Chapter 48- Validation

9.7K 467 44
                                    

Joanna

Oh Lord, hindi ako pinatulog ng maayos ng message ko kay Raiden. And although I pretend na tulog na ng magmessage siya sa akin na nakauwi na siya ng condo plus the "iloveyousomuch" na huling text niya, hindi talaga ako nakatulog.

So ngayong nagvi-vibrate ang phone ko, gusto kong umiyak dahil kung kailan nakatulog ako, saka naman ito nag-ingay.
"Hello," Aantok-antok na sagot ko sa phone.
Nanaig pa rin ang kagandahang asal ko kaya sinagot ko na ang tawag. Baka kasi importante. Baka merong may kailangan ng tulong. Baka it's a matte rof life and death ang call.
"Hello pancake,"
Gusto ko na talagang tuluyang umiyak.
"Kakatulog ko pa lang, Raiden. Ang aga mo namang manggising."
"Ako nga hindi pa natutulog. Hindi ako pinatulog ng love you too mo." Sagot niya.

Nagtalukbong ako ng kumot dahil baka kiligin ako ng slight.
"So pancake,"
"Tigilan mo ang kakatawag sa akin ng pancake,"
Natawa ng bahagya si Raiden sa kabilang line.
"Cute naman ah." Pacute na sagot nito.
"Sige na matutulog muna ako, Raiden."
"Okay. Teka, may passport ka ba?"
Malapit ng mawala ang antok ko.
"Meron," Naghihigab na sagot ko.
"Good. Pupunta tayo ng Japan."
Bigla akong napabangon sa sinabi ni Raiden.
"Ano?"
"Pupunta tayo ng Japan." Pag-uulit nya.
"Ano ang gagawin natin sa Japan?"
"May meeting ako, ikaw pwede kang maglibot. Ganun."
Ahh... Tuluyan na akong nilubayan ng antok ko.
"Raiden, nababaliw ka na ba? Bakit mo ako isasama sa Japan?"
"Dahil girlfriend kita saka gusto ko." Sagot niya.

Napatingin ako sa cellphone ko.
"Par, hindi dahil nag-love you too ako sayo eh tayo na. Hindi ganun."
"Bonsai, ganun yun. Nag-love you too ka na kaya tayo na. At huwag mo akong tinatawag na par." Giit niya.
"Hindi kaya."
"Ah, ang tigas ng ulo mo Joanna. Unang araw pa lang natin nag-aaway na agad tayo." Sabi nito.
"Matutulog na ako. Nakakafrustrate kang kausap."
"Hindi ka na matutulog nyan. Kinikilig ka eh." Sagot niya.
Sasakalin ko ito eh.
"Sunduin kita mamaya. Mga 3 o'clock okay ba sayo?"
"Bakit na naman?"
"Kailangan ba ng reason para makita kita? Saka tang-ina tinotoo ni Lego ang sinabi niya. Kinausap nya daw ang nanay ni Rose."
Tuluyan na akong nagising.
"Raiden, iwansan mo ngang magmura."
"Okay, sorry pancake."
"Paanong nakausap ni Lego ang patay?" Naguguluhang tanong ko.
"Kay Ate Allie nga. Basta mamaya, kuwento nila. Engage na sila."
"What?" Napatayo ako sa kama.
"So habang nasa presinto tayo kagabi, yung isa eh nagpropose, -bless his purple heart. Tinanggap naman ni Rose kaya ngayon engage na sila." Pagkukwento ni Raiden.
"Basta sunduin kita mamaya. Saka doon ka na daw matulog sa Country Club. Doon ka na kaya tumira?"

"Tigilan mo ako, Raiden. Kay aga mo akong binigyan ng chismis tapos sesegway ka na doon ako tumira. Pambili nga ng phone kailangan ko pang pag-ipunan, yung pang-upa pa kaya? Eh kape lang dun kapresyo na ng isang linggo kong allowance sa pagkain." Litanya ko sa kanya.
"Speaking of phone, huwag kang magagalit pancake pero binilan na kita."
"Malapit na akong umiyak sa frustration sayo, Raiden. Hindi ko kailangan ng bagong phone."
"Gusto lang kitang bigyan, Joanna."
"Ayaw kong magmukhang pera lang ang habol sayo." Naiinis na sagot ko.
"Alam ko naman na katawan ko ang habol mo pero hindi na nila kailangang malaman yun." Biro niya. Natatawa siya sa kalokohan niya.
"Bonsai, wala akong pakialam sa sasabihin nila ang neither should you. Kilala kita, kilala ka ng family ko at hindi ba iyon ang mas importante kaysa sa sasabihin ng ibang tao?" Bigla siyang naging seryoso sa kabilang line. A lump formed on my throat. Ang aga naman akong papaiyakin.
"Sige na pahinga ka na. Sunduin kita ng 3pm. Magdala ka ng gamit mo. Mahabang chismisan na naman mamaya."
"Okay," I replied softly.
"Love you," He said.
"Love you too," I replied.
"Shit, kinikilig ako. Okay, bye."
Bigla siyang nawala sa kabilang line. Napapailing akong humiga ulit.

"I surrender to you oh God. Whatever Your will, I will follow." I murmured alone.
Naidlip akong may ngiti sa labi.

Nasa bahay kami nila Tita Yumi at nagkalat ang mga ribbons at swatches at magazines. Abalang-abala si Tita Yumi na parang siya ang ikakasal. Si Rose, napapatulala at hindi makahirit ng time out sa mother-in law to be nya.
"Sino ang maghahatid kay Rose sa altar?" Tanong ni Tita Yumi habang may hawak na tablet.
"Si mommy daw, Tita." Sagot ni Kenshin.
"Lego, awatin mo si Tita Yumi." Bulong ni Rose.
"Hindi mo maawat yan, cookie." Sagot ni Lego.
"Okay, noted na iyan." Sagot nit Tita Yumi.
Natatawang nailing si Tita Bella at Tita Merjie.
"Alam mo na, Star. Kapag ikaw ang ikinasal, baka 2 days lang nakaprepare na lahat." Tukso ni Tita Merjie.

"Rose, ilang tier ang cake na gusto mo?" Tanong ni Tita Yumi.
"Uh... tatlo po?" Hindi siguradong sagot ni Rose.
"Make it five tier." Sagot ni Tita at nagtype ulit sa tab niya.
Tawa kami nang tawa pati si Tita Bella at Tita Mejie. Si Tita Yumi rin ang nasunod, oo na lang si Rose at Lego.

"Teka mga pre, maiba ako. Di ba kapag nag loveyou too ibig sabihin kayo na?" tanong ni Raiden sa bong tropa.
Ah grabe, nakakahiya. Namula yata ako. Kasing pula ng ribbon na hawak ni TitaMerjie na pilit binibigay kay Tita Yumi na ayaw namang tanggapin ni Tita Yumidahil sino daw ang may gusto ng red sa kasal?
"Yeah," Sagot ni Mitch. "It's like a yes, tayo na. Ganern."
"Sabi sayo eh, pancake. Di ba? Girlfriend." Pang-aasar pa ni Raiden sa akin.
"Oy, nag love you too na ba?" Tukso ni Star.
"Recorded pati ang time." Tinaas pa ni Raiden ang cellphone niya.

"So, kailan ang kasal nyo?" Tanong ni Tita Yumi.
"Malapit na Tita. Relax lang. Busy ka pa kay Lego." Biro ni Raiden kay TitaYumi.
"Tapos na ako kay Lego. Sino na ang next?" Sagot ni Tita Yumi.
Natingin kaming lahat kay Kenshin.
"Kami Tita, bago magleap year." Sagot ni Ken. Aba, mukhang seryoso sila.
"May isang taon ka pa, Raiden. Bawal ang sukob." Comment ni Tita Yumi.
"Chinese nga pala si Tita, naniniwala sa ganun. Isang taon pa, Bonsai."
Napadukmo na lang ako sa unan. Pangit daw kasi akong kiligin kaya itatago ko nalang.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon