Chapter 18- Hallelujah

8.5K 386 17
                                    

Joanna

After ng conference, tinulungan na kami ni Raiden na magligpit ng mga musical instrument na ipapauwi pa papuntang Quezon City. Nakikitulong din sa amin si Jay at ang asawa niya.

"Sis Jo, sasabay ka ba samin umuwi?" Tanong sa akin ng kasamahan ko.
"Anong oras ba kayo aalis bukas?" Tanong ko naman.
"Uy, may lakad tayo." Paalala ni Raiden.
"Tuloy ba iyon?" Tanong ko naman.
"Oo naman. Aalis tayo ng 4am bukas." Sagot ni Raiden.
"Oyyyy, saan ang punta nyo?" Tukso ng mga kasama namin.
"Sagada." Raiden replied.
"Sama kami?" Pang-aasar ng isa sa vocalist.
"Next time. Kami muna." Nakangiting sagot ni Raiden.

"Maaga ang alis ng bus papuntang Sagada." Singit ni Jay sa usapan. Ramdam kong naiilang ang asawa niya na nandito ako.
"Okay lang pre, may dala akong sasakyan." Sagot ni Raiden. "Hindi kasi ako marunong magcommute."

"Pre, matanong ko lang. Ano ang trabaho mo?" Curious na tanong ng drummer namin.
"COO ng Fujihara Group of Companies." Simpleng sagot ni Raiden.
Nahinto ang mga kasama ko sa pagtatangkap ng gamit. Pati si Jay at asawa nito, natingin sa kanya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Raiden sa kanila.
"As in?" Usisa nila.
Naikot ang mga mata ko at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga cables na ginamit.
"Kami ang may-ari noon. Actually, inheritance lang namin na magkakapatid." Paliwanag niya.

"So...you are a millionaire?"
Hindi sila makapaniwala? Mukha bang mahirap si Raiden?
"Billionaire," Bulong ni Raiden na ako lang yata ang nakarinig.
Eh di ako naman ang napatulala.
"What? Parang bago ka ng bago... Natutulala ka pa." Sabi niya sa akin.
"Hindi ko naman alam." Katwiran ko.

"Sobrang yaman mo pala." Sabi nila kay Raiden.
"Hindi naman. In terms of net worth, mas mayaman ang mga Sebastian." Sagot niya.

"Di ba Jay, sa Fujihara ka nagtatrabaho?"
Natingin si Raiden kay Jay at tumaas ang kilay nito bago nagligpit ulit.

Nagpaalam kami sa kanila ng matapos kami. Naghiwa-hiwalay na kami ng lakad.
"Kain tayo, nagugutom ako." Sabi ni Raiden habang naglalakad kami. Malapit lang daw ang hotel niya dito.
"Lagi kang gutom." I commented. Grabe ang ginaw. Hindi kaya ng manipis na blazer ko. Nanginginig akong niyakap ang sarili.
"Naman bonsai, alam mong nasa Baguio tayo, feeling mo nasa office ka lang sa suot mong blazer." Pangaral ni Raiden. Hinubad nito ang jacket niya at pinatong sa balikat ko. Syempre lumubog ako sa jacket niya at tumawa niya.

"Hindi ka giginawin?"
"Sanay ako sa aircon." Sagot ni Raiden.

"Joanna, may tatanong ako. Pwede mong sagutin kung ayaw mo, pero curious ako at mapupuyat ako kapag hindi mo sinagot so nasa kunsensya mo na iyon kung pagmamanehuhin mo ako ng puyat bukas." Pasakalye ni Raiden, ang haba ah. May pagbabanta pa. Natatawa akong hinintay ang tanong niya.
"Anong chismis na naman ang gusto mong malaman?"
"Ano ang kinamatay ng nanay mo? Pero huwag kang umiyak ha! Naubos nyo na ang tissue sa toilet kanina."
Natatawa akong sumagot. "Lung cancer."
"Naninigarilyo ba siya?"
Umiling ako. "Second hand smoker. Ang tatay ko ang naninigarilyo."

"Pero bakit ang pangit mo sa picture na pinakita mo kanina?"
Napatawa ako ng malakas. Grabe talaga siya.
"Sino ba ang may sabing maganda ako?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Okay naman itsura mo. Hindi pang model sa ganda at tangkad. Pero mabait ka naman."
"Wow ha. Hindi ko alam kung nilait mo ako sa mga sinabi mo." Natatawang sagot ko sa kanya.
Natawa rin si Raiden. "Hindi. Compliment yun." Sabi nito.

"Hindi ka ba hahanapin sa bahay ninyo?"
"Taena naman, ang tanda ko na para hanapin pa. Saka nagpaalam ako kay mommy. Malalaman niya naman kung nasaan ako kahit hindi ako magpaalam. May tracket ako sa katawan." Sagot ni Raiden.
Ahhh. "Yung parang chip sa mga dogs na mahal?"
"Oo parang ganun pero tao ako hindi dog." Sarcastic na sagot niya.

"Another question, bonsai. Bakit mo talaga tinulungan si Dominique without asking anything?"
"Mahirap mawalan ng mahal sa buhay, Raiden." Simula ko sa mahabang paliwanag.
"Wala ka doon noong una kong makita si Dom at Ken. Kung makikita mo lang ang kapatid mo ng araw na iyon... parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Noong panahong wala akong magawa kung hindi panoorin si nanay. Hindi ko nasave si nanay noon dahil wala kaming pera. Out of school youth ako. Si Tatay naman," Huminga ako ng malalim. Ang pait isipin ng ginawa ni tatay.
"Sinisisi nya pa si nanay kung bakit nagkasakit. Kaya noong sinabi ni Dom na ako lang ang pag-asa niyang mabuhay, bakit ko naman ipagkakait iyon sa kanya? Hindi naman ako mayaman para makatulong sa marami. In my small ways, I want to save lives. Or kahit isa lang... Masaya na ako na nailigtas ko si Dominique."

Tiningnan ko si Raiden sa gilid ng mga mata ko. Nakikinig naman siya.
"I want to change lives not because I insist it to them but because they see me as a good example. I want to live my life with a purpose. Iyon lang ang maiaambag ko sa community."

"May balak ka bang maging madre? O santo?"
Natawa na naman ako. "Baka madre."
Raiden snorted.
"Pwede akong magmadre. Tapos nasa choir ako. Tapos kakanta ako ng... Hallelujah...Hallelujah...Hallelujah...Hallelujah" Kumanta ako habang naglalakad kami.

Well I've heard there was a secret chord
That David played and it pleased the Lord
But you don't really care for music, do you?
Well it goes like this:
The fourth, the fifth, the minor fall and the major lift
The baffled king composing Hallelujah


"Huy, baka akala umiiyak ka na naman." Siniko ako ni Raiden para tumahimik.
"Maganda naman ang kanta ah."
"Wala naman akong sinabing pangit." He replied.
"Saka hindi ko naman sinabi na pangit ka kanina. Yung picture lang."

Naiiling akong sumunod na lang sa kanya na maglakad.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon