Chapter 8- Detour

8.6K 410 27
                                    

Joanna

Kung makatanga 'tong si Raiden akala mo naman alam niya ang pinagdaanan ko. Sinundo lang ako kanina, feeling niya alam na lahat sa akin.

"Huwag mo na lang pansinin si Raiden." Bulong ni Star sa akin.

Hindi ko na nga pinapansin pero ako naman anglaging piangtitripan.
"Sa bahay ka matulog." Yaya ni Dominique sa akin.
"Hindi ka uuwi. Gabi na." Saway ni Kenshin sa kanya.
"Doon ka matulog sa kwarto dati ni Ate."

"Paano si Joanna?" Tanong niya.
"Uuwi ako."
Umaasa akong may makakaalala ng birthday ko.
"Ihatid na lang natin." Pamimilit ni Dom. Ang kulit.
"Kaya kong umuwing mag-isa." I replied to her.
"Si Raiden na lang ang maghatid sa kanya. Para malayo sa babaeng umaaligid na naman." Sabat ni Tita Abby.

"Sasama ako." Pilit ni Dom.
"Hindi na." Sagot naming lahat sa kanya.
"Malaki na ako. Kaya ko na."
"Saan banda ka malaki? Mukhang maliit naman lahat sayo." Sabat ni Raiden.

"Ingatan mo si Joanna." Bilin ni Dom sa kanya.
"Hindi pa ako umooo na ako ang maghahatid ha."
"Mommy, ayaw ni Raiden sumunod." Sigaw ni Ate Sakura.
"Heto na nga eh. Bakit kasi walang driver eh. Daming tauhan sa Japan hindi naghire dito." Reklamo ni Raiden.
"Halika na nga Dora." Nagdadabog na lumabas si Raiden ng bahay nila.

Tatawa-tawa si Kenshin at Dominique.
"Napagkaisahan na naman si Raiden." Bulong ni Dom.
"Sige na aalis na ako. Message ko kayo kung buhay akong makakuwi sa bilis magmaneho ng kapatid mo. Thank you sa surprise party at sa mga gift."
"Ingat kayo. Happy birthday ulit." Yumakap muna si Dominique sa akin bago ako pinakawalan.

Tahimik akong sumakay sa kotse ni Raiden. Hawak-hawak ko ang cellphone ko at nagbabakasakaling may tumawag. Baka sakaling maalala ni papa na birthday ko ngayon.

"Saan ka ba nakatira?"
"Mandaluyong." Maikling sagot ko.

Panay pa rin ang tingin ko sa phone ko. I tried to restart baka lang kasi walang signal, ganun... baka hindi nila ako macontact.

"May hinihintay kang tawag? Bakit hindi mo kaya tawagan para hindi ka mukhang praning na laging nakatingin sa phone mo." Suggestion ni Raiden.
Huminga ako ng malalim at hinanap ang number ni papa.

Nagring lang ito ng nagring... walang sumasagot. Sinubukan kong tawagan ang ate ko.
"Oh napatawag ka." Bungad niya sa akin.
"Si papa ba, nasa bahay mo?"
"Oo. Natutulog eh. Nakainom kasi. Tumawag ka na lang bukas." Sagot ni ate.
"Ate, wala ba kayong...naaalala ngayon?"
Pahina ng pahina ang boses ko.
"Oo nga pala. May sweldo ka na ba? Baka pwedeng makahiram muna. Nanghingi kasisi papa ng pambili ng alak, wala na akong pambili ng diaper ng pamangkin mo. Padala mo bukas ha. O sige bye."

Huminga ako ng malalim... hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak.

"Balik tayong Country Club?"
Tanong ni Raiden sa akin.
"Huwag na. Ibaba mo na lang ako sa kung saan may bus stop." I replied.
Tumingin ako sa bintana para hindi makita ni Raiden na umiiyak ako.

Maya-maya, kinalabit ni Raiden ang braso ko. May inabot sa akin na tissue.
"Huwag mong sabihin na you don't need tissue. Don't judge you. Punasan mo ang luha mo, birthday girl. Tutal wala kang bantay, saan mo gustong gumala?"
Inabot ko ang tissue at nagpunas ng luha.
"Busog na kasi ako." Walang ganang sagot ko.
"Ganto na lang. Pambawi ko sayo. Punta tayo ng mall." Sabi nito.
"Bakit?"
"Taena ibibili kita ng backpack. Yung hindi purple. Alam mo bang ang sagwa ng backpack mo?"
Natawa ako ng bahagya. "Bigay kasi ng mama ko ito sa akin kaya ayaw kong palitan."

"Nasaan ba si mama mo?"
"Patay na." Maikling sagot ko.
"Ahhh. Sorry about that. Kaya naglalasing tatay mo kasi hindi makamove on?Sorry narinig ko ang usapan ninyo ng ate mo."
"Ahh, matagal ng nakamove on papa ko. Hindi pa nga sila hiwalay, move on nasiya." I replied.
"Pang-ilan ka sa magkakapatid?"
Bakit biglang nagtanong 'to ng buhay ko?
"Pangalawa. Ako at ate ko ang tunay na magkapatid. May isa kaming kapatid pa sa pangalawang asawa ni papa." Paliwanag ko.

"Joanna, pwede mong sagutin ang tanong ko or hindi pero curious lang ako... Medyo chismoso kung gusto mo ng ibang term. Did your family forgot your birthday?"
Tumango ako at saka sumagot. "Sanay na ako sa kanila."
"Hindi ka dapat masanay sa mga ganung bagay. Hindi kami palasimba pero hindi ganun ang pamilya ko."
"Mapalad ka." I replied. "Hindi lahat may pamilya na gaya ng sa iyo."

"Ibibili talaga kita ng backpack para sumaya ka." Sabi nito.
"Raiden, kailangan mong maintindihan, hindi lahat ng nakakapagpasaya sa tao ay nanggagaling sa pera. Ang simpleng pakikinig mo sakin ay sapat na. Maraming salamat."
"Kung ganun, since wala kang kasama sa birthday mo. Bumalik tayo ng Country Club." Sabi niya. Nag-exit nga si Raiden sa nadaanan naming exit sa Laguna at bumalik ng Tagaytay.

"Yo guys, pabalik na kami." Sabi niya sa kausap. "May party-party pa ba?"
"Madali yan. Tawagin ko ang tropa..." Sagot ni Dominique. "Sabi ko na kasing dito na matulog. Palaboy kasi si Dora."
"Naririnig kita." Sabat ko sa usapan nila na ikinatawa ni Dom.
"See you in a bit Joanna." Paalam nito.

"Alam mo Joanna, minsan ang pamilya ay hindi mga kadugo kung hindi mga kaibigan. Kung makikichismis ka sa buhay sa Country Club, malalaman mo na hindi lahat ng magkapamilya ay galing sa iisang angkan. Pero iisang pamilya kami."

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon