Chapter 21- Basang-basa

8K 356 22
                                    

Raiden

"Hindi ko expected na magspelunking tayo." Reklamo ni Joanna. Hirap na hirap siya sap ag-akyat sa mga bato.
"Ang lamig-lamig ng tubig, Raiden."
Natatawa akong naglakad papasok pa ng cave kasama ang tour guide namin.

Lumusong kami sa napakalamig na tubig ng kweba. Although walang hanging para ginawin kami ng sobra, si Joanna panay reklamo sa tuwing lulusong sa tubig.
"Mababaw lang." Sabi ko sa kanya.
"Sa iyo mababaw." Sagot niya. Humakbang siya palapit sa nakalahad kong kamay ng bigla siyang lumubog hanggang leeg.
"Tulong..." Sigaw niya.
Natatawa akong lumapit sa kanya at hinila sila palayo sa malalim na parte.


"Hindi ka ba marunong magpalutang man lang?" Natatawang tanong ko.
"Malamig ang tubig." Sagot niya. Nanginginig siyang napaupo sa isang bato.
"Hindi ka mahilig sa malamig na panahon, ano!" I stated. Hinubad ko ang scarf na nasa leeg ko at binigay sa kanya. Pati ang waterproof jacket na suoot ko pinasuot ko na rin sa kanya.
"Paano ka pupunta ng Japan?"
"Wala akong balak magpunta ng Japan." Nanginginig na sagot niya.


Naupo ako sa tabi ni Joanna. Nanginginig talaga siya. Naririnig kong nagchachattering ang mga ngipin niya.
"Tara balik na tayo sa labas." Yaya ko sa kanya.
"Sandali... hindi pa ako makagalaw." Sagot niya.
Lumapit sa amin ang tourguide namin dala ang coleman lantern.
"Ano ang nangyari, Boss?" Tanong ng tour guide.
"Gininaw eh." Sagot ko. Napakamot ng ulo ang tour guide.

"Pwede naman nating iwan si Maam dito. Hindi naman siya mawawala, wag lang siyang aalis. Balikan na lang natin kapag narating na natin ang dulo ng kweba." Suggestion ni Kuya.
Gusto kong marating ang dulo... pero hindi ko kayang iwan si Joanna na mag-isa dito.
"Hindi na lang. Painitan muna natin si Joanna bago tayo bumalik palabas." Sagot ko.
Tinapat ng tour guide ang lantern kay Joanna. Nararamdaman ko ang init mula sa gasera.
"Ayan, para ka ng sisiw na pinapainitan." Biro ko sa kanya. Nangiti lang si Joanna at tinapat ang dalawang kamay sa gasera.


Lumabas kami ng kweba ng kaya ng tumayo ni Joanna ng hindi nangangatog. Paglabas namin, naramdaman ko na ang ginaw dahil sa ihip ng hangin. Nagtatakbo kami ni Joanna paakyat ng hagdanan papunta sa jeep na inarkila namin. Kinuha namin agad ang towel na binilin ng receptionist sa hotel na tinutuluyan namin na dalin bago kami umalis.

"Tangina, ang ginaw." Napasigaw ako sa ginaw. Yung tubig na malamig kaya ko pa. Pero yung ihip ng hangin habang basang-basa ako ng tubig na parang galing sa freezer, mapapamura ka talaga.
"Paano ka pupunta ng Japan?" Biro ni Joanna. Mayabang ka, nasa iyo ang jacket at scarf ko.
"Kuya, pakibilis. May heater ba ang jeep mo?" Sigaw ko sa driver na ngumunguya ng nganga sa tabi ng daan.
Natawa si Joanna. "Saan ka nakakita ng jeep na may heater?"
"Walang heater ito? Sana yung kotse ko na lang pala ang dinala natin." I said out of frustrations.
Tatawa-tawa ka d'yan. Kanina muntik ka ng maging bola ka sa kakayakap sa tuhod mo.


Pahirap ang pabalik sa hotel. Pumapasok sa jeep ang lamig ng hangin. Nanliliit lahat sa akin. Tangina, lahat nagshrink.

"Tawa ka pa d'yan." Naiinis ako at tawa nang tawa si Joanna.
"Wala. Masaya lang. Thank you."Sagot niya.
Paghinto ng jeep sa tapat ng hotel, kumaripas ako ng takbo. Iniwan ko si Joanna na hindi makababa dahil nakabalot ng tuwalya.
"Hoy Raiden, yung bayad." Sigaw niya.
Oo nga pala. Bumalik ako sa jeep at inabot kay Manong ang bayad.
"Balik po kayo kapag kulang. Giniginaw na ako." Nagtatakbo ulit ako papasok sa hotel.
Ang baba ng ulap, ang lamig ng hanging tapos basang basa pa ako sa kaloob-looban ng underware ko.


Itinodo ko ang hot water at saka naligo. Bahala ng mapanot sa hot water,matanggal lang ang ginaw sa katawan ko. Nang nainitan na ako, bumalik na sadating size ang lahat.

Kakatukin ko sana si Joanna sa kwarto niya ng makita ko siyang nakaupo na saisang gazebo na may bonfire sa gitna. Naisipan kong bumaba na lang at samahansiya. Halos matakpan ng ulap ang buong paligid. Sarap sigurong tumira dito.

"Bilis mo naman. Naligo ka ba?" Tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at inabutan ako ng isang mug ng kape.
"Thank you." I told her.
"Unlike you, mabilis lang akong maligo. Ano ba ginagawa mo sa toilet ang tagalmo?" Tanong niya. Muntik ko ng maibuga ang kape.
"Gusto mo talagang malaman?" I challenge her.
Nanlaki ang mata niya at umiwas ng tingin sa akin.
"Malisyosa ka." I murmured.

"Kailan tayo uuwi?" Tanong ni Joanna habang nakatingin sa apoy.
"Gusto mo ng umuwi?"
Umiling siya. "Gusto ko nan gang magpaiwan dito. Sobrang peaceful." Shereplied.
I hide my smile behind my cup.

Napatingin si Joanna sa hawak niyang phone na nagsimulang magring.
"Hello,"
Napatingin muna siya sa akin bago tumayo at naglakad palayo. At dahil medyozero visibility na ang paligid dahil sa ulap at chismoso ako lumapit ako kayJoanna.

"Jay, tigilan mo na ako." I heard her said.
"May asawa ka na. Doon ka sa asawa mo." Dagdag niya pa.
Aba... something is fishy.
"That's not the point. Wala kang karapatang itanong kung kami ni Raiden orhindi. Wala ka ring karapatan na pangaralan ako sa premarital sex when it wasyou who cheated sa ating dalawa. You know what, I will block you na lang. Hindiako magiging kabit mo... ever."
Ngayon ko pa lang narinig na manggalaiti si Joanna sa galit.

Ipahanap ko nga yang Jay na iyan at ipasesante.

Pabalik na si Joanna sa gazebo at hindi niya ako napansin na nakatyo sa dadaanan niya. Nakayuko siya at nakatingin sapathway ng nauntog siya sa dibdib ko.

"Nakikinig ka sa usapan namin." She stated.
"Yup. At kapag tumawag yang tarantadong ex mo ulit sayo, sabihin mo maghahanapna siya ng trabaho niya. ASAP." I replied. 

Under the RainWhere stories live. Discover now