demonyo sa bilis ng paandar niya. Wala ng naglagay ng seat belt sa amin.

Sinundan namin si Kuya Carlos papasok ng headquarters ng Knights. Ngayon nalang ulit ako napasok dito. Iniiwasan namin ni Ken ang building na ito. Naalala ko ang mga panahon na muntik ng mamatay si mommy at nakidnap si daddy. Masyadong mapait ang memories.

"Dito,"
Dumeretso si Kuya Carlos sa isang hallway and he opened it like he owned the place. Natingin sa amin ang mga nagmemeeting sa loob.
"Mommy," I called my mom who looks agitated.
"Bakit kayo nandito? Lumabas kayo. Bawal kayo dito." Taboy ni mommy sa amin. They are looking from the table na mayroong digital map. Parang malaking cellphone ang conference table nila.
"Mommy, nasa Marawi si Joanna." I blurted out.
Napatingin silang lahat sa amin. Pati sila Ate Sakura at Xykie na nakaharap sa mga monitors niya.
"Nasa Marawi si Joanna." Pag-uulit ko sa kanila.

"Fucking hell, Red. Call that damn DILG secretary again and I will talk to him. Kapag may nangyari sa bata, ililibing ko siya ng buhay." Sigaw ni mommy.
Pinapasok kami ni Kuya Carlos at isinarado niya ang pintuan. Tito Red looks murderous while waiting for someone to pick up his call. Nakaloud speaker siya habang nakatingin sila sa map ng Marawi sa conference table.

"What is happening?" Bulong ko kay Ken.
"Just don't lose your temper." Sagot ni Kenshin.

"Hello, connect me to your Boss." Sabi agad ni Tito Red sa kausap.
"Sir, busy pa si Secretary Andanar."
"Now," Utos ni Tito Red sa tono na kakatakutan mo.

Nakahold ang call habang nagdidiscuss sila tungkol sa pagpasok sa city.

"Sir, there is a video call for the President that is coming from Marawi City." Singit ni Ate Sakura sa mga nagtatalo sa conference table. Napatingin kami kay Ate Sakura. She presses some few keys and the huge monitor in front of us opened.

"Magandang araw sa iyo, Presidente." Ang sabi ng isang lalaki na mahaba amg buhok at natatakpan ng facial hair ang mukha. Mayroon siyang mga baril na nakasabit sa likod. May mga tauhan siya sa likuran niya at sa likod nila ay isang flag ng Pilipinas na may ekis.

Ito ang mukha ng kaguluhan. Ang mukha ng terorista na nanggugulo sa Marawi ngayon.
"Hindi kayo makakapasok sa Marawi ngayon." Sabi nito at saka tumawa.
"Sa amin ang Mindanao. Iatras ninyo ang mga sundalo kung ayaw ninyong maubos ang mga Kristyano. Isang paalala na hindi ako nagbibiro." Sabi niya.

Nawala ang focus ng camera sa leader at itinapat sa isang taong nakaluhod. Nakatali ang kamay at paa nito. Mayroong lalaki sa likod nito na hawak ang buhok ng nakataling lalaki upang hindi tuluyang mangudngod sa lupa.
"Isang Kristyano kada isang oras." Narinig namin sinabi ng leader.

Isang itak ang itinaga ng lalaki sa leeg ng nakaluhod na tao ng paulit-ulit. Parang manok na nagingisay ang lalaki at sumisirit ang dugo galing sa sugat sa leeg nito hanggang sa mawalan na ito ng buhay. Hindi ko nagawang pumikit man lang. Si Ken at Lego ay napatalikod. Naikuyom ko ang mga kamay ko sa lupit ng nakikita ko. Hindi na sila mga tao. Mga demonyo na sila. At nasa gitna ng kaguluhan si Joanna.

Nawala ang video call sa screen. Natahimik kaming lahat. Nanginginig ako sa takot at sa galit. Pinatay ni Tito Red ang tawag na kanina pa nakahold.
"Get ready, Knights. We will go kahit wala tayong go signal." Utos ni Tito Red.
"Santos, gather all the shadows. King, ilang ang Knights na available?"
"I will go with them, Sir. Kaya na ni Sakura at Xykie na ilead ang Shadows. Kailangan ako sa field." Sagot ni Santos. Ang forever apprentice ni mommy.
"Sakura, call the medics. We will deploy in 15 minutes."

Nagpulasan na ang mga nasa conference table at nagpunta sa isang kwarto. Naririnig namin ang mga nagkakasa ng mga baril. Bumukas ang pintuan at pumasok si Ate Jack na nagtatali ng buhok habang nakasunod si Kuya William at Henry.

"Jacqueline," Pigil ni Kuya William sa kanya.
"I am a Knight before I became a Princess. You have a duty to your people, I have a duty to mine." Sagot ni Ate Jack sa kanya.
The agony on everyone eyes are heartbreaking.
"Let me do this, William. They need me." Ate Kack pleaded to his husband.
Napalunon na lang si Kuya William at wala ng nagawa. "Be careful,"
Tumango si Ate Jack at sumunod sa mga Knights.

Bumukas ulit ang pintuan at pumasok naman si Ate Cailee.
"Umuwi ka, Cailee." Sigaw ni Tito Red.
"Someone called a medic," Sagot ni Ate Cailee.
Nagtaas ng kamay si Xykie at nagtago sa likod ng mga monitor. Siya pala ang tumawag sa pinsan niya.
"Sa labas kami ng Marawi maghihintay, Dad." Ate Cailee assured.
"Sino ang piloto namin?" Tanong ni Ate sa kapatid niya.
Napabuntong hininga si Kuya Carlos. "Tara, Lego. Nasa helipad lang kami." Paalam ni Kuya Carlos kay Tito Red. Sumunod si Ate Cailee palabas kasama nila si Kuya William at Henry. Naiwan kami ni Kenshin na nagmamasid sa mga nagmamadaling mga tao sa head quarters.

Lord, nakikita mo ba? Bakit kailangang mangyari lahat ito?

"Ken, Raiden, umuwi na kayo."
Napatingin kaming magkapatid kay mommy na naka-uniform na ng military. Mayroon siyang mga baril at knives sa mga holster na nakakabit sa kanya at ilang riffles na parang hand bag kung isabit sa balikat. She has a backpack that probably carries more explosives.
"Mommy,"
Ako, bilang mama's boy, ay yumakap sa mommy ko. Itinago ko ang mga luha ko sa balikat niya.
"Whatever happens, huwag kayong susunod. Maliwanag ba?" Tanong ni mommy.
Walang sumagot sa amin ni Kenshin.
"Boys?" Mom used her stern voice and it means she requires an answer.
"Yes, mommy." Mahinang sagot namin ni Kenshin.

"Need to go. Ibabalik ko ang girlfriend mo."
Hinalikan kami ni mommy sa pisngi. 
My phone started to ring and I answer it immediately.
"Joanna,"
"Hindi kami makalabas ng bayan." Umiiyak na sagot niya.
"Hindi daw sila makalabas ng bayan." I told my mom.
"Give me," She murmured and I give her my phone.
"Joanna," Banggit ni mommy sa pangalan niya.

Natingin ako kay Ken. Hindi ko alam kung ano ang kailangan kong hiningin, basta natingin ako sa kapatid ko. He clapped my shoulder na parang sinasabing kaya mo yan, Raiden.
"Magtago kayo hanggang sa makarating kami. Huwag mong iwawala ang kwintas mo. Maliwanag ba?" Utos ni mommy kay Joanna.
"Magpalit kayo ng damit. At huwag kayong sasagot hanggat maari kapag may nagtanong sa inyo. Parating na kami."
My mom gave my phone back.
"Mag-iingat ka, Joanna. Parating na ang mga Knights." I told her.
Napapikit ako sa takot sa boses ni Joanna.

Mom left together with Tito Ace, Tito Marcus and Tito Kyle. Nakasunod sa kanilasila Ate Jack, Kuya Gab, Kiro at Jacob. Nakasunod ang iba pang Knights sa kanila. Mga bagong graduate pa nga yata ang iba. Mas bata pa sa akin kung tutuusin.
"Take care of our family, incase hindi na kami makabalik." Sabi ni Tito Kyle kay Tito Red bago siya lumabas ng pintuan.

Doon ako napaluhod sa lapag. Nanlambot ako sa narinig ko. Pwede nga naman na hindi na sila makabalik. Baka iyon na ang huling halik ni mommy sa akin. This is war at walang ibang matatalo dito kung hindi ang mga nadamay na tao.

Under the RainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant