Chapter 37- Pagtakas

7.8K 350 14
                                    

Raiden

Nagulo ang buong bayan ng Marawi ng sumabog ang isang building. Kahit anong pilit ko na hanapin ang blue dot ni Santos sa screen, hindi ko na makita.

"Kiro, there are civilians going to your side." Ate informed.
"May mga rebelde na humahabol sa kanila."
"Kuya Gab, behind you." Sabi naman ni Xykie.

Tunog na ng mga baril ang naririnig ko sa background. Busy na ang mga shadows sa pagbibigay ng location sa mga Knights. Without the Shadows, mahihirapan ang mga Knights sa dilim ng paligid. Kitang-kita naman sa camera nila na wala ng power sa Marawi.

Mayroong mga sundalo na nakakasalubong ang mga Knights. Some tried to bring them down. Wala daw orders na magpunta sila doon.

When my mom's team encountered those kinds of military, the ones who followed orders from their commanding officer, my mom lost her coolness.
"Abby," Sigaw ni Tito Red habang nakatutok ang baril ni mommy sa mukha ng leader ng platoon na nakasalubong nila. The whole platoon pointed their gun at my mom.
"Sabihin mo sa commanding officer ninyo na hindi kami aalis hanggat hindi namin nauubos ang mga animal na rebelde na pumatay sa kapatid ko. At sabihin mo rin sa magaling mong amo na nasa gitna ng syudad ang anak ko. Kung gusto nyo akong paalisin, baka kalahati sa inyo ang mawala bago ninyo ako mailabas ng Marawi. Sabihin mo, ngayon na." Sabi ni mommy.

Hindi kami humihinga ni Ate sa nakikita namin. Kahit na madilim ang paligid at iilang flashlight lang ang nakabukas, kitang-kita ang galit sa mukha ng mommy ko. Nagradyo ang isang sundalo sa commanding officer nila.
"Sino ang putang-inang naghahamon sa inyo?" Tanong ng commanding officer nila.
My mom motioned to give her the radio. Sa talim ng tingin ni mommy, inabot ng sundalo ang radio sa kanya.
"This is Agent Abby Fujihara of Knights of the Leaders, ang putang-inang naghahamon sa platoon mo." Bungad ni mommy sa radio.

"Ano ang ginagawa ng Knights sa Marawi?"
"Try another question. Masyadong lame ang demonyong tanong mo." Sagot ni mommy sa kausap.
This is happening habang nakatutok ang baril nila sa isa't-isa.
"Babalaan kita kung sino ka mang hudas ka na nagtatago sa likod ng radio habang nasa giyera ang mga tauhan mo. Nasa gitna ng syudad ang anak ko at bihag. My brother sacrificed his life just a while ago. Subukan mong harangin ang Knights, pati ikaw madadamay sa mga rebelde na kanina pa namin pinapatay. Mamili ka."
"Irereport ko kayo sa Presidente."
"Maghihintay kami." Sagot ni mommy. Binato niya ang radio sa sundalo.
"Move," She commanded the soldiers.

"Sir?" Tanong ng sundalo sa radio nila.
"Alright men, move. Iisa ang kalaban natin. Sa huli kami mag-uusap ng mga Knights." Sagot ng commanding officer ng Military.

"Sakura, gaano pa kalayo si Joanna?" Tanong ni mommy.
"Not far from your location, two kilometers, more or less. Tito Kyle is securing the west side."
"Highway is clear. Civilians can now move." Tito Ace radioed.
"I have civilians on my side, we are heading the highway. Militaries are escorting them." Sagot naman ni Tito Marcus.

"Knights, secure the house perimeter. We need to get Joanna out before we hunt the rebels." Utos ni Tito Red.

It's already four in the morning. We haven't sleep, the Knights are restless. Fighting to survive, fighting for the freedom of Marawi. Each step that the Knight take is another step towards the heart of war. Marami ng bahay ang nasusunog. Military forces are already inside, they are evacuating the civilians. Some people don't want to go with the military, others are trying to snatch their weapons to protect themselves. The whole Marawi is in chaos.

"Turn right at the corner. You will see a house with low fences." Ate informed mommy's team.
"Someone is at the back of the house. Tito Marcus, clear the perimeter." Xykie commented.

Habang palapit sila ng palapit sa bahay, patindi ng patindi ang barilan sa paligid. Hindi ko na makacontact si Joanna kanina pa. Puro tama na ng bala ang paligid ng bahay.

"Joanna," Bulong ko.

"Area is clear. Magbabantay kami sa labas. Pumasok na kayo, Abby." Sabi ni Tito Marcus sa radio.

Nakabantay sa likod ni mommy si Kiro habang kumakatok naman si mommy sa pintuan.
"Joanna," Sigaw ni mommy. "Buksan nyo ang pintuan."

Ilang segundong nakatayo sila mommy sa pintuan. Kinakabahan ako na baka may nangyari na sa loob kaya wala ng tao. Binaril na ni mommy ang door knob at sapilitang binuksan ang pintuan.
"Joanna," Sigaw ulit ni mommy bago pumasok. Nakatukot ang baril nila ni Kiro sa loob ng bahay.

Madilim sa loob. Sarado ang mga bintana. Tanging mga butas sa pader ang maaanigan ng liwanag.
"Joanna," Sigaw ulit ni mommy.
"Tita Abby?"
Mahina ngunit dinig ko ang boses ni Joanna.
"Nandito kami, Joanna." Sagot ni mommy.
Binaba ni mommy ang baril niya pero hindi si Kiro. Nakasunod din kay mommy si Kuya Gab. Alert sila ni Kiro lalo na ng ibaba ni mommy ang baril niya.

"Tita? Kayo po ba iyan?" Paniniyak ni Joanna.
Nanginginig ang boses niya na nakatago sa dilim. Nakatayo si mommy sa gitna ng bahay at hinintay si Joanna na lumabas. Noong una ay silhouette ng isang Muslim ang nakita ko sa body camera ni mommy until Joanna appeared in front of her wearing a muslim dress.

Napahinga kami ng malalim ni Ate.
"She's safe." Bulong ni Ate sa akin.
Niyakap ni mommy ng mahigpit si Joanna na iyak nang iyak. Ako man ay tumulo muli ang luha.
"Tahan na. We need to get out of here. Nasaan ang mga kasama mo. Kailangan nating magmadali. Ngayon na."

Under the RainWhere stories live. Discover now