Chapter 4- So Good

9.3K 393 37
                                    

Joanna

Naman si Dominique... hindi pa ako hinintay talaga.

"Joanna, basta si Raiden ang susundo sayo." Sabi ni Dom sa akin.
"Sino yun?"
"Kapatid ni Ken." Sagot niya sa kabilang line.
"Mga gaano pa ako katagal maghihintay? Nasa may Dunkin Donuts ako. Sa hanay ng...Sogo." Bulong ko kay Dom.
"Hindi naman siguro kasalanan na sabihin mo ang Sogo ng hindi ka bumubulong. Sogo...So Good..." Hirit na naman ni Dominique.

"Paano ko makikilala si Raiden?"
"Singkit." Sagot nito at saka tumawa. "Kahawig ni Kenshin. Halos kasing taas din."
"Teka, parang eto na nga siya... teka wag mong ibababa ang phone mo."

Naglakad ako papunta sa lalaking nakapamewang sa may tapat ng pintuan na akala mop ag-aari niya ang buong building.
"Excuse me,"
Napansin kong kumunot ang noo nito sa likod ng suot niyang shades.
"Ikaw ba si Raiden?"

Hindi siya kumibo. Kumiling lang ang ulo at feeling ko nakatitig siya sa akin.
"Iba na pala ang pick up lines ng mga babae ngayon. Hindi na, have we met?" Sarcastic na sagot niya.
Naku Joanna huminga ka ng malalim...
"Hello, Dominique. Mukhang hindi si Raiden. Medyo hambog eh. Hindi yata iyon ang kapatid ni Kenshin." Nilakasan ko para marinig ni Raiden. Tawa ng tawa si Dominique.
"Si Raiden yan."Sabi niya.

"Ikaw si Joanna..." Parang disappointed pa siya na ako si Joanna.
"Si Dom ba yan? Pakausap nga." Sabi nito. At ang bastos na tao, tinapik ang kamay ko na may hawak na phone. Tumilapon ang cellphone ko na kakabili ko pa lang. Parang slow motion ang lahat na tiningnan kong umangat ang cellphone ko sa ere. Mabilis na sinapo ni RAIDEN ang cellphpone. Napahinga ako ng maluwag bago nagsikip ulit ang dibdib sa inis.

"Hello Dom. Akal ko ba kaibigan moa ng susunduin ko. Eh bakit mukhang bata?" Sabi niya.
Aba, talagang magkakasala ako sa tinamaan na lalaki na ito.
"Sabagay hindi kayo nagkakalayo ng height. Ano ba height mo four-five?" Tanong niya sabay tawa.

Inabot niya sa akin ang cellphone pagkatapos makinig sa sinasabi ni Dominique.
"Five-one and a half ang height ko." Naiinis na sagot ko kahit hindi ako tinatanong. Inagaw ko sa kanya ang cellphone ko.

Tawa nang tawa si Dominique.
"Si Raiden yan, Joanna. You are safe with him." Sabi niya.
"Talaga ba?" Walang ganang tanong ko.
"See you later beshpren." Sabi nito. Tumawa pa ng slight bago pinatay ang phone.

"May nakapagsabi na ba sayo na parang Dora yang pormahan mo?" Tanong ni Raiden sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng Dunkin Donut. Signaling me na lumabas na ako at kumilos.
"May nauna ng magsabi sa akin." I replied.
Tumawa si Raiden na nasa likod ko. "Malamang si Lego." Sabi niya.
Magkakaibigan nga ang mga ito.

Naglakad ako ng mabilis... mabilis sa pamantayan ng mga hakbang ko ng hilahin ni Raiden ang backpack ko.
"Aano ka? Eto lang ang kotse ko." Sabi niya.

Isang itim na Nissan GTR ang nakapark sa gilid ng daan.
"Bilisan mo ng sumakay. Baka mahuli pa ako. No parking dito."

Nagmamadali akong sumakay sa passenger seat. Shockness overload, gaano ba talaga kayaman ang mga kaibigan ni Dominique?
Napatili ako ng slight ng biglang humarurot si Raiden at nagpreno naman agad ng may jeep na nagcut sa kanya sa daan.
"Hoy, tangina mo ka." Sigaw ni Raiden."Kakabili ko lang, gagasgasin mo na agad."

"Mga kamoteng jeepney driver." Bulong nito.

Nagsuot ako ng seat belt at kumapit sa upuan. May makita lang ilang dipang daan, pinapaharurot na agad ang sasakyan. Mas Malala nung nakalabas na kami ng city at medyo maluwag ang SLEX.

Kinuha ko ang rosary sa bag ko at nagdasal. Diyos ko, ang bilis magmaneho nito. Daig pa ang ambulansya.

"Holy Mary, mother of God, pray for us sinners..." Nakapikit akong nagdadasal. Sinasabayan ng kabog ng dibdib ko ang bilis ng pagmamaneho ni Raiden.

Mga ilang minuto pa, naramdaman kong bumagal ang takbo niya. Nagmulat ako ng mata para tingnan kung nasaan na kami.
"Buti naman binagalan mo."
"Kasya naman magdasal ka ng magdasal eh di bagalan ko na lang. Pakiramdam ko demonyo ako kung maka Hail Mary ka d'yan sa upuan." Naiinis na sagot nito.

"Rosary is the best weapon to all evil."
Biglang tumawa si Raiden. Yung tawang nanunuya.
"Sige pa... humor me." Sabi nito.
"You are not a believer, are you?"
He snorted. "I like to think I am a free thinker. I can think whatever the hell I want."

A free thinker... the one who always question the authority like church.

"And your face says I am an evil."
"I didn't said that." I replied.
"Just because I don't believe in your God doesn't mean I am a bad person." Hesaid defensively.
"Wala naman akong sinabi." I replied.
"You don't have to say anything. Churchgoers are the worst people..."
"Church is like a hospital for the broken soul." I murmured softly. "It's not amuseum for good people."

Hindi kumibo si Raiden kaya hindi na rin ako kumibo. Ayaw kong makipagtalo dahil sa paniniwala ko.

Under the RainWhere stories live. Discover now