Chapter 16- Panyo

8.4K 426 44
                                    

Joanna

Maaga ang call time namin kinabukasan. Five am pa lang nasa venue na kami. Pagdating ko sa venue, nandoon na ang iilan sa mga Music Ministry na kasama ko.

"Nasaan ang manliligaw mo?" Usisa nila after namin magbatian.
"Sinong manliligaw? Si Raiden?" Natatawang tanong ko.
"Hindi ko manliligaw yun. Ineencourage ko lang sumama." I replied.
Ang mga tukso sa paligid, kay aga-aga.

"Gwapo ah."
"Japs." I replied.
"Uy, hindi tinatanggi na gwapo ang kasama nya." Tukso nila.
"Hala. Ang sabi ko JAPS. Japanese." Paliwanag ko.


Kinakabahan talaga ako sa sharing ko na ito. Nananahimik ako sa gilid at nagdadasal ng magtawag ang event team na last meeting bago buksan ang venue. Pinakadiin nila na magstick sa oras na allotted. Ang hirap nun lalo na kung ang haba ng kailangan mong sabihin.

Bandang 7:30 am ng tumawag si Raiden sa akin.
"San ka?" Inaantok na tanong niya.
"Nasa venue na." I replied.
"Ang aga mo naman. Anong oras ba ako kailangang pumunta?"
"Eight." Sagot ko.
"Kumain ka na?"
"Lugaw."
He snorted. "Nandito ako sa labas. Paano pumasok? Ang daming bantay."
"Nasa labas ka na?" Nagmamadali akong lumabas ng venue.
"Oo at ang daming tao. Paano kita makikita? Nandito ako sa registration area."

"Palabas na ako. Wait lang." I replied.
"Tumalon ka para makita kita."
"Funny."
Pero natetempt akong tumalon ng makalabas ako. Sobrang dami nga ng tao. HInanap ko ang registration area. Natanaw ko doon si Raiden na nakatayo at may hawak na paper bag.

"Hindi mo sinabing may uniform." Sabi niya sa akin.
Hindi ka naman bumili ng t-shirt.

"Okay naman ang suot mo." I reply instead.
Para ka ngang sa party pupunta.
"Okay na ba ang simple lang?" Tanong niya.
Simple daw...
"Fishing compliment ka na naman."
Ngumisi si Raiden. Kalokohan talaga nito.
"Breakfast mo. May star margarine para tumangkad ka."
Inabot niya ang paper bag na dala niya sa akin.
"Bilisan mong kainin habang mainit ang pancake." Paalala niya.

Tinakas ko si Raiden para makapasok na kami sa loob ng venue. Ang mga tinginan ng mga kasama ko ng makita si Raiden, hay Lord. Tutuksuhin na naman ako ng mga ito.

"Hanggang anong oras tayo dito?" Tanong ni Raiden habang nakaupo kami sa tapat ng Music Ministry na upuan. Bawal kumain sa dito kaya patago ang pagsubo ko.
"Hanggang 7pm."
"Ganoon katagal?" Angal niya na ikinatawa ng mga kasamahan ko.
"Hintayin mo, magsha-sharing si Sis Jo."
"Really? Bakit hindi mo pa kinuwento kagabi?" Nang-aasar na tanong ni Raiden.
"Para pumunta ka dito. Alam ko namang makikichismis ka lang sa buhay ko." I replied na ikinatawa niya.

Nagsimula ang program sa Prayer and Worship. Nasa gitna kami ng stage at isa sa mga kasama ko ang worship leader. Nagthumbs up si Raiden sa akin ng matingin ako sa kanya habang kumakanta kami. Second sharer ako. After ng first talk, may isang family ang magshare kung paano nila natagpuan si Jesus during their darkest days.

Tahimik si Raiden habang nakikinig sa sharing. Awang-awa ako sa sinapit ng pamilya na ito. They lost everything, from stable job ng tatay, to scholarship ng mga bata sa school dahil hindi nakakapasok dahil nga walang work ang tatay nila. Then their mother becomes ill. Their family was torn apart when their youngest son found a bible sa basurahan. And he started reading it, aloud sa bahay nila. That's how they found their peace and their way back to Jesus. Pinigilan kong umiyak dahil ako ang susunod na magsasalita.

"Uy, okay ka pa?" Bulong ni Raiden sa akin.
"Sus, kinakabahan ako."
"Bakit naman? Ngayon ka nga dapat hindi kabahan. Imagine mo kapag nagkamali ka, mapapatawad ka agad nila." He replied. I know it's supposedly a joke but it made sense.
"Thanks." I replied.

Sunod akong tinawag after makababa ng family sa stage. Napangiti pa si Raiden ng tumayo ako at naglakad paakyat sa stage.

"Good morning, brothers and sisters in Christ. I am Sister Joanna Fate Philips from SFC National Council." Pagpapakilala ko.
"I actually volunteered to have a sharing today as I haven't talked about this in like... forever." I started.
"Last week as I am scanning my old things, I found a photo album inside my mom's luggage."
Nagflash sa screen ang mga picture ko noong bata. Natingin ako kay Raiden dahil alam kong tumatawa siya.
"Noong nakita ko ang isang picture, talagang napatanong ako ng, Joanna, ano ang pinaglalaban mo dati?" Nagflash ang isang picture ko na hindi ko akalain na ako talaga. Ang pangit kasi.
Again, natingin ako kay Raiden na tawa nang tawa sa upuan niya. Nagtatawanan din ang mga audience ko. Promise ang pangit ng nasa picture.

"I mean, kung ako ang nanay at makikita ko yang tao na iyan na leader ng YFC, malamang hindi ko ipagkakatiwala ang anak ko." Nagtawanan ulit ang mga audience ko.
"That was me before I found my way. If I am not mistaken, I was 15 or 16 years old at that time. And it's the same year when I found out that my father was having an affair and I have a half-sister already." Natahimik ang lahat. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

"So basically, my father left my mother and my older sister left the house and build her own family. So it was just me who left with my mother. My mom was a very religious person. She always prays... pray siya ng pray. Pinagdadasal niya siguro ako dahil hindi ako naniniwala sa mga pinapaniwalaan niya. At mas lalo akong lumayo sa Panginoon noong nalaman kong may cancer si nanay."

"I questioned her faith. On why of all people bakit ang nanay ko? Ang nanay ko na madasalin. Mahilig magrosary, magbasa ng bible. Bakit hindi ang mga masasamang tao na lang? Why that God wanted me to suffer?" Nangilid ang luha ko.
"At sa dami ng tanong ko, walang isinagot si God. I saw my mom slowly die. And every day, I curse that God why He is taking away the only person who loves that girl at the picture." Tinuro ko ang pangit na picture ko na nasa sceen pa rin.

"One my mother's death bed, I ask her: Nanay, bakit ka pa nagdadasal eh hindi ka naman pinapakinggan? Hindi ka nga gumagaling?" Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.
"Ang sabi ng nanay ko, hindi ang paggaling ang pinagdadasal ko kung hindi ikaw. Dahil maiiwan kita at hinihiling ko na gabayan ka Niya." Doon na tumulo ang luha ko.
"Ang sabi pa ni nanay: Joanna, ang isang teacher, hindi yan kumikibo kapag nasa pagsusulit ang mga student niya. Magsasalita lang ang teacher kapag nagtaas ka ng kamay at humingi ng tulong niya."

"Alam nyo po ang pakiramdam na walang matakbuhan? Yung wala kang malapitan kahit ang daming taong pwede mong puntahan? Iyon ang pakiramdam ko noong hawak ko ang kamay ni nanay at binitawan niya ang huling hininga niya. At doon ko naramdaman na mag-isa na lang ako kahit mayroon pa akong kapatid at tatay. And in that moment, for the first time, I called the name Jesus in my mind. I said, Help me. Hindi ko na ito kaya."

"Few minutes passed, mayroong kumatok sa pintuan. Isa po siyang nurse na member ng CFC and when she looked at me and my lifeless mother, she utter a prayer. Maniniwala po ba kayo na habang nagdadasal ang nurse, pumasok ang mga SFC at bigla na lang akong naiyak sa kanila? Long story short po, wala akong pera na pampalibing kay nanay. My father turned his back on us and didn't help us on her hospital bills. Ang SFC ang nagtulong-tulong na mapalibing ang nanay ko kahit hindi nila ako kilala. And after that incident, my life turned 180 degrees. From that girl on the picture, the Lord turned me into this. A living proof that God loves us. All we need to do is ask. And if ever our prayers haven't answered, remember that He is not closing His door to us but rather directing us to another path. He will not abandon us. He didn't abandon me when I was a non-believer. And for that, my God be praised."

I heard applause from the audience as I took my seat beside Raiden who is too silent. Naghahanap ako ng tissue sa bag ko dahil naiiyak pa rin ako ng abutan ako ng panyo ni Raiden.
"You are such a strong woman." He said na lalong nagpaiyak sa akin. 

Under the RainWhere stories live. Discover now